"Wait." pigil sa'kin ni Damond pagsara ko ng pinto ng kwarto.
Nakatayo siya sa labas at parang kanina pa nagaabang ng paglabas ko.
"I can explain." mahinahong sabi niya pero nanatili sa kanyang kinatatayuan.
"No need." I smiled bitterly at nilagpasan siya. Ano pa bang ieexplain niya? Ni hindi nga niya itinanggi na fiance niya yung si Samantha diba?
"Yes she's my fiance." simula niya na nagpatigil sa'kin sa paglalakad.
"O-okay." I tried to answer as calm as possible without looking. Shit naman eh. Oo na fiance na, wag mo na ipamukha. Sino ba naman ako? Ako lang naman yung halos magmukhang tanga na pinaasa mo.
Maglalakad na sana ulit ako nang magsalita siya ulit.
"It was just a stupid request when we were kids. We asked our parents to let us get married when we reach the right age. We were only 5 or 6 I think." huminto siya at hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin para iharap ako sakanya.
"I had a crush on her, I think. But you know that was just puppy love or whatever they call it. She's the only friend I had, she's the only one who can put up with my temper." pinilit niya akong tumingin sa kanya.
Bakit parang papel na nilulukot ang puso ko habang naririnig ko ang explanation niya? Bakit kailangan kong marinig na engaged siya sa first love niya? Edi wow!
"That was years ago. I didn't even know back then what marriage is for. And I never thought na tototohanin ng parents namin yung request namin. But now, as we grow older we found out that what we felt for each other was just pure friendship. Nothing more."
This time napatingin na talaga ako sakanya. "But you're still engaged."
"Yes. We had a deal, we'll stay engaged until we found the ones we really want to spend the rest of our lives with."
"And? Hindi niyo pa natatagpuan that's why.."
"No. I already found mine." Seryosong sagot niya habang nakatitig sa'kin.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa pagtitig niya na parang tumatagos sa kaluluwa. Ako ba yun? Napalunok ako. Teka. Parang di ako makahinga.
"Yes. It is you." sagot niya na parang nababasa ang nasa isip ko. Halos masamid tuloy ako sa sarili kong laway.
Tinulak ko siya nang makabawi ako, palapit na naman ng palapit ang mukha niya sa'kin at parang alam ko na ang kasunod kaya inunahan ko na siya bago pa niya magawa ang kanyang binabalak. Napangiti siya ng bahagya sa ginawa ko.
Naguguluhan ako. Parang ang gulo ng explanation niya. Sabi niya tatapusin nila ang engagement kapag nakita na nila yung gusto nila makasama tapos nakita na raw niya yung gusto niya. So, bakit engaged pa rin sila?
"She hasn't." sabi niya na para talagang nababasa niya ang nasa isip ko.
"Don't you get it? Kailangan pareho naming mahanap yung tao na para sa'min so we can call it off." inis na paliwanag niya.
"Bakit naiinis ka na naman eh nagpapaliwanag ka lang." singhal ko. Diba ako dapat yung naiinis kasi engaged pala siya tapos gusto pa rin niya makipag ayos sa'kin?
"So, paano kung hindi siya makahanap?" tanong ko, "No way! Don't tell me.." natakpan ko ang bibig ko as realization hit me. Napailing ako.
Tumango siya, "There was a written agreement. I'm sorry."
Sumakit naman ang ulo ko bigla. Ano ba tong pinasok kong relasyon?
"Anong gagawin natin?" Kailangan ba namin ihanap ng makakatuluyan si Samantha para maging maayos ang relasyon namin? Ay teka, wala kaming relasyon. Pero kasi..
"I love you."
"Ha?" napanganga ako bigla. Tama ba yung dinig ko sa sinabi niya?
"Nothing." inis na sabi niya saka ako iniwan mag-isa.
Attitude din talaga yung lalaking yun. Magsasabi ng iloveyou tapos biglang maiinis at mang-iiwan. Minsan talaga ang hirap niyang intindihin, akala mo palaging nireregla.
--
Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ko ang huling text ni Damond. Kanina pa siya text ng text at hindi ko siya nirereplyan dahil una sa lahat ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Mula kahapon pagkaalis pa lang namin sa rest house nila ay tinext niya na ako kaagad.
"Anong ginagawa mo dyan?" singhal ko pagkasagot ko ng tawag niya, habang tinitignan ko siya sa bintana ng kwarto ko.
Kumaway siya sa'kin, "Bakit di ka nagrereply?"
"Tinatamad ako." simpleng sagot ko at sinara ang kurtina. Kainis 'to. So, pag di nagrereply kailangan puntahan na niya agad ako dito? Clingy lang?
"Let's talk." he paused, narinig ko ang malalim niyang paghinga bago nagpatuloy, "Please."
Syet. Parang pana na dumiretso sa puso ko yung salitang please. My gahd Damond Sylvestre, anong gagawin ko sa'yo?
Sumilip ako ulit sa bintana at nakatitig lang din siya sa direksyon ko.
"Okay. Wait." I took a deep breath.
Make up your mind Gerry! Ano ba talaga ang gusto mo? Are you ready to be in a complicated relationship? Parang tanga kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. Akala ko pagbalik ko dito sa Pilipinas ay kaya ko nang bigyang kasagutan yung mga bagay na gumugulo sa'kin pero heto ako ngayon at patuloy na naguguluhan sa'king sarili. Ano na self?
"Tuloy ka." pinagbuksan ko siya ng gate saka kami dumiretso sa garden.
"Do you hate me?" seryosong tanong niya.
"What? No!" ano ba naman kasing tanong yan? Wala man lang bang pasakalye? Do you hate me kaagad?
"Thank you."
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"As long as you don't hate me I'm okay with it." Lalong humigpit ang yakap niya at pakiramdam ko ay mababalian na ako ng buto anytime.
"Can I court you?" tanong niya matapos niya akong pitpitin. Grabe. Muntik na akong hindi makahinga dahil bukod sa higpit ng yakap niya pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.
"Ha?" eto na naman. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko feeling ko nabibingi na ako.
Teka. May sakit ba siya? May nakain ba 'tong nakaapekto sa sistema niya?
"Please. Let me court you. This time I really mean it. Just give me a chance." may inilabas siyang isang bulaklak ng tulip mula sa kanyang likuran.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tama ba na hayaan ko siyang ligawan ako kahit alam kong engaged siya sa iba?
Napapikit ako at kinapa ang puso ko na kanina pa malakas ang pagtibok. Maybe I can give it a try. Maybe I can give us a chance. Maybe?
-
Hello ulit! Gusto ko lang malaman ninyo na ang saya saya ko na kahit paano ay may mga nagbabasa pa rin nito at patuloy na sumusuporta. Maraming salamat! Huhu.
I know bitin ulit pero pasasaan ba't maitatawid din natin itong kwentong 'to. Haha. Gusto ko na rin malaman kung ano ang kahihinatnan nito.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?