Chapter 38 -Escape-

5 0 0
                                    

"Ba't wala sila!" sigaw ko habang umiiyak kasi pagpunta ko sa abandonadong building wala namang tao! Am I too late?

"Anita! Nasaan ka!" may narinig akong sumigaw at siguro si Jeroff 'yun.

"Nandito!" sigaw ko at agad ko siyang nakita pero nagulat ako na hindi ito si Jeroff.

"Okay ka lang?" tanong ni CJ sabay yakap saakin.

"Teka nga paano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong ko.

"Nakatanggap ako ng text ,nandito daw ang lolo't lola at nanay mo pero wala naman pala sila" malungkot na sabi ni CJ.

"Pare, layuan mo siya" may biglang sumuntok 'kay CJ at ikinagulat ko iyun.

"H-ho--" hindi ko naituloy ng may magtakip sa bibig ko at nahilo ako hanggang sa naramdaman kong bumagsak ako.

---------

Nagising ako na nasa hotel ako at nasa harap ko si Papa at Jeroff.

"Nasaan si CJ?" tanong ko habang bumabangon.

"CJ nanaman!? Hindi ka ba titigil anak?! Kailangan mo na talaga mangibang bansa at makalimutan mo na 'yang lalaking 'yan!"

"Nasaan po si CJ!?" tanong ko ulit.

"Pagtapos natin umattend ng engagement party ni CJ at Linda aalis na tayo,your flight is set,okay?"

"Ayoko papa!" pagmamatigas ko.

"Wala kang magagawa!" sigaw niya sabay alis.

Bakit kaya pumayag si CJ na maging engage sa panget na Linda na 'yun? Arrggh!!!

Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupunta na ng ibang bansa o hindi dahil naiinis ako kay CJ pero mahal ko siya! Ang hirap ah! Pero itetext ko muna sila Queenie.

To:Queenie kulet

Psst! Bumili ka'yo ng dalawang bucket ng pintura

Message sent!

Hohoho!! May bago na akong sim! Hindi na PUK!

"Sinong katext mo?" nagulat ako ng magtanong si Jeroff na nasa gilid ko sabay tingin sa phone ko.

"CHISMOSO!!" Sigaw ko.

"Tsk! May plano nanaman ka'yo? Don't worry tinext ko na papa mo na may plano pala ka'yo at hindi ka na daw pupunta sa party" sabi niya then taas kilay ko siyang tinignan.

"So?" pake ko ba?

*ting (new message!)

Ayun nagreply na!

From:Queenie kulet

Bakit? May kalokohan ka nanamang sasabihin? Ayoko nga!

To:Queenie kulet

Sisirain ko ang engagement party  nila CJ at Linda kaya sige na pleasee!! At hindi daw ako papayagan ni papa na pumunta sa party kaya kailangan natin ng secret plan! Hehe :))

Message sent!

From:Queenie kulet

What!? Engagement party? Oh my! Sige! Sige! Kami na bahala tatawagan namin sila Erick at ang Yorilliong magkapatid

---

Hay! Salamat at handa na ang plano!

"Sige text pa hindi ka'yo magtatagumpay" epal nanaman 'tong katabi ko.

"Oh talaga?"

"Talaga"

"I think hindi ka 'yung batang sakristan dahil si CJ 'yun" sabi ko pero hindi siya nagulat kundi nagevil grin siya.

"Babawiin mo ang sasabihin mo bago ka umalis sa bansang ito dahil may sasabihin sa'yo si CJ na pagsisihan mo kung bakit ka pa nagkagusto sa kanya" bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jeