Chapter 21 -Water Gun-

9 0 0
                                    

2nd day na kami dito at...

..Nagkukunwari pa rin akong hindi ko alam na may gusto saakin si CJ

"Aminin mo may gusto ka sa kanya noh?" kinukulit pa rin ako ni Queenie

"Pfft! Hindi"

Naguusap kami sa kwarto ko habang wala si CJ .saan ba si CJ? Kinakausap mama ko

"Nawawalan ka ng tiwala sa pagmamahal dahil sa nakaraan mo noh?"

"Oo siguro? Paano kung iiwan nya na lang ako basta basta sa ere? So iiyak nanaman ako at masasaktan katulad dati?" sabi ko

"Pero may halong saya naman eh at talagang masasaktan ka at kailangan mong tanggapin dahil ang pagmamahal ay hindi ka laging masaya minsan nasasaktan ka dahil walang perpektong bagay at huwag ka ng bumalik sa nakaraan ang isipin mo ang future mo"

"'Yun na nga eh! Iniisip ko ang future ko"

"Kung iniisip mo talaga ang future mo itinanong mo na ba sa sarili mo na..."

"Na ano?" tanong ko

"...Ang tanungin mo ay...Saan o paano o KAGANINO ko mahahanap ang kasiyahan?"

"Nasagot ko na 'yan kailangan ko lang ng mapagtritripan na tao o kaya ng kalokohan"

"Maganda bang pagtripan ang kapwa tao natin?"

"H-hindi" sabi ko

"Pero masaya ka naman na eh buo na uli ang pamilya mo at kalimutan mo na ang past mo at sana magkaroon ka na ng lovelife hindi na kasi ako makapaghintay makita ang bunso naming makulit at impossibleng mainlove ay may lovelife na and please sana trust the love masaya magkaroon ng lovelife"

"Opo sige na po next time na natin 'yan pagusapan"

"You mean may chance sa'yo si CJ?"

"Huh?"

"Kyaaah!! Sige na at kinikilig na ulit ako" sabi nya sabay alis sa kwarto

Sa ngayon hindi ko iniisip ang pagkagusto saakin ni CJ ang iniisip ko ay magswiswimming uli kami!!! Yupeee!! Hahahaa!!

Lumabas na ako ng kwarto at may naririnig akong tawanan sa baba makikijoin na lang ako at pagkababa ko ...0.0

"Raul!? Jaja!? Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko kasi nandito ang Yorilliong magkapatid!

"Aba! Hindi mo alam na ang papa namin ang may ari ng resort na 'to?" pagmamayabang ni Raul

"Aba! Ang yabang mo pa rin ah!" sabi ko

"Baka ikaw? Sinong payabang na nagsabi na pagmamay ari kaya namin ang Derima's Farm"

*PoK

Binatukan ko sya at nagtawanan kami

"Batok pa rin ng batok tsk!" sabi ni Raul

"Psst! may nagseselos" bumulong saakin si Queenie na nasa gilid ko

Agad ko naman tinignan si CJ na nasa harapan ko at tablet nanaman

"Nagtatablet naman sya eh" bulong ko

"Magswimming ta'yo at magvolleyball sa beach ate Elivia" napatingin ako 'kay Jaja

"Sige! Tara na!" sabi ko at agad silang nagready

***

Nandito na kami sa beach! Ang parents at grandparents ko hindi sumama magrerelax na lang daw sila

"Yupeeee!!!" sigaw ko habang papatalon na sana sa Beach

"Dito ka lang!" may biglang pumigil saakin at 'yung mokong na CJ pala

"Why!?"

"Magvovolleybal daw muna" sabi nya at agad akong napatingin kila Queenie

=____=

Nakapwesto na pala sila at nakahanda na 'yung net

"1...2....3.."

*prrrrt*

Ako ang unang tumira then tinira eto ni Yuki na nasa kabilang grupo

"Hoy!" napatingin ako sa sumigaw saakin

"Bakit?" tanong ko sa mokong CJ

"Anitaaaa!!! 'Yung bola" napatingin ako kay Queenie ng sumigaw sya

*POK

Aruy ko po!!! Natamaan ako ng bola dahil DINISTRACT AKO NI MOKONG,!!

"Ang bilis mo pala madistract? Whahahahahhaha!!!" tawa ng tawa si CJ pati na rin 'yung iba

"Baliw ka talaga!!" sigaw ko sa kanya

"Nabaliw ako dahil sa'yo wahahha!!"

*pok

*pok

Binatukan ko sya at pinalo sa braso

"Ayieeeee!!!!" ayan nanaman sila! Nag aayiee nanaman! Except kay Raul na tumatawa pa rin -____-

Sa huli nagswimming na kami then basaan at nagdala rin pala sila ng water gun kaya nagbarilan kami ng water gun ang kakampi ko ay si Yuki

"Tago ta'yo dito" sabi ko kay Yuki

Nagtago kami sa mga nagsisilakihang bato bato sa dagat

"Sandali lang baka madulas ta'yo" sabi ni Yuki na hila hila ko tama sya madulas ang mga bato

"Baka nandito" nataranta ako ng may biglang magsalita,sila Raul.hala! Baka makita kami, kaya hinila ko agad si Yuki

"Sandali lang!" sabi ni Yuki na mukhang madudulas na ata napabitaw sya sa kamay ko...too late nadulas sya at tumama ang ulo nya sa bato bato at...

..at nakita kong may dugo

"Yuki!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya "Tulong!"

"Yuki!!" sigaw ni CJ at agad nyang nilapitan si Yuki "Anong nangyare!?" natakot ako sa pagsigaw nya saakin dahil alam kong magaaway nanaman kami

"S-sorry" sabi ko sabay nagsilapitan na din sila Queenie

"Dalhin na sya sa hospital!" utos ni Erick

"Walang malapit na hospital dito kaya sa bahay na lang namin sya dalhin" sabi ni Jaja "maraming first aid kit sa tinitirahan namin dito"

***

Ginagamot na si Yuki at sabi ni Queenie na matalino kailangan lang daw muna ng unting pahinga ni Yuki

"Sana magising na sya" nagsalita ako dahil napakatahimik naming hinihintay magising si Yuki then nagulat na lang ako ng tignan ako ng napakasamang tingin ni CJ then agad syang tumayo at papalapit saakin....patay

"T-teka!" sabi ko pero hinila nya ako malayo kila Queenie

"Anong nangyari!? Anong ginawa mo!?"

"Ah..." hindi ako makapagsalita

"Sabihin mo!!" sigaw nya sabay suntok sa pader

"Nadulas sya dahil nagmamadali akong magtago sa mga bato bato" mabilis kong sabi sabay pikit

"Simula ngayon hinding hindi ka na lalapit sa kapatid ko!"

"A-ah..o-opo sir!" sabi kong parang takot na takot sabay salute sabay bukas ng mata

"Kahit man nagising na si Yuki hindi pa rin kita mapapatawad!"

"P-per--"

"Tumahimik ka!"

"Sorry na nga eh! Ano pa bang--" hindi ko matuloy 'yung sasabihin ko dahil parang paiyak na ako

"Huwag kang iiyak..."

"Hindi mo pagmamay ari ang luha ko ka--"

"...dahil masasaktan ako"

"Huh?"

"Tsk!" ngumisi sya sabay alis sa harapan ko

"Aba! Hoy! Makangisi ka akala mo kung sino ka!!" sigaw ko with turo pa sa kanya

*click

"Kyaaah!!"

=______=

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon