Chapter 6

56 5 1
                                    

Maxine's pov:


Bago ako matulog, tiningnan ko muna ang mga pictures namin ni ivan kanina, from jestki hanggang sa sunset.

Sobra akong natatawa dahil im so proud of my photography, pagbigyan nalang dahil pinupuri ko ang sarili kong gawa.

Sobrang dami ng shots ko sa nature until sa kakabrowse ko nakita ko ang picture namin ni ivan, sa jetski, banana boat, kayak, sa underwater, sa tabing dagat, sa ATV, stolen pics nya pero kahit stolen ang gwapo parin.

Wait.. What did i just say? Gwapo? Eh gwapo naman talaga siya. Artistahin nga ang dating eh, parang model ang dating ni ivan pero photographer siya. Mas mabuti pa yun photographer gwapo eh yung model? Hahaha nevermind.

Before i go to sleep, i posted on my instagram, our jetski pic ni ivan, ang lapit ng mukha ko sa mukha nya, kung titignan sa picture, parang i am hugging him from the back..

But who cares, naka fish eye lens din naman ang photo, baka di nila to mahalata. Napost ko na sa IG ang pic and infairness ang daming likes.. Well, sayang din naman ang 4k followers ko kung wala din maglilike ng post ko diba?

Dahil inabot na ako ng antok, i decided na matulog na.. It's been a great day for me and ivan, sana nagenjoy siyang kasama ako, dahil ako sobra akong nagenjoy kasama siya.

Ivan's pov:


nagising ako around 8:00 am to pack my things, i charged my laptop, and other gadgets.

Nalowbatt kasi kahapon, i forgot na hindi ko pala to na charge. Nang matapos akong magpack ng gamit, biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Sinilip ko muna sa spyhole kung sino, sina dylan at adrian lang pala, binuksan ko ang pinto.


Ako: oh, anong sadya natin?

Dylan: bro, brunch daw tayo mamayang 10 am para around 12 nn makauwi na tayo ng manila.

Ako: oh sige2

Adrian: ah ivan, ikaw nalang din magsabi kay ms.maxine ah na may kain tayo mamaya tutal angclose close na ninyo eh hahaha!!

Ako: ikaw talaga adrian! Oh sige na ako na ang magsasabi sa kanya.

Dylan: oh sige, bye!

Ako: bye.

Ito talagang dalawang to, nasa likod na nga nila ang kwarto ni maxine iapautos pa talaga nila sa akin, sus if ii know gusto lang talaga nila akong pagtripan.

I knock on maxine's door, sa unang katok, hindi naman nagbubukas ng pinto, so i knock again, wala parin, kumatok ulit, ganun parin, bakit di niya binubuksan? Wala ba sya sa loob? Kumatok ulit ako.

Ako: maxine? Si ivan to.

Pero walang sumasagot, baka lumabas, mamaya ko nalang siya kakausapin, pabalik na sana ako ng room ko ng biglang bumukas ang pinto ng room ni maxine.

Maxine: ivan?

Tawag ni maxine with her husky voice, dahan dahan akong lumingon sa kanya. She is wearing night gown with her messy hair, mukhang bagong gising pa to.

Maxine: ivan?

Natauhan lang ako ng tinawag ako ni maxine, nakatulala na pala ako sa kanya.


Ivan: ah ano kasi, may brunch out tayo mamayang 10 am before we leave.

Maxine: oh fudge, tama pala ngayon na tayo babalik ng manila, napasarap tulog ko eh hindi pa pala ako na kakapag pack ng gamit.

Ako: okay lang maxine, 8:30 pa naman eh.

Maxine: okay thanks sa info ivan

Ako: okay lang, sige pasok na ako.

Maxine: sige.


Agad akong pumasok sa room ko, as i close the door, bigla kong naalala ang mukha ni maxine, ang ganda parin niya kahit bagong gising.

I close my eyes and then open it again, why am i being like this? Everytime na nakikita ko si maxine, wala na akong maisip at makita kundi siya lang.

Baka naman siguro na starstruck lang ako sa kanya, eh sa maganda talaga siya, kahit sino naman sigurong lalake would also feel the same way like me.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagiimpake ng gamit, pero hindi parin nawawala ang mukha ni maxine sa isip ko.


Maxine's pov:


Mabuti nalang at kumatok si ivan, dahil kung hindi maybe i woke up late again at baka ako pa ang maging reason kung di kami makaalis dito sa batangas agad.

I quickly pack up my things, ang dami kong dala actually, ganito talaga siguro kapag babae, madaming gamit na dinadala kahit tatlong araw lang ang stay.

Halos 45 minutes din akong nagstruggle na magimpake ng gamit. I decided na magshower na dahil malapit ng mag 10 am.

After I took a bath and brush my teeth nagbihis agad ako, hindi na muna ako magdedress ngayon dahil sa whole stay ko dito sa punta fuego ay lagi nalang akong nakadress.

I just wore a blue sando fit top with kimono and denim shorts tapos slippers. Naglipbalm ako and konting blush on tapos i comb my hair then tapos.

Lumabas na ako ng room with my things, grabe ang bigat ng bag at maleta ko. Nang makarating ako sa parking lot kung saan nakapark ang car ko, i immediately open the trunk para malagay ko ang gamit ko.

Kakargahin ko na sana ang maleta ko ng may biglang tumawag sa akin.


Dylan: Ms.Maxine!

Ako: oh dylan

Dylan: tulungan na po kita

Ako: ay okay lang, i can manage thank you

Dylan: cige na po, alam ko pong mabigat yan tsaka wala pa po si ivan para tulungan kayo

Ako: ano ka ba, hindi ko kailangan tawagin si ivan para humingi ng tulong

Dylan: hayaan nyo po akong tulungan kayo, pwede po ba kahit ngayon lang?

Ako: sige na nga, ano pa ba nga ang magagawa ko.

Binuhat na ni dylan ang mga gamit ko, and after that i close the trunk

Ako: thank you dylan.

Dylan: walang problema po ms.maxine

Ako: po? Ms.maxine? Ang galang mo naman dylan, magkasing edad lang naman tayo.

Dylan: pano nyo naman po nalaman na magkasing edad lang po tayo?

Ako: sabi ni Ms.Lorraine sa akin.

Dylan: eh syempre, ang galing galing mong model, pinag-aagawan ka ng mga magazine companies pati clothing lines, kaya talagang mataas ang respeto ko sa inyo

Ako: i appreciate it dylan, thank you for that pero since magkatrabaho tayo and we have the same boss, please call me maxine nalang, wag na yong ms.maxine nakakaconscious eh.

Dylan: sige sige, maxine.

Ako: good, so ano punta na tayo sa resto para sa brunch?

Dylan: sige


We went together ni dylan sa resto, joker pala itong si dylan, masyadong madaldal.

When we arrive sa resto everyone was there na, kami nalang ata ni dylan ang kulang.

Ms.Lorraine: oh andyan na pala kayong dalawa, tara lets eat!

Umupo na kami ni dylan, dahil wala ng vacant seat, nasa dulo kaming dalawa nakaupo. Nakita ko si ivan pero hindi niya ako pinansin, baka hindi niya namalayan na we already arrived.

Chasing Cars (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon