Update again!!
Enjoy reading!!! :)
_________________________
Maxine's pov:
I am now sitting sa veranda ng room ko, still thinking about what we had talked about, still thinking of ivan.
I don't know why i am so affected sa mga sinabi niya, especially dun sa sinabi niya na may dumating sa buhay niya na yun ang dahilan kung bakit naniniwala parin sya sa pagmamahal.
Alam mo yung feeling na i am hoping na sana ako yung tinutukoy niya, na ako yung taong dumating sa buhay niya, pero on the other side naiisip ko din na hindi ko pa kayang magmahal ulit.
Masaya akong kasama si ivan, sa halos isang taon naming magkasama, we build a friendship that is real and great, masayang masayang ako ngayon dahil kay ivan, pero hindi ko alam kung sa pagkakaibigan lang ba talaga ako masaya o may mas malalim pang dahilan.
Naguguluhan ako sa sarili ko, kaibigan ko lang naman talaga si ivan, actually he is not just a friend to me, parang bestfriend ko na din siya, hindi ko man masabi sabi ang ibang bagay tungkol sa buhay ko sa kanya pero pinagkakatiwalaan ko siya sa mga bagay na hindi ko kayang harapin ng magisa.
I closed my eyes and open it again. Masyado na akong naiistress sa mga iniisip ko na dapat ay hindi ko naman dapat alalahanin.
I stood up at nahiga sa kama ko, siguro ay idaan ko na ito sa tulog.
Ivan's pov:
Babalik na kami ng manila ngayon, andito na kami ni maxine sa airport. Nauna na kasi ang flight nila adrian at kristel pati na din yung ibang crew at staffs, si dylan naman mamayang hapon pa ang flight dahil dinaanan pa niya ang nililigawan niya. Ang sweet!
Nasa boarding area kami ni maxine ng mactan international airport. Malapit na din kaming sumakay ng plane. Napansin kong medyo hindi masigla ang aura ng mukha ni maxine, okay lang kaya si maxine?
Ako: maxine?
Maxine: hmmm?
Ako: okay ka lang ba?
Maxine: oo naman, okay lang ako.
Malumanay niyang sagot
Ako: sigurado ka? Mukha kasing magkakasakit ka eh.
Maxine: hindi, wala lang to, kulang lang yung tulog ko.
Ako: kumain ka ba ng breakfast?
Maxine: uminom lang ako ng coffee
Ako: bakit di ka kumain? Teka bibili lang ako ng sandwich sa baba.
Maxine: ivan wag na, papasok na din naman tayo ng plane eh tsaka isang oras lang naman yung byahe makakarating na tayo ng manila, magpapahinga nalang ako pagdating ko sa bahay.
Ako: ihahatid na kita sa bahay nila chloe mamaya.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars (KathNiel FanFiction)
Romance"If i lay here, if i just lay here, would you lie with me and just forget the world."