Ivan's pov:
Around 9:55 am, kumatok ako sa pinto ng room ni maxine, pero kagaya kanina, hindi agad ito binuksan.
Baka natulog ulit, kumatok ulit ako.
Ako: maxine? Maxine?
Katok lang ako ng katok pero wala talagang sumasagot. Baka nakababa na siya. Kaya nagdecide nalang ako na bumaba nalang din.
Nakarating na ako sa resto, hinanap ko si maxine pero she's not here, nilapitan ko si adrian
Adrian: oh bro! Good morning
Ako: good morning din, nakita mo ba si maxine?
Adrian: uy hinanap..!!!!
Ako: hindi naman sa ganun eh kanina pa kasi ako katok ng katok sa kwarto niya, mukhang wala siya dun.
Adrian: baka naman may pinuntahan lang
Ako: baka nga, teka asan si dylan?
Adrian: di ko alam eh bigla nalang yun nawala
Ako: dylan talaga! Kahit kailan!
Umupo na kami ni adrian sa tabi ni Ms.Lorraine, sinerve na yung mga pagkain pero wala pa rin si maxine, magsisimula na sana kaming kumain ng biglang may dumating sa resto
Si maxine pero kasama si dylan??
Ms.Lorraine: oh andyan na pala kayong dalawa, tara lets eat!
Umupo na sina maxine at dylan, talagang magkatabi sila dahil wala ng bakanteng upuan.
Umiwas ako ng tingin kay maxine, hindi ko siya pinansin, ewan ko ba, naiinis kasi ako kung bakit kasama niya si dylan. Pero from time to time pasimple akong tumitingin sa kanilang dalawa
Nagkukwentuhan yata sila, tumatawa pa, type ba ni dylan si maxine? Kung type nya ba't nya ako inaasar sa kanya? Nililink pa niya ako kay maxine eh sya naman pala yung may gusto. Ang labo!
Adrian: kaya naman pala sila nawawala kasi magkasama, saan kaya sila galing?
Ako: kumain ka na diyan adrian, parra matapos tayo agad
Adrian: wala ka sa mood bro?!
We just continue eating, nawalan na ako ng gana kaya uminom nalang ako ng juice..
Afterwards, isa isa na kaming natapos kumain kaya nagpaalam ako kay Ms.Lorraine na mauuna na ako sa kotse ko, hihintayin ko nalang sila.
Pumayag naman siya kaya umalis na ako, hinabol ako ni adrian.
Adrian: bro, aalis ka na?
Ako: hindi tatambay lang ako sa kotse ko
Adrian: may problema ka ba?
Ako: ha? Problema? Wala naman
Adrian: sigurado ka?
Ako: oo nga bakit ba?
Adrian: eh bigla na lang kasing nagiba ang mood mo eh, nakakatakot ka bigla
Ako: wala akong problema, pagod lang ako, hindi maganda ang pakiramdam ko
Adrian: oh sige ikaw may sabi eh, babalik na ako dun.
Ako: sige na
Bumalik na si adrian sa resto at ako naman pumunta ssaa kotse ko, naka upo lang ako drivers seat pero nakabukas lang ang pinto.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars (KathNiel FanFiction)
Storie d'amore"If i lay here, if i just lay here, would you lie with me and just forget the world."