Chapter 30 -Trouble-

7 0 0
                                        

>>>Flashforward

Pinakaayaw kong araw ngayon dahil ...Simula na ng SCHOOL NGAYON!!!! Arghh!! Hindi ko pa pala nasasabi na sa loob ng isang buwan and a half ay parang tinuring kong kapatid si CJ siya ang pangatlo saaming apat nila Queenie at sa nilipatan kong school ay dun rin pala nagaaral si CJ dati! Noong nasa elementarya pa daw siya at dito daw magaaral si CJ ngayong school year eh 'yung kapatid nyang si Yuki? Sa dating school ko siya magaaral...ewan ko kung bakit kailangan pa nila maghiwalay ng school.

"Kyaaaahh!! Bumalik si crush!!"

"Kyaaah!!"

"Sino 'yung kasama niya?"

Nagtataka ako kung bakit nagsisigawan lahat ng mga estudyante at may banner pa! kakapasok pa lang namin ni CJ ng gate!! Artista ba ako!?

"Siya ata 'yung bagong transfer"

"Siya 'yung babae na kailangan daw iwasan?"

"Sabi daw ng mga kaklase niya sa dati niyang school ay monster siya!"

Ano daw?!? Monster? Ako? Baka 'yung kasama ko!

"AAAAAAAAHHHHHH!!!" nagulat na lang ako ng nagsigawan ang mga estudyante at nagtakbuhan

"Lumayo ka sa kanya CJ my labs!!" sigaw pa ng isang babae na white lady? Eh sa tinadtaran ng polbo eh!

"Anong problema nila?" tanong ko

"Ikaw" matamlay na sagot ni CJ

"Hala! Wala pa naman akong nagagawa sa kanila! Halos first day ko pa lang sa klase!" sabi ko

"Maraming masasamang ugali dito kaya ingat ka na lang ah"

"Ok!" sagot ko sabay salute.

"Tara na baka mahuli pa ta'yo sa klase"

Private ang school na pinasukan ko at nakakalungkot bawal cellphone pero ok lang dahil kasection ko si CJ at dahil bago ako dito kailangan niya akong samahan lagi! Natural!

"Those who are the tranferee, please stand up" utos ni sir at agad kaming tumayo ni CJ ..t-teka! Kaming dalawa lang ang tranferee sa section na 'to!? "Ipakilala nyo na ang sarili niyo.."

"Ah..ako si Elivia May Derima sana magkaroon ako ng bagong kaibigan dito" pagpapakilala ko.

"...at CJ welcome back!" tuwang tuwa na sabi ni sir.

"Thank you po ma'am..ako naman si Ceryl John Tahn,umm..'yung babaeng nasa harap nyo ngayon,huwag nyo syang ipapahamak kundi lagot kayo sakin" tinaasan ko naman ng kilay 'tong si CJ pero hindi niya pinansin.

"Kyaaah!! Pwede na ba maging ta'yo CJ? Malaki naman na ta'yo eh!"

"Bumalik 'yung crush ko!!"

"Kyaaah!! Mas lalo siyang gumwapo mas nainlove tuloy ako sa kanya!"

Hindi ko alam kung cupid noon si CJ ang lakas ng tama sa kanya ng mga babae eh..at akalain niyo yun! 'Yung personal body guard ko eh isa palang umm..heartthrob ng school at...at..

At inlove sa'yo

Tapos may epal pa ring konsensya!

Sinasabi ko lang ang totoo

Pero wala akong pake sa mga sinasabi ng konsensya ko!

"Elivia at CJ you may now take a seat" utos ulit ni sir.

Balak sana naming magtabi ni CJ pero kada isang bakanteng upuan ay may katabi na!

"Ah...sir,pwede po ba kami magtabi ni Elivia?" nagulat kaming lahat ng tanungin 'yun ni CJ

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon