Chapter 19 -Trip & Tips-

14 0 0
                                    

Pagtapos ng isang linggo naging okay ang lahat nandito na rin si lola at tama si CJ huwag kong uunahin ang takot at okay na rin kami ni mama tinanong lang sya ng mga tauhan ni Sir.Rudge kung bakit nawalan ng malay si Sir.Rudge at ang sagot ni mama "Naku! Nadulas po sa hagdan"

Aminin ko man o hindi dakilang barbera ako dahil mana ako 'kay mama

"Sinong gusto magswimming!" sabi ni mama sabay taas ng kamay

Agad kaming lahat nagsitaasan ng kamay

"Ako!"

"Night swimming!" suggest ko "baka umitim ako"

"Day swimming! Maitim ka naman talaga Elivia eh!" pangaasar ni CJ at nagsitawanan ang lahat syempre except saakin

"Mas maitim ka!" I shot Back! Beng! Hahaha!

"Aba! Baka magkadevelopan ka'yo ni CJ!" sabi ni lola

"Lola! Pati po ka'yo mangaasar?"

"So what's the plan na?" tanong ni Queenie

"Bukas ta'yo pupunta sa isang Resort mga 3 days ta'yo dun okay?" sabi ni mama

Wala kasi kaming swimming pool sa bahay dahil baka daw sa kakulitan ko may malunod .. walang tiwala saakin si mama haha!!

"So Night or Day swimming?" tanong ko

"Pareho bahala ka'yo kung sa pool o sa beach ka'yo"

"Ok"

"Tara na at maghanda na ta'yo bukas!"

***

"Aaaaaaahhh!!!" sumigaw ako para gisingin silang lahat "tara na sa Resort!! Tara na sa Resort!!" para akong bata na nagsisigaw

"Para kang bata!" sigaw saakin ni CJ na naingayan at nagising sa sigaw ko

"Bangon na!" sabi ko sa mga tulog pa

Tuwang tuwa ako dahil pati si papa kasama! Buti naisipan nyang magbreak muna sa business! At 'yung dalawa kong kapatid at si Yuki nakitulog saamin!

Nagalmusal muna kaming lahat sa dining at heto nanaman ang topic nila!

"Aba! Naging busy lang ako sa trabaho may boyfriend na itong anak ko?" pangaasar ni papa

"Papa!"

"At alam nyo po tito may first kiss na po si Anita!" ayan nanaman si Queenie!

"Teka sa lips?" tanong ni papa

"Hindi po,indirect kiss po kay..." bago pa man sabihin ni Queenie ay inunahan ko na sya

"...Kay Barako po" sabi ko

"Sino naman si Barako?" tanong ni Yuki

"'Yung aso namin"

"Wahaahhahahahaha!!!" nagsitawanan nanaman silang lahat

"Ayan ka nanaman eh! Nung una si Teddy sunod si Barako!" sabi ni Erick sabay tawa

"Kumakain ka pala ng pagkain ng aso?" tanong ni CJ na ikinainis ko

"Tumahimik ka nga!" sigaw ko

"Si CJ po ang first kiss nya" sa huli nasabi na ni Queenie

"Naku! Makukuha na ni CJ ang gusto ny--" bago pa man tapusin ni mama ang sasabihin nya tinakpan ni niya bibig niya "I-i mean gustong gusto ni CJ ang pagpunta ng resort kaya makukuha nya na ang gusto nya kaya tara na at maligo!"

Hindi nagtagal naghanda na kami para sa mga dalahin at ako ang may pinakamadaming dalahin mga swim suit,mga damit example short sleeveless,sunblock at shades ,hats,lotion,etc.

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon