Anita's PoV:Nagtataka pa rin ako kung pinsan ko ba talaga siya o ewan? Bigla silang pumasok at umupo na pagod na pagod kaya naawa ako kaya hinayaan ko na lang sila pero binantayan ko sila...ng papaalis na sila hindi man lang magthank you 'yung babae =____=
"Ah..s-salamat po ah..pagpasensyahan mo na si master mainit lagi ang ulo eh hehe.." sabi netong nerd na lalaki.
"Ah..ok lang" sabi ko sabay sara na ng pinto
"Hoy Elivia! Baka may ninakaw sila!"
"Wala noh! Binantayan ko sila" sabi ko kay CJ
"Buti naman"
"Wala akong magawa sa room! Ano ba 'yan ba't ba kasi umuulan!" iritableng sabi ko habang nakaupo
"Maglinis ka" sinamaan ko lang siya ng tingin
"Alam ko na! Tuturuan kita magkarate" sabi ko
"Ayoko nga! Marunong na ako magkarate!" sabi niya sabay higa sa higaan ko.
MAKAPAL!
Wala talaga akong magawa! Pero may naiisip akong kalokohan....
*swisssh!!!!
"Elivia!!!" sigaw ni CJ dahil binuksan ko ang pinto sa terrace at pumasok ang malakas na hangin at ulan.
"MAGLARO TA'YO SA ULAN!! WOOOH!!!" sigaw ko at hinayaang matamaan ng ulan at hangin.
Sa huli sinara ni CJ 'yung terrace at parehas kaming basang basa pati sahig.Binasag niya ang kasiyahan ko! >:(
"Ang saya kaya!!" sabi ko
"Baka magkasakit ka!"
"Healthy kaya ako!" sabi ko
"Hay!! Nabasa tuloy higaan mo ...sa lapag ka na lang matulog mamayang gabi"
"Dun ako sa sofa at ikaw dun sa upuan"
"Ako naman talaga sa sofa diba at ikaw sa higaan kaso nabasa ang higaan!"
"Basta ako sa sofa!" sabi ko
"Ako sa sofa!"
"Tabi na lang ta'yo!" nagulat kaming dalawa nang sabay naming sabihin 'yun.
"H-hindi! Dun ka pa rin sa Upuan" pagbawi ko sa sinabi ko kaganina
"Bahala na" sabi niya
"Bahala na si Batman?"
"Bahala na 'yung brip ni batman" natawa na lang ako sa sinabi niya.Ok,ang corny pala.
"So anong gagawin natin?" tanong ko
"Maligo at Kumain ka muna,tanghali na kaya..tsk! grabe ka pala matulog!"
Naligo at Kumain na kami at ayaw pa rin tumigil ng ulan! Nakakabanas!
"Tapos na tayong kumain ano nang gagawin?"
"Matulog"
"What? Ayoko nga!"
"Movie marathon?"
"Wala pang CD sa room ko noh!" sabi ko
"Sa room ko madaming horror CD"
"Ba't horror?! Wala bang humor?"
"Ayoko ng mga ganun pero kung 'yun ang gusto mo sige"
"Talaga?!"
"Basta kapag dun ka masaya sabihin mo lang" sabi niya sabay labas ng room ko para kuhain niya 'yung CD niya sa room niya
Habang hinihintay siya kumuha ng CD naisipan kong gumawa ng prank hehe!!
****
"Elivia? Nandito na ako! Isa lang ang CD na humor ko eh!" narinig ko na ang boses ni CJ ibig sabihin nandito na siya! Nagtatago kasi ako sa closet, ginawa kong sudako ang buhok ko at nagsuot ng black na coat.
*Squeak
*Squeak
Ano 'yun!!? Daga ba 'yun?,hindi ko makita!!!, Syempre ang dilim kaya sa closet! Maya maya may naramdaman akong gumagapang sa paa ko.
"Waaaaaaahhhhh!!!" nagulat ako at tumakbo papalayo sa closet
"Aaaaahhh!!!" napalingon ako sa sumigaw na si CJ at ...
*boooggssshhh!!!
Natumba nanaman kaming dalawa!! Ilang beses na ba 'tong nangyari?
"Naku! Sorry nawasak 'yung CD!!" sabi ko habang pinupulot ang pares ng isang CD ..nahati kasi siya into half "babayaran ko na lang"
"Huwag na okay lang" sabi niya sabay kuha ng isang pares na CD
"Hala! Ano na lang papanoorin natin?" tanong ko
"Eto na lang" sabi niya sabay abot saakin ng isa pang CD "nakita ko sa likod ng T.V mo galing ata 'kay Queenie"
Kinuha ko ang CD na iyon at 'yun ang mga pictures namin ni CJ na naka-Slideshow! Eto 'yung inedit ni Queenie!
"Ayoko neto!" sabi ko
"Horror na lang?" tanong niya at nagdalawang isip ako horror ba o 'yung mga pictures namin ni CJ?
"H-horror na lang" sabi ko
Nanood na kami ng horror at nakatakip ang kumot sa buong katawan ko
"Nanonood ka ba o matutulog?" tanong ni CJ
"Both" sagot ko
"Tsk!"
*ding dong
*ding dong
"Ay!! Hala may multo!" napasigaw ako.
"Buksan mo"
Binuksan ko na ang pinto at si papa lang pala.
"Kamusta na?" tanong ni Papa
"Okay lang po Papa!" sabi ko
"Ah...i came here just to tell you that lilipat ka na ng school okay?" pagkasabi ni papa 'yun biglang nagiba ang reaction ko
"P-pero paano po sila Queenie?" tanong ko
"Please i can't explain...sundin mo na lang si Papa okay?" sabi ni Papa
"P-pero--!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng isinara na lang ni Papa ang Pinto.
"NOOOOOO!!!!" sigaw ko at nagtaka ako dahil hindi nagreklamo at nairita si CJ sa lakas ng sigaw ko.
Pumunta na ako kay CJ at nagulat na lang ako na PINAPANOOD NIYA 'YUNG MGA PICTURES NAMIN!!!! At kitang kita ang ngiti sa mukha niya
Ng mapansin niya ako may sinabi siya na kinainis ko..
"Pwede 'to gawing movie haha!!" tawa siya ng tawa hanggang sa binato ko siya ng unan at heto! Nagbatuhan nanaman kami ng unan!.
"Hoy!! Body guard!!! May daga sa closet ko!!,pakilinisan nga,please!!"
"Lilinisan ko?,diba't ang body guard ay nagbabantay?" Pigilan nyo ako!! "Tatawag na lang ako ng maintenance"
"Ngayon na!"
"Tatapusin ko lang 'yung pinapanood ko" nagulo ko naman agad ang buhok ko dahil sa inis.
Hay!,wala talaga akong magawa sa lalaking 'yan! Hulog ko sya sa terrace eh!

BINABASA MO ANG
Finding Some Happiness (COMPLETED)
HumorAnita,the girl wants to find happiness. What is happiness? how/where do we find happiness?