Chapter 35 -Fired!-

9 0 0
                                    

"Joke 'yun?" tanong ko.

"Huh?" napa-huh? Naman silang dalawa.

"Baka gutom na ka'yo!" sabi ko sa kanila.

By the way,hindi ako naniwala sa sinabi nilang sila daw 'yung sakristan na bata haha! Syempre magpapanggap sila dahil nalaman nila ang past story ko diba? Teka ba't nila kailangan magpanggap?

"Umuwi na ta'yo at kumain dahil gutom na ka'yo" sabi ko.

"Totoo talaga Elivia ako 'yung sakristan na bata"

"Ako kaya!"

"Makaalis na nga at nangangamoy gera" sabi ko sabay alis at mabuti na lang hindi nila ako pinansin dahil nagaaway pa rin sila.

Napatigil ako sa paglalakad ng unti unting nagbabago ang usapan nila.

"Sasabihin ko ang totoo sa kanya!" sigaw ni Jeroff.

"Napakasama mo talaga!"

"Ano? Deal?" matagal na sumagot si CJ

"Sige" sabi nila sabay shakehands.

T-teka pinagpupustahan ba nila ako!?

"Elivia ako nga 'yung batang sakrist--Aray!" hindi na naituloy ni Jeroff ang sasabihin niya dahil piningot ko tenga niya at si CJ na mukhang tatakas eh agad ko namang pinatid.

"Ano ba 'yan!!"

"Pinagpupustahan niyo ba akong dalawa!?" tanong  ko "ano mga pare? Bubugbugin ko na ba ka'yo?"

"Makinig ka muna 'kay Jeroff siya 'yung sakristang bata" sabi ni CJ.

"Ows?" hindi pa rin ako maniniwala.

"Naalala mo ba nung sinalpakan mo ako ng burger sa bibig? Naalala mo din nung nasabuyan mo ako ng soup mo? Tawa ta'yo ng tawa noon diba? Tapos sabi mo kapag daw lumaki ta'yo liligawan mo ako kahit babae ka haha! Pero nung umalis ako ng parang bula..um.. Ah.." naningkit ang mata ko nang hindi nya matuloy tuloy ang sasabihin niya pero may katotohanan 'yung mga pinagsasabi niya.

"Dahil ayaw na ng magulang ko na lumapit sa'yo" nagulat kaming dalawa ng ipinagpatuloy ni CJ.

"T-teka--" magrereklamo na sana ako pero pinutol ito ni Jeroff.

"Ah..eh siya 'yung sakristan kong kaibigan noon kaya alam niya kung bakit ako naglaho na parang bula"

"Ah..." napa-ah na lang ako "Bestfriend! Bumalik ka! Kahit hindi ko natanong ang panggalan mo natutuwa pa rin akong bumalik ka!" sabi ko sabay yakap 'kay Jeroff at ikinagulat nila "Alam mo bang ikaw ang pinakaunang bestfriend ko sa buhay ko!" sabi ko sabay tanggal na ng yakap ko sa kanya at kitang kita pulang pula ang mukha nya! O.O angyare?

"Ah..uwi na ta'yo Elivia"

"Ah..sige una ka na pasyal pa kami ni Jeroff sa park" sabi ko.

"S-sige...Jeroff papatayin kita kapag napahamak si Elivia" sabi niya sabay alis na pero lumingon siya saamin at ngumiti "bye!"

"Sige bye!" pagpaalam naming dalawa pero 'yung ngiti ni CJ may halong lungkot parang hindi ako makapali nang dahil dun.

"Ah..s-sandali lang!" hindi ko alam kung bakit ko 'yun nasabi.

"Bakit?"

"Ah...dinner ta'yo sama ka na!" sabi ko.

"Ah.. Hindi na sige ok lang" matigas ang ulo niya ah! Pwes magtataray ako,agad kong tinasaan siya ng kilay.

"Hoy Personal Body Guard ko! Sabi kong samahan mo kami sa dinner!" sigaw ko.

"Bye!" kumaway na sya sabay tumakbo papalayo saamin.

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon