Chapter 45 -Begin-

7 0 0
                                    

Tinignan lang namin si Linda ng masama.

"Is Mr.Derima here?"

"Wala!" sigaw namin.

"Ba't ka'yo naninigaw?,galit?" tanong niya "Because CJ is mine? Ganun ba?" tanong niya sabay.... hinalikan niya si CJ sa pisngi.

Nagulat silang lahat pati si CJ at mas lalong sumama tingin nila sa bruha.

"Ano ba! Sabing huwag mo akong gaganunin sa public!!.Tara na!" Galit na sigaw ni CJ sabay umalis na sila.Oo,siguro sa private pwede nilang gawin 'yun –_–

"Anita,ok ka lang?" tanong ni Queenie at agad silang napatingin lahat saakin.

"Ah...bibili lang ako ng ...makakain" sabi ko sabay takbo papalabas.

Naiiyak nanaman ako,sa lahat ng mga nangyayari.Ilang beses na ba akong umiyak? Nalaman kong anak ako ni Sir.Rudge,nalaman ko rin na 5 days na lang ikakasal na ang bruha,nalaman ko ding inArrange Marriage ako ni papa 'kay Jeroff,Nakita ko namang hinalikan sa pisngi ni Linda si CJ.Ano Ms.Future?, May ibibigay ka pa ba saakin?.Ibigay mo na! Bring it on!.Pinunasan ko na lang tuloy ang luha ko.

Papalabas na sana ako ng hospital ng makita ko si Doc.

"Oh! Miss Derima"

"Bakit po Doc?"

"I'm on my way to your mom's room.Nakakapagsalita na po ba siya?"

"Opo,nabigkas nya na po pangnalan ko pati po pangngalan ni.." hindi ko matuloy "..nevermind"

"O,edi malapit na siyang gumaling" natuwa ako sa sinabi ni Doc.

"Talaga po?"

"Kailangan niya lang ng unting pahinga"

"Sige po..Bibili lang po ng makakain"

"Ah...miss Derima,umiyak po ba ka'yo?"

"Ah..w-wala po 'to" sabi ko "bye po!"

Tuluyan na akong umalis.Haaay!! Nakakahiya! Halatang umiyak ako.

"Ah...isang burger nga po" sabi ko 'kay manong nagtitinda.Maya maya nandyan na din ang order.May naalala nanaman ako sa burger! Aisssh!! 'Yung indirect ki-- ay nvm,ano bang sinabi ko?

"Umiyak ka ba?" nagulat ako nang may kumalabit saakin.

"O ka'yo pala!" sabi ko.Si Rickie Dickie at Yen yen.

"Kami nga,pero matanong lang may problema ka nanaman ba?"

"W-wala" pagdedeny ko "tara na sa ospital"

"Tara na"

Umuwi na si Yen yen at nang dumating kami sa room , naabutan naming nagpaplano sila.Naupo na ako para makinig sa kanila.Parang hindi sila nagpaplano eh,nagsisigawan at tsaka nga pala,siksikan kami sa kwarto.

"Hindi! Ikaw 'yung magbubutas ng bubong!" sigaw ni Jenny 'kay Ferono.

"Bakit ako!? Ikaw kaya!"

"Anong ibubuhos natin?" tanong ni Queenie.

"Mantika?"

"Putik!"

"Tigre!"

*pok

"Bakit tigre!? Pakain ka na lang!" sigaw ni Queenie 'kay Erick.

"Ate Anita,ano suggest mo?" tanong ni Jaja pero hindi ko sinagot kundi nagtanong ako.

"Pumunta ba kaganina dito si Doc?"

"Oo" sabay sabay nilang sagot.

"Pagaling na daw mama mo" sabi ni Queenie.

"Ah..oo nakasalubong ko siya kaganina eh"

"Ah...so ano nang suggest mo?"

"Ah...i think..ano ..um..patis?"

"Pwede rin,magiging mabaho siya!" sabi ni Jenny na sabay nagevil grin.

"So..bubuhusan natin siya ng patis pero una sa lahat sinong magbubutas ng bubong?" 'yan ang main question namin.

Butas ng bubong?..!,hala hanggang kamatayan nanaman ba 'to?,'yung totoo?,seryoso sila sa mga sinasabi nila?

"Si Anita na lang" nagulat naman ako nang isuggest ako ni Raul.Teka nga lang,ano daw? Ako ang magbubutas ng bubong!? Eh Baka magising ang buong barangay sa ingay.

"A-ako?"

"Ano ka ba! Sinong nagsabi na 'Hellow!! Elivia May Derima Here! Expert ako diyan!'" napangiti naman ako sa sinabi ni Queenie.Binibigyan niya ako ng lakas ng loob.

"Natandaan mo ba 'yung bumaba ka sa 4th floor ng hotel!" sabi ni Raul.

"Sige na! Ako na!" sabi ko.

"Sino namang magbubuhos ng patis?" may panibago nanamang tanong -___-

"Ako" sabi ko.

"Sige! Ikaw na number one Anita!"

"Hahahhahahaha!!!" natawa silang lahat sa sinabi ni Erick.

"Syempre!,dahil ako mismo ang sisira...ng Kasal!"

***

*The day before the wedding*

"Hoy! Dito" sabi ko

Nga pala,this is the beggining of the plan *evil grin.Gabi kami pumunta sa church at patagong bubutasin ang bubong sa totoo lang,nakakaloka,grabe,ang gagawin namin,para ata kaming mga isip bata sa gagawin namin.Kung tatanungin niyo kung paano namin nalaman kung saang simbahan ang kasal? Dahil ito sa pinsan ni Jenny na inbitado sa kasal na si Yunjie,ang tatay kasi ni Yunjie ay business partner ni Sir.Rudge.

"Ang kulit kasi ni kuya Erick eh! Sabing dito eh!" pabulong na sigaw sa kanya ni Jaja.

"Ano!? Ako nanaman? Eh ka--"

"Sino nandyan!" eto nanaman si Epal guard -___-

"Tago" sabi ko sabay nagtago kami sa gilid dahil may papalapit na gwardya.

Nakasuot kami ng black para hindi halata sa dilim kapag nagtago.

"Wala na si manong guard" sabi ni Queenie.

"Follow my lead" sabi ko sabay lakad lakad.Kung makikita niyo kami,para kaming spy na magnininja.Sila Ferono kasi,feeling may mga baril sila! Ginamit nila dalawang kamay nila para kunwari may baril sila.Mga baliw na Immature na isip bata dejk (parang ako hindi eh noh haha)

"Akyat na"

Nagulat na lang ako na nakahanda na pala ang hagdan para umakyat sa bubong ng simbahan.Ang taas.

@_@ 

So noon pababa ako,ngayon naman paakyat! Bwisit! Baka madissapoint nanaman ako ni CJ.Baka gusto niya talaga pakasalan si Linda,pero no,sisiguraduhin kong hindi mangyayari 'yun.

"Akyat na,dali"

Umakyat na ako at eto nanaman ako bumubulong sa sarili.

"Aakyat na ako sa kasiyahan!.Batman iligtas mo ako kapag nahulog ako ah.kapag hindi,mumultuhin kita"

"Ano 'yan!?"

"AY! WAAAAAHHH!!!"

Haay!! Kahit kailan talaga,epal si manong guard.Alam niya namang umiinom ako ng kape at saka ..Ayos ah! Kaboses niya si CJ.pero...

Aaaahhhh!!!,nawalan ako ng balance sa kagulatan, at paniguradong mababalian ako ng buto sa pagkahulog. Patay.. O.O

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon