Chapter 20

50 2 3
                                    

finally! nakaupdate na!! sorry readers if it took a while before nakaupdate.


Chasing cars 20:

Maxine's pov:


10:30 am ng magtouch down ang plane namin sa boracay. Ang malas ko nga naman dahil nakabuntot parin sa akin itong babaeng mukhang iguana.



"Saan ba located yung hotel NATIN?!" Sabi niya, talagang inemphasize niya ang natin.


"Hindi mo ba alam kung saan?" Sabi ko sa kanya.



"Magtatanong ba ako sayo kung alam ko?" Mataray niyang sagot sa akin. Ngumiti ako sa kanya tsaka sumagot



"Sabagay tama ka din, pero hindi ko na kailangan ipaalam sayo kung saan ka magiistay kasi hindi ko obligasyon yan." Sabi ko sa kanya tapos naglakad na. I know na naiinis na siya pero wala parin siyang nagawa kundi ang sundan ako.



Nang makarating na ako sa tapat ng La Carmela de Boracay ay kinuha ko ang phone ko, ang daming missed calls at lahat ng yun ay galing kay ivan. I just smiled and dialled his number.




"Maxine, nandito ka na ba?" Agad na sabi ni ivan pagkasagot niya ng tawag ko.


"Oo, nandito na ako, asan ka na ba?" Sabi ko sa kanya.



"Nasa labas ng La Carmela. Ikaw?" Tanong ni ivan.



"Andito din sa labas ng La Carmela." Sabi ko, biglang nawala si ivan sa line . Binaba ko ang phone ko at itetext ko nalang siya ng biglang..



Ivan: maxine!


Napalingon ako then i saw ivan papalapit sa akin.



Ako: finally!


Lalapit na sana ako kay ivan ng biglang umeksena ang babaeng kasama ko kanina, muntik ko ng makalimutan na kanina pa pala ito buntot ng buntot sa akin.



Sam: ivan! Finally andito ka na! Asan ba yung hotel natin? Are we gonna share the same room?


Ivan: ha?! Ahh sam anong ginagawa mo dito?


Ako: nakalimutan ko sabihin sayo ivan, same kami ng flight ni sam.


Ivan: ahh ganun ba, tara pasok na tayo sa hotel ng makuha na ninyo ang key cards.


Lumapit si ivan sa akin at kinuha ang mga dala ko, then i realized na isang bell boy lang ang nagassist kay sam sa mga things niya while ako naman talagang si ivan ang nagbuhat. Ang ganda ko naman!



Nakuha na namin ang mga key cards, magkatabi kami ng room ni ivan while si sam naman nasa pinakadulo ng floor namin ang room niya.


Sam: bakit ang layo ng room ko?



Ako: ano naman ngayon kung malayo ang room mo? May problema ba?



Sam just rolled her eyes, at pumasok na sa room niya. Kami naman ni ivan ay pumasok sa room ko at tinulungan ako na ilagay ang mga gamit ko sa cabinet.


Ako: thank you ivan ah, grabe nakakastress ang byahe!



Ivan: kasi kasama mo si sam?



Napatingin ako kay ivan na kasalukuyang nakangiti sa akin.




Ako: sa tingin mo?



Chasing Cars (KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon