"Ah...." hindi ko masagot 'yung tanong ni CJ ...pero dakila naman akong liar eh "...nagpapanggap ako na..."
"Na ano?" nakatingin pa rin siya saakin ng may galit na mukha
"..ah..si Barako nagpapanggap ako na amo nya dahil sa totoo lang sa kaibigan ko talaga 'yan hindi saakin" I lied!
"Sinungaling"
"T-totoo naman!" sabi ko
"Nakikita ko sa mata mo na hindi totoo ang sinasabi mo"
"May powers ka ba at nalaman mong nagsisinungaling ako?" tanong ko at nagulat ako na agad siyang napangiti
"Baliw ka talaga kahit kailan...sabihin mo na kasi" naku! Lagot talaga ako neto!
"Um...ano..kasi ..y-yung sinasabi mong slow ako h-hindi naman totoo 'yun eh d-dahil nagpapanggap akong hindi ko alam na m-may gusto ka pala s-saakin" okay hindi ko alam kung bakit ako nauutal!
"Hahahahahahaa!!!" tumawa siya
"Hala baliw!" sigaw ko
"Hahahahaha!!" nakisali na din 'yung dalawa kong kapatid =___=
"Sige pagtulungan nyo na ako bahala ka'yo dyan" sabi ko sabay alis na sana pero pinigilan ako ni CJ
"Don't worry kung hindi mo naman ako mahal hindi naman kita minamadali eh at kung hindi mo talaga ako mahal edi mas okay dahil ayokong magkaroon pa ng lovelife" nagulat ako sa sinabi nya
"Teka! Huwag mong sabihin takot kang din mainlove!" sabi ko
"Hay!! Tara na uwi na ta'yo"
"Kyaaah!! Magdate na lang muna ka'yo" eto nanaman si Queenie
=______=
"Pwede rin" napatingin ako kay CJ sa sinabi nya
"Sira!" sabi ko
"Sige na! Friendly date lang 'to"
"Kailangan ko magpaalam kay mama at isa pa bata pa ako" sabi ko
"Hello tita" napatingin ako 'kay Erick na tinatawagan si mama!
"Bakit?" naririnig ko boses ni mama dahil niloud speaker ni Erick
"Tita hindi pa uuwi si Anita dyan dahil may date!" kinukuha ko cellphone ni Erick pero nilalayo niya saakin aarggh!!!
"Sinong kadate?".
"Si Barako!" sigaw ko para marinig ni mama
"Huh?" =____=
"Si CJ po!" sabi ni Erick
"Naku! Sige basta sabihin mo kay CJ na alagaan si Anita ah at kung gagagmitin nila ang sasakyan namin hindi pwede eh dahil umalis nanaman ang asawa ko pumunta nanaman ng bussines"
"Sige po"
"Teka mama!! Mali po ka'y---"
*toot
*toot
Ba't sa buhay ko ang daming mahilig mangbaba ng phone?
Parang ikaw hindi ah
Tapos may epal pa! Diba!! May epal na nagsalita kaganina!! Okay enough na dahil mukha akong baliw
"Pumayag si tita kaya sa ayaw at sa gusto mo magdate ka'yo ni CJ kyaaah!!"
"Correction! Friendly date" sabi ko
"Oo na sige na! Shoo na at alis na" parang aso kaming tinaboy ni Queenie
"Hindi kami aso noh!. tawagan mo ako kapag bumalik ang OX" sabi ko

BINABASA MO ANG
Finding Some Happiness (COMPLETED)
HumorAnita,the girl wants to find happiness. What is happiness? how/where do we find happiness?