Chapter 28 -Cousin-

9 0 0
                                    

*ring

*ring

Napatigil kami sa usapan ng biglang nagring ang phone ni CJ

"Ah...sige sige punta na kami dyan" sabi ni CJ sa kinakausap niya at agad niya rin binababa "tara na dahil alam na nila kung saan ang pinagtataguan ng mga kidnapper na nakatakas"

"Huh!? S-sige tara na"

Kinakabahan ako ako dahil natagpuan na nila.

***

"Papa! Papa!" Tawag ko dahil nandito na kami sa sinabi nila kung saan sila.

"Nandito kami anak!"

Lumapit na kami kila papa at kasama pala ang mga kapatid ko

"Papa nahuli na ba sila?" tanong ko

"Hindi pa namin alam dahil hinihintay pa lang namin ang mga investigators" sagot ni papa "ayun na ata sila"

Lumingon kaming lahat at tuluyan akong umiyak pati na rin sila Queenie at Erick.May Kabaong.

"Tita?"

"Mama? Lolo? lola? Hindi...hindi.." sabi ko at tuluyan ng umiyak dahil isang kabaong ang lumabas parang 'yung sa mga vampire sino kaya siya si mama? Lolo? Lola? "Waaaaaaahhhhhhhhh!!!! Mama!! Lola o lolo!! Ba't niyo ako iniwan!! Babalik ba ulit ako sa dati?!" sumigaw na ako dahil sa galit kung sino gumawa nito!

"Waaaaaahhh!!!" nakisali na rin 'yung dalawa sa pagiyak ng malakas at si papa pinipiglan umiyak

"Jusko! Magbabayad ang gumawa nito!" sigaw ni papa

"Ang sama ng gumawa nito" sabi ni CJ na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari

"Waaaaaahhhhh!!!" sabay sabay kaming magkakapatid na umiyak ng malakas at niyakap ang isa't isa

"Ah...excuse lang po iimbistegahan na po namin ang bangkay na natalsikan ng dugo" biglang may isang investigator na dumating

"Bangkay po ng mama o lolo o lola ko 'yan! Ba't kailangan nyo inbistigahan pa!?" tanong ko

"Ang totoo po wala pong namatay na nakita..." sabi ng investigator "....wala pong laman ang bangkay na 'yan"

Ok pahiya kami doon...hibig sabihin iniiyakan namin ang isang walang laman na bangkay!??!!!

Pero kahit ganun natuwa kami na may kaba pa rin dahil unang una walang namatay at may kaba rin kami dahil unang una nakatakas ang mga kidnappers it means tinakas nila sila mama, pangalawa may talsik na dugo sa bangkay....

Pinunasan na namin ang mga luha namin dahil nahiya sila Queenie sa pagsigaw

"Ayun naman pala eh! Walang namatay!" sabi ni Erick na pinupunasan ang luha

"Pero nakatakas 'yung mga kumidnap" tama si Queenie

***

Natutulog na ako pero hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung anong mangyayari kila mama,lolo,lola baka 'kung anong gawin ng mga kidnapers!

"Matulog ka na" nagulat ako ng biglang humiga si CJ sa kama ko!

"Dun ka sa sofa matulog sabi ko!" sigaw ko sa kanya

"Kung iniisip mo kung ano ng nangyayari sa mama o lolo o lola mo huwag kang magalala hindi mo alam ang future" sinamaan ko lang ng tingin si CJ pero may point siya "baka nakatakas ang mga mama,lolo,lola mo.. diba? At think positive hindi porke't may masamang nangyayari masama na din ang iisipin mo"

Tama si CJ ..i mean tama nanaman siya

"Lagi ka na lang tama CJ eh ako laging palpak" sabi ko

"Ako? Laging tama? Sabihin nating may tama ako noon"

"Huh?"

"May tama ako noon sa ulo"

"A-ano?! Natamaan ng baril ang ulo mo? Waaah!! Multo ka ba!?" baka papatayin ako ni CJ!!

