Chapter 11-Surprise-

33 0 0
                                    

Habang kumakain ng dinner eto ang formation:

Ako Jany Raul CJ

Habang kumakain walang nagsasalita saamin at nabalutan ng...akward!!

"Hindi ko na kinaya yung katahimikan gawa kayo ng topic" sabi ko

"Ang panget mo" deretsong sabi ni CJ arghh!! Hindi ko sya mapapalo kasi ang layo nya kaya binigyan ko na lang sya ng DEATH GLARE!!!

"Mas panget ka!" sigaw ko sa kanya

"Shhh!! Sinisigawan mo yung pagkain hahaha!!" tawa nanaman sya

"Ang sweet nila kuya! Anong gagawin ko? Kinikilig ako!! Kyaaahhh!!" humiyaw nanaman si Jaja haha! Si CJ at Raul napatakip ng tenga

"Hahahaha!!" pinagtawanan ko sila

"Kuya huwag mo na silang gawing slave kawawa naman sila!"

"Tumahimik ka!" sigaw sa kanya ni Raul

"Aba! Sinisigawan mo ako! Sumbong kita kay Daddy at sa mahal mong L--mmmm!!" hindi nya natapos yung sinasabi nya ng biglang takpan ni Raul ang bibig nya

"Tahimik.ka" galit na sabi ni Raul sabay tanggal ng kamay nya sa bibig ni Jaja

"Haha! Ang cute nyo namang tignan magaway bagay talaga kayong maging magkapatid" sabi ko

"Oo nga eh! E ikaw? May kapatid ka ba?" nang tanungin ako ni Jaja nalungkot ako "well...mukhang malungkot ka, huwag mo na sagutin okay lang yun"

"Ah...sa totoo lang wala na sya..dahil saakin" sabi ko sabay kain na lang pero bakas ang lungkot sa mukha ko

"Sorry" sabay sabay nilang sabi

"Huh? Ah.. Salamat at mayroon akong mga kaibigan katulad nyo" sabi ko

"Hay naku! Wala yun pero may kasalanan si kuya sayo"

"Ano nanaman?!" inis na sabi ni Raul

"Huwag mo na sya kasi gawing slave! Kawawa yung tao!"

"O-oo na!"

"Kyaaahh!!!" sigaw ni Jaja

"Yaaaaaaaayyy!!!!!" sigaw ko

"Aarghh!!" naiinis nanaman yung dalwa Dahil sa hiyawan namin haha!!

*ring

*ring

Narinig kong tumunog phone ko ..si lola!

"Excuse lang" sabi ko sabay punta sa living room nila

"Hello po lola?"

"Hoy! Sabi ni mang Kenor saakin nasa ibang bahay ka daw! Umuwi na kayo kila mang Kenor dahil dun kayo matutulog understand?"

"O-opo!" sagot ko

"Sya nga pala, bukas tutulungan mo si mang Kenor sa taniman"

"PO!?"

"Bye"

*toot

*toot

Ang hilig mangbaba ng phone ni lola kainis! Tsk!

Pero hindi naman na ako ang slave ni Raul eh hay salamat pero bukas iitim na ako =___=

Pabalik na ako sa dining at may naisip nanaman akong kalokohan lahat kasi sila nakatalikod at kumakain sila at si Jaja naman salita ng salita

"Alam mo si kuya CJ bagay kayo ni ate Elivia at si kuya bagay kay ate Li-" hindi naituloy ni Jaja ng bigla ko silang gulatin

"Hala may ipis!! Aaah!!" sigaw ko

"Aaayy!!!" -Jaja

*cough -CJ nabilaukan

*cough -Raul nasamid

Sabay sabay silang tumayo sa upuan nila at ako naman sobra tawa

"WHAHAHAHAHAHA!!!!"

"Haha! Nice one girl! Napatunayan nating bakla ang dalawang baliw dahil takot sa ipis wahahha!!" tawa kami ng tawa ni Jaja

"Apir!" sabi ko sabay kami nagapir whahaha!!

"Tsk! Kumain ka na nga" inis na sabi ni CJ

Kumain na lang ako ng tahimik then nang tapos na kami kumain nagimbita ang dalawang lalaki na manuod ng nakakatakot

"Eto na lang" -CJ

"Eto dapat!" -Raul

"Mas maganda toh!" -CJ

"Ang ganda ng pinapanuod natin Jaja" sabi ko kay Jaja habang nanunuod sa dalawang nagaaway

"Ang magiging title nyan ay 'Baklang nagaaway'!"

"Hahahahaha! Apir!" tawa nanaman kami sabay apir

Hindi nagtagal nagsimula ang movie at takot na takot ako halos nanginginig ako ang lamig ng kamay ko bigla tuloy akong napahawak sa kamay ni CJ na nasa tabi ko lang

"Hoy! Ba't ang lamig ng kamay mo?" tanong ni CJ habang tinanggal ko yung pagkahawak sa kanya "takot hahaha!!"

"Takot wahhaha!!" tumawa rin si siRAULo ...aba! nagkasundo ang dalawang bakla!

"Jaja! Nagkakasundo ang dalawang bakla whahahaha!!" tawa kaming dalawa eh syempre hindi kami papatalo!

"Kuha lang ako tubig" paalam ni Raul sabay tayo

Maya maya ...

"Boo!!"

"Waaah!!" sigaw ko sabay napayakap kay CJ 0.0 nagulat naman si CJ

*click

"Kyaah!! Napicturan ko!!!" tuwang tuwa si Jaja with talon talon pa

"Wahahhahaha!!!" tawa ng tawa yung dalawang bakla ....so ganun? Planado pala!

Flashforward >>>>>

"Bye bye ate Elivia" paalam ni Jaja

"Bye din kita bukas" sabi ko then alis na kami yey!

Habang naglalakad nadidiliman ako at natatakot

"Ah...natatakot lang kasi ako..pwede pakapit sa braso mo?" tanong ko pero tinignan nya lang ako "...huwag kang mag-is---"

"Sige na" pumayag naman sya then kumapit na ako sa braso nya nilalamig din kaya ako! Kahit summer haha! Hellow! Province toh! Haha!

Tumingin ako sa likod natakot na lang ako ng may sumsunod saaming isang lalaki na mukhang lasing ata

"May nak-" hindi ko naituloy

"Sshh!! Akong bahala" sabi ni CJ

Mas lalong napahigpit ang paghawak sa braso nya nang palapit ng palapit si kuyang lasing

"Par-"

*PUNCH!!!

Biglang sinuntok ni CJ si kuyang lasing woo idol kita CJ galing mo manuntok wahaha!!

Tinignan ko kung sino ang lasing na lalaki....bigla na lang nanglaki mata ko

"Erick!?"

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon