Hi guys!! Update ulit!!
Just keep on reading chasing cars and
i will do everything para mas
mapaganda ang story na ito..
Thank you :) enjoy reading chasing cars :)
________________________
Ivan's pov:
Simula ng maka trabaho namin si maxine ay mas lalo pa namin siyang nakilala, nakakasabay namin siyang maglunch at magdinner pati din sa meryenda. Sa breakfast naman, may times na kaming dalawa ang magkasama, madalas kaming magbreakfast sa isang fastfood chain.
Nagiging pala kwento na din si maxine, yung tipong she really wants to share her thoughts to us which I really really like. Pero yun nga lang kapag pamilya ang pinaguusapan ay hindi na siya nagsasalita, she choose not say something about it instead, she will just listen to us and smile afterwards.
Habang tumatagal ay hindi na namin namalayan na halos magiisang taon na din pala si maxine sa prestige. 2014 na pala, April 2013 kasi yung unang beses na nakasama namin si maxine sa isang photoshoot sa punta fuego kung saan nagsimula ang lahat.
Nagsimulang may nararamdaman akong matagal ko ng kinalimutan. Nasa Plantation Bay kami ngayon dito sa Cebu, kakatapos lang ng photoshoot namin with maxine.
Nag decide kami na maglunch together sa Restaurant dito, and syempre nakaugalian na din namin na magkwentuhan while having lunch, ganito na kami kaclose dito.
Ako: anong gusto mong kainin?
Maxine: kahit ano lang.
Ako: yung kustara at tinidor nalang pati yung plato ang kainin mo.
Maxine: siraulo to!
Ako: hahaha!! Biro lang!
Hinampas ni maxine ang braso ko, ganito kami magmula nung mas naging close kaming dalawa.
Adrian: ayan nanaman sila!
Dylan: ang daming langgam!
Kristel: iba na talaga si ivan eh
Ako: tumigil nga kayo.
Silang tatlo ang laging inaasar kaming dalawa ni maxine. Wala na silang ibang ginawa kundi ang i-ship kaming dalawa magiisang taon na.
Habang kumakain kami ay nagsimula ng magkwentuhan sila sa pangunguna ni kristel, ang pinaka madaldal sa amin bukod kay adrian.
Dylan: so kristel, since lovelife ang topic natin ba't di nalang natin tanungin si maxine at ivan, kung ano na nga ba ang real score sa aknilang dalawa?
Maxine: dylan? Anong real score ka dyan?
BINABASA MO ANG
Chasing Cars (KathNiel FanFiction)
Romance"If i lay here, if i just lay here, would you lie with me and just forget the world."