"Slow!..ang ibig kong sabihin may mali akong nagawa noon kaya ngayon ay tinatama ko...Ang lakas ng tama ko noon ni hindi ko na iniisip ang nararamdaman ng iba hanggang sa naging sakristan nga ako noon at nagbago ang lahat"

"Ah...ang amazing ng story mo!" sabi ko

"Matulog ka na baka PUMANGET ka" talagang inemphasize niya ang word na 'Panget'!

"Matutulog na nga ako eh! Mangaasar pa!" sigaw ko

"Ba't ka sigaw ng sigaw!?"

"Kasi inaasar asar mo ako eh!"

"Sabing huwag kang magpapaapekto eh! Maganda ka! ..i mean ..wala..t-tulog na ta'yo" sabi niya sabay layas sa kama ko at humiga na sa sofa

"Uy! Narinig ko 'yun ah! Maganda ako at tama ka dyan pero dyosa ako eh" proud kong sabi

"Ang yabang" bulong niya pero narinig ko kahit papaano

"Proud lang ako eh ikaw? Proud ka ba sa sarili mo?"

"Hindi,dahil malakas nga tama ko noon"

"Hindi! I mean sa itsura mo"

"Oo pero hindi sobra hindi katulad mo!"

"Tulog na nga!"

***

"Hoy! Tanghali na!!!!"

Bwichet sino bang sumisigaw ang aga aga!!! Madaling araw pa lang kaya! Ang dilim dilim ng langit!

"Gabi pa!" sigaw ko

"Umuulan! may bagyo!"

"Weeh!!??"

Magulat na lang ako ng hilain niya sandayan ko pero hindi ko binitawan ang sandayan kong napakalambot na ang sarap yakapin

"Akin na 'to!" sabi ni CJ na pilit na inaagaw ang sandayan ko

"Ayoko!" pagmamatigas ko

Hinila na lang ni CJ 'yung sandayan ko hanggang sa nasa lapag na ako at yakap yakap pa rin sandayan ko...hindi masyadong mataas ang higaan dito at may soft carpet kaya hindi nabagok ulo ko!

"Ayaw mo tumayo ah!"

Nagulat na lang ako ng may humihila sa paa ko waaaahhh!!!!

"Tulong!!! Tulong!!! May the grudge na humihila saakin!!" sigaw ko

"Baliw! Ako 'to 'yung crush mo!!"

"Baliw ka talaga!! Eh ikaw? May gusto ka nga saakin eh!!" sigaw ko

"Nagustuhan ko lang ang pagkarate mo kaya tuturuan mo ako ngayon na!!"

"Tulog pa si master eeeehh" sabi ko sabay kunwari na humihilik

"Ayaw mo pa rin ah!" nagulat na lang ako ng kilitiin nya paa ko

"Huwag!! Malakas kiliti ko dyan!! Wahahahhahahha!!!" wala na tawa na ako ng tawa

*ding dong

*ding dong

Napastop kami ng may nagdoorbell ...hindi ko papala nasasabi na may doorbell ang kada isang room sosyal!

"Baka 'yung multo na 'yan" sabi ko habang tumatayo dahil para kaming nasa horror story na kumikidlat sa labas at umuulan sabay may nagdoorbel!!

"Baliw!"

"Ikaw na lang magbukas!!" sabi ko

"Bahala ka!" sabi niya

"Hmp!" sa huli ako ang nagbukas at multo nga!!! Basang basa siya at all black ang suot at may cap! "Aaaaaaaaahhhhhhh!!!"

"Woah! Woah! Hindi ako multo" isa siyang babae na parang boyish..muntik ko na ngang mapagkamalang lalaki dahil sa suot niya

"Who you?" tanong ko

"Pinsan mo 'to!"

"Weeeh!!!!"

"Ah..m-master.." may biglang lumabas sa likod ng babae na parang nerd

"Ano!?" galit na sabi ng babae ...ang angas niya

"Teka sino ba kayo?" tanong ni CJ

"Ang kulit! Pinsan ako ni Elivia May Derima...o whole name na 'yan ah!" nagulat ako na alam pala ng babae ang pangngalan ko!

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon