Chapter 32 -Botong-

5 0 0
                                    


Anita's PoV:

Well...Ang lungkot! Si Jeroff kasi eh! Kahapon diba nasukahan ko siya edi humingi siya ng pabor at ang pabor niya ay magiging kasama ko siya lagi sa school at hindi sila Raul at CJ T_T nakakaiyak dahil nagaway kami ni CJ kagabi sa hotel!

-flashback-

"Hoy! CJ ba't ka pumayag sa pabor saakin ni Jeroff?" tanong ko

"Kasi pumayag ako" aba! Loko talaga!

"Seryoso ako! Bakit ka pumayag? Hahayaan mo na lang ba ako na ganunin niya ako!? Eh personal body guard kita!"

"Tumahimik ka na nga lang! Basta susundan ko na lang ka'yo"

"Kahit na! Ba't ang hina mo pagdating kay Jeroff!?"

"Kasi anak siya ng mayari ng school at kapag hindi mo siya sinunod ipapakick out ka! Alam mo naman 'yun,napakasama ng ugali!"

"Kahit pa rin! Kapatid mo ako! Kaya sabihin mo ang main reason mo!" sigaw ko

"May inaasahan ka pa bang reason? Na nagseselos ako? Grabe ka magassume!"

"Hoy! Makapal din pala ang mukha mo! Matagal na din kitang kilala o naging kapatid kaya alam kong hindi 'yun ang main reason mo!"

"Pwes hindi mo na ako kapatid dahil hindi mo ako naiintindihan"

"Hmp! Dyan ka na nga! Buti pa na hindi na kita kapatid!"

-end of flashback-

*pok

*pok

Nasa labas ako ng gate ng school namin at habang hinihintay si Jeroff ay kinuento ko sa dalawa kong kapatid 'yung nangyari kagabi sa hotel,eh asan naman si CJ? Ewan

"Aray!" nakareceive tuloy ako ng batok! Ba't ko pa kasi kinuento?

"Ibalik mo ang pagiging magkapatid nating apat" sabi ni Queenie

"Paano?" tanong ko

"'Pag uwi niyo sa hotel yakapin mo siya at magsorry" sinamaan ko naman ng tingin si Erick

"Kailangan may hug?" tanong ko at bilang sagot nila ay tinaas baba nila ang kilay nila =__=

"Anita!" napalingon kami at nandito na pala si Jeroff

"Mamaya na lang Queenie at Erick ah okay?" sabi ko sabay lapit na kay Jeroff at sila Queenie at Erick sumakay na ng sasakyan

*first class

Kami ang magkatabi ni Jeroff :( nakakabanas!! Napakabait niya saakin ngayon hindi ko alam kung bakit!

*Break time

Eto nanaman tingin-bulungan party!

"Grabe pati si third crush inaakit niya!"

"Malandi!"

"Tsk! Tsk!"

"Ako na manglilibre sa'yo" ayan nanaman si Jeroff Super nice

"S-sige! Burger na lang" sabi ko at habang nakapila kami eh nakita ko si CJ at Raul ang sama ng tingin saakin ..ano nanaman bang nagawa ko!?

Imbes na samaan din sila ng tingin eh nag-hi na lang ako with smile ^_^

Pagtapos nun agad na silang umalis aba't mga snobber 'yung mga 'yun eh! Grrr!!,nakakagigil!

Nakaorder na kami at nakaupo na rin at habang kumakain eh tinitignan nya ako! Naiilang tuloy ako

"Naii--" hindi ko natapos ng putulin niya ito

"May mga bagong kaibigan ka na ba dito?" tanong niya

"Ah...w-wala pa" sagot ko

"Kung wala pa ..paano ka magkakaroon ng bagong kaibigan?" tanong niya at napaisip ako ...alam ko na!

"Edi titigan mo siya sa mata hanggang sa mapansin ka niya..try ko" sabi ko dahil napanood ko ata 'yun sa Youtube then pagtapos ay tumayo na ako at pumunta sa isang babaeng magisa at mukhang nerd.

Tahimik akong nakatingin sa kanya at busy siya sa pagbabasa hanggang sa napansin niya ako at tinitigan ko lang siya sa mata akward man pero bilang kapalit may bago kang kaibigan.

"Ah...may kailangan po ka'yo?" tanong niya pero hindi ako umimik "May dumi po ba sa mukha ko?" hindi pa rin ako umimik "magsalita po ka'yo"

"..."

"Hala! May trauma po ba ka'yo!?" bigla siyang tumayo at inalog alog ako at ikinagulat ko 'yun.

"Ako si Elivia May Derima" sa wakas at nagsalita na ako.

"T-teka ba't--"

"Ang totoo nyan gusto kita kaibiganin so anong pangngalan mo?"

"Ah..ako si Yuna "Yen-Yen" Madran nice meeting you"

*shakehands

"Magisa ka lang ba? Tara makiupo ka saamin" pagimbita ko

Then masaya kaming nagkwentuhan kasama 'yung Jeroff na napakabait ngayon.

***

"Bye Anita! Bukas ulit" nagpaalam na kami sa isa't isa ni Jeroff pero gusto ko sana siya tanungin kung bakit napakabait niya.

"T-teka!"

"Bakit?"

"Napakabait mo saakin ngayon,bakit?"

"Oo nga mabait nga ako ngayon sa'yo...baka nga talagang mabait akong tao" sabi niya sabay alis na.. ano daw? Mabait ba talaga siya o nagpapanggap siya?

"Masaya ka na?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko

"C-CJ?" pagkalingon ko si Erick pala!

"Uuy!!! Hinahanap si CJ! Ayiee!!"

"Kyaah!!"

Inaasar nanaman ako ng dalawa kong kapatid haayss!!

"CJ! Labas na! Hinahanap ka ni Anita"

"H-hoy! hindi a--" magdeny sana ako pero may pumutol eh.

"Anong kailangan mo?" napatalikod ako dahil nasa likod ko na pala si CJ! Tapos agad na nagsialisan 'yung dalawa kong kapatid.

"Huh? Ah...ano wala!" sabi ko sabay alis sa harap niya pero pinigilan niya ako.

"Sorry" at sa sinabi niya nagulat ako

"Naku! Dapat ako ang magsorry dahil hindi kita naintindihan"

"Hindi,ako dapat magsorry dahil hindi mo talaga ako maiintindihan"

Eto nanaman siya! Hindi ko gets! Eh ka'yo gets niyo?

"Siguro nga tama lang na lagi ka'yong magkasama ni Jeroff dahil kitang kita na masaya ka sa kanya"

"Woaah!! Wait! Hindi noh!" pagdeny ko.

"Eh kanino ka mas masaya? Saakin? Aba baka mainlove ka saakin sabi kong don't love me back"

"Aba! Umandar nanaman ang makapal mong mukha! Ako? Maiinlove agad sa'yo?" sabi ko sabay palo sana sa kanya pero nakaiwas siya

Naghabulan kami hanggang sa sumali na din ang dalawa haha! Magkakapatid na naghahabulan, ayos.

*clap

*clap

Napatigil kami sa habulan ng nandito pala ang OX at si Jenny may bulldog na hawak hawak!

"Ayos! Naghahabulan na parang aso! Isali niyo naman si Botong" sabi ni Jenny sabay pinakawalan ang bulldog niya.

*bark

*bark

Kitang kita sa tahol ng bulldog na gusto kaming kagatin! Waaahhh!! Hindi ko pa naman pinakawalan 'yung mga aso ko sa Hotel!

Paktay na.

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon