CJ's POV:
F-ck!
Grabe kagabi! Dapat pala hindi ko siya sinigawan,nagkamali ako! Gusto ko bumawi sa kanya pero bawal ...dahil nga..ako ang anak ni sir.Rudge ..
"Kuya! Dalian mo at malapit na flight ni Elivia"
Magpapaalam lang ako 'kay Elivia at sasabihin na ako ang anak ni sir.Rudge dahil baka sabihin nun wala akong dahilan kung bakit sinabi ko sa kanya na mahal ko si Linda.
Kailangan niya ng malaman na ako ang anak ni sir.Rudge para malaman niyang bawal ko talaga siyang mahalin dahil ako ang pumatay sa kapatid niya kahit mabata bata pa ako nun,iniutos saakin ng papa ko pagtapos ay naging sakristan ako habang nasa ibang bansa si papa at dun ako natuto na dapat maging mabuting tao sa kapwa natin at dun ko nakilala si Jeroff na nagtaksil saakin,nakipagDeal pa nga saakin 'yan na ipapalabas namin 'kay Elivia na ang tunay na sakristan na nagalaga 'kay Elivia noon ay siya, para hindi niya sabihin si Elivia na anak ako ni sir.Rudge.
Lagi kong pinupuntahan si Elivia noong sakristan ako para patawanin siya para kahit unti makabawi man lang ako.
"Tara na kuya!"
Kinabahan ako dahil papunta na kami sa airport at kakausapin ko mamaya si Elivia pero ang sasabihin ko lang naman eh anak ako ni sir.Rudge.
"Kuya ba't ang lamig mo?" tanong saakin ni 'Dalyin Marie Rudge' pero nagpanggap siya kay Elivia na Yuki at ako naman si 'Darryl Rudge' 'yun yung tunay kong pangngalan.
"Ah...wala" sagot ko naman.
At isa pa pala,ang nanay at lolo't lola ni Elivia nawawala,Si papa ang kumidnapp hindi niya lang pinapaalam saakin at ang mama ni Elivia ay tinulungan ako na mapatawad ako ni Elivia pero hindi naituloy ng makidnapp siya kaya wala akong nagawa.
Isa pa palang dahilan kung bakit bawal kong mahalin si Elivia..
-flashback-
"Papa! Si Elivia ang mahal ko at hindi si Linda!" sigaw ko.
"Kinidnapp ko ang nanay niya! Pati lolo at lola niya! Kaya kung ayaw mo sumunod papatayin ko sila! Understand!?" hindi ako makapagsalita sa sinabi ni papa.
"Tatay ba talaga kita?!"
"Tumahimik ka! Baka mapatay kita!" at sa sinabi niya mas lalo akong nagulat.
-end of flashback-
Bawal ko sabihin kay Elivia na talagang si sir.Rudge ang kumidnapp sa mama niya dahil mas lalala ang sitwasyon dahil kilala niyo ang papa ko kapag may inutos gagawin mo sa ayaw at sa gusto mo ...oo sinabihan niya ako na huwag 'yun sabihin kay Elivia kundi papatayin niya agad ang nanay at lolo't lola ni Elivia.
"Hoy kuya! Nandito na ta'yo tulala ka,kaganina pa!"
Mas lalo akong kinabahan na nadito na pala kami.
Hindi nagtagal nasa harap ko na si Elivia at iba ang expression nya ngayon,f-ck! Parang hindi siya 'yung nakilala kong Elivia seryosong seryoso siyang nakatingin saakin.
"Ah..." pagsisimula ko "...ano kasi, ako 'yung ..anak ni sir.Rudge,mabuting malayo ka na sakin ayoko nang masaktan kita muli tulad noon"
"Sinaktan noon? Sabihin mong hanggang ngayon sinasaktan mo pa rin ako"
"Hindi kita kayang mahalin dahil bawal! pinilit lang ako kapag hindi ko sinunod may mamatay,sana sa huling pagkikita natin patawarin mo na a--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Sinong mamamatay?" tanong niya..nadulas ata ako,paktay.
"W-wala! Basta please ayoko nang malapit ka sakin dahil hindi lang si sir.Rudge ang pumatay sa pamilya mo noon ako rin! Ako pumatay sa kapatid mo mismo!"
"Oo,pero matagal na 'yun,masisira ba ang lahat nang dahil lang sa matagal nang nangyari?,'di na iyun mababalik,nangyari na eh"
"sorry pinilit kasi ako ni Papa kaya please mas mabuting lumayo ka na sakin..."
"Oo pinilit ka pero nasubukan mo na bang lumaban? Lumaban para sa mahal mo? Ako lumaban hanggang kamatayan para sa'yo!" nagulat ako na napasigaw siya pero ang expression niya seryoso.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Bumaba ako ng 4th floor sa terrace gamit mga kumot para lang makatakas at iligtas ka at akala ko matutuwa ka pero dinismaya mo ko at halos nahulog ako at buti... nasalo ako ni Raul" halata ang expression ko sa pagkagulat nang sabihin niya 'yun.
"Pero dapat hindi mo ginawa 'yun dahil kilala mo ako,hindi mo ako deserve... malaki na ang naging kasalanan ko kaya lumayo ka na saakin dahil nangyari na ang nangyari alam kong hindi mo na ako mapapatawad" sabi ko.
"Papatawarin kita...katulad ng pagpapatawad sa akin ng Diyos" saglit akong natahimik sa nasabi niya...maya't maya hinila niya na ang bag niya.
"Elivia..."
"Sorry..paalam..." sabi niya sabay umalis na,'di ko na siya nagawang habulin dahil sinundo na siya ng Papa niya.
"You okay?" may biglang sumulpot sa gilid ko,si Linda pala tss!
"Hindi" deretso kong sagot sabay nilagpasan siya.
Nang makasalubong ko si Queenie halatang malungkot ang itsura niya.
"CJ nagkamali ka ba sa pagpili ng choice mo?" tanong niya
"Oo dapat pala ipinaglaban ko siya kahit hanggang kamatayan"
"Alam mo,matututo ka din sa pagkakamali mo"
"Hindi ko alam kung tama ba ang pinili ko"
Kapag minahal ko si Elivia mamamatay ang mama at lolo't lola ni Elivia kapag naman pinili ko si Linda walang mamamatay pero masasaktan si Elivia pati rin ako.
"Queenie anong pipiliin mo May mamatay pero masaya ka ng sobra sobra o walang mamamatay pero masasaktan ka ng sobra sobra?" tanong ko.
"Actually kung kaya mo magtiis, piliin mo ang second choice ang maging malungkot ng sobra sobra dahil kapag nakapagmove on ka na, tignan mo sa future you'll say 'worth it'"
Tama ang naging desisyon ko.Ang pinili ko rin kasi eh ang second choice pero may panibagong choice nanaman ako na nabubuo sa utak ko
Pakakawalan ko na ba si Elivia? O makakagawa pa ako ng paraan, baka hindi pa huli ang lahat pero mahirap eh,papakawala na ba ako? Pero mahirap,sobra,lalo na sobrang mahal ko pa naman siya..simula pagkabata..
*****
Anita's Pov:
"Sorry..paalam..." nagpaalam na ako kay CJ.
Wala eh ,wala akong magagawa kapag may inutos saakin si papa kailangan talaga sundin dahil mas lalala ang parusa niya saakin at nga pala ikakasal na sila CJ at Linda next 2 years dahil 18 yrs. Old na sila hindi ko pa pala nasasabi 16 yrs. Old na sila CJ at Linda bale maaga sila naging 3rd year.
Siguro nga para maging masaya kailangan magmove on kaya ayun ang gagawin ko pagpunta sa ibang bansa magmomove on na ako pero parang hindi ko kaya..

BINABASA MO ANG
Finding Some Happiness (COMPLETED)
HumorAnita,the girl wants to find happiness. What is happiness? how/where do we find happiness?