[MSD-45]

162 7 2
                                    

Roby Edric Lorenzo

Hanggang saan ang kaya mong gawin para lang makitang masaya yung taong mahal mo? Ako? Handa akong isakripisyo ang sarili ko para sa kaligayahan niya. Corny pero iyon ang totoo.

Iba ang gusto nung batang matakaw at sa kasamaang palad ay hindi ako yun. Hindi naman ako siraulo para gulohin pa lalo ang isipan niya kahit isa lang naman talaga akong pang-gulo dito.

"Tama ba yung binigay sa'kin ni Travis na address? Baka mamaya ipinapain na naman ako nito sa ibang babae." napailing na lang ako.

Mukha na ata akong stalker sa ginagawa kong ito. Sigurado ba talaga siya? Ang sabi niya ay kaklase ng pinsan niya yung babaeng yun at ibinigay niya sa'kin ang sched nila.

Dapat nandito na yun ngayon sa parking lot dahil alas otso ang pasok nila, pero 7:45 na ay wala pa rin siya. Late ba yun pumapasok o baka sobrang aga niyang pumasok? Baka nakaalis na yun. Babalik na nga lang ako bukas. Gusto ko lang naman sana siyang kausapin.

Paaandarin ko na sana ulit ang sasakyan ko nang may makita akong babae na kinakaladkad ng isang lalaki. Nagpupumiglas ito at tila humihingi ng tulong.

"Venice?"

Dali dali akong bumaba na sasakyan at patakbong sumunod.

"Help!" sigaw niya habang pilit siyang kinakaladkad ng lalaki at muling tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay nito.

"What the hell?" kinikidnap ba siya?

Lalo kong binilisan ang pagtakbo at naabutan kong akma siyang ipapasok ng lalaki sa CR sa may parking lot.

"Let her go!" sigaw ko sabay suntok sa lalaki.

Gumanti ito ng suntok at hindi ko napansin na may hawak pala itong patalim. Damn. Mapapasubo na naman ako nito.

Nagawa niyang madaplisan ang braso ko. Shit. Ayoko sa lahat yung nasusugatan ako. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko napigilan ang sarili ko. Pasensyahan na lang tayo kung makapatay ako ngayon.

"Oh my god! Stop!" may humila sa'kin bago ko pa maisaksak sa gagong lalaki yung patalim na naagaw ko sakanya. I wouldn't be a mafia prince for nothing.

"Stop. Please." umiiyak na sabi niya. Sinuntok ko ng isa pang beses yung lalaki at tuluyan itong nawalan ng malay bago ako tumayo.

"You're hurt."

Napatingin ako sa sugat sa braso ko. "Wala ito. Ikaw okay ka lang ba?"

Pagkatanong ko ay biglang nanlambot ang tuhod niya at muntik na siyang matumba, mabuti at nasalo ko siya. Bigla siyang humagulgol.

"Hush. It's okay. Mabuti at nakita ko kayo kung hindi baka kung ano nang ginawa sa'yo ng gagong 'to."

Nang medyo makabawi siya sa pagkabigla ay sakto namang dating ng mga pulis na tinawagan ko. Mabuti at malapit lang sa police station ang condo nila.

Sasama sana ako sa police station para makapag-file siya ng reklamo pero bigla akong nakatanggap ng tawag. May emergency sa bahay.

"Thank you for saving me."

"Kahit naman sinong makakita sainyo ay siguradong gagawin din ang ginawa ko. Pasensya na hindi na ko makakasama sa police station. May emergency kasi sa bahay." I explained pagkasakay niya sa police mobile at tumango lang siya kahit kitang kita ko sakanya ang pagaalangan at nandoon pa rin yung matinding takot.

Then suddenly, I felt something strange deep inside of me. Bakit parang gusto ko siyang protektahan at ingatan? What's wrong with you, Renzo?

--

My Sweetest Demon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon