Binabantayan ko si Mama,gabi na ang iingay pa rin nila Queenie,daldalan nanaman sila.
"Wwoohh! Sa wakas!,the revenge will come" tuwang tuwa na sabi ni Erick.
"Loko ka Erick,'di mo binuhusan ihi mo dito" sabi ni Raul.
Tawanan naman ang lahat,pati nga ang OX eh napapadalas na rin ang dalaw nila.Nakakatuwa lang.
"Di ko pa pala nasasabi sa inyo,Sira ang plano natin" sabi ko sabay nagingay sila sa kagulatan.
"Ano!?"
"Paano!?"
"Baket!?"
"Hala angyare?!"
"P*nyeta!"
"Nalaman ni Jeroff ang plano natin,kaya umamin na kayo kung may nagkalat ng plano" sabi ko.
Nanahimik lahat,Sabay tumingin sila sa OX.
"Ano!? Ba't kami?"
"Wala kaming sinasabi" sabi ni Erick sabay Lumingon lahat sakin.
"May Date ako Bukas kaya kailangan kong makatakas,ako na lang magpipigil ng kasal,ako na bahala" sabi ko.
"Are you insane?" Tanong ni Jen.
"Pagod na ako sa mga planong 'yan,Pipigilan ko para matapos na" sabi ko.
"Eh pano kung may mambaril sayo?" alalang sabi ni Queenie.
"Aakto ka na parang ganito 'itigil ang kasal!'" Sabi ni Erick kaya nagtawanan ang lahat.Loko talaga.
"Hala pano na bukas?" Tanong ni Jaja.
"Anita" bigla naman akong tinawag ni Mama.
"Po?"
"Napaniginipan ko nanaman ang lolo at lola mo,masaya tayo" sabi ni Mama sabay ngumiti.Naalala niya na nga.
Miss ko na si Lolo at lola.'Di ko na alam kung asan sila.Haist,Nagalala na ako sobra,napano na kaya sila? At tsaka sino 'yung nakablack na 'yun?!,Pinsan ko? Woww.
"Bahala na Bukas,Kung anong mangyayari,yun ang mangyayari" sabi ko sabay humiga,gusto ko na matulog dahil pagod na pagod ako sa mga nalalaman ko ngayon.
------------
Worst day ko na ngayon,Kakagising ko lang ang ingay ng phone ko,tunog ng tunog.Hays! Sino ba 'to!?
Pagkabukas ko,mga text at tawag galing 'kay Jeroff.
7:31
Hoy! Asan ka na!?7:35
Kailangan kita please7:38
Saglit lang,may sasabihin ako7:39
Pumunta ka please7:40
Aisshh!! Susumbong kita sa Papa mo!7:42
Hayy :(Kawawa naman 'to,agad na akong naligo at nagbihis,pinuntahan ko siya sa park,Anak ng!? Pinuntahan ko bawat sulok ng park tapos wala siya!?
Aalis na sana ako nang may nagtakip sa mata ko,pinitik ko kaagad 'yung kamay niya,pagkaalis ng kamay niya bumungad si ...Lolo at lola.
Bigla ko na lang silang niyakap at napaiyak na lang.
************
Nasa bench kami nakaupo,kasama ko si Lolo at Lola at...Jeroff,inexplain niya kaganina 'yung may ipinadala siyang babae saakin,'yun nga 'yung nakahood na babae kagahapon,Siya nga rin 'yung nagpanggap sakin na pinsan ko daw siya kahit 'di naman.

BINABASA MO ANG
Finding Some Happiness (COMPLETED)
HumorAnita,the girl wants to find happiness. What is happiness? how/where do we find happiness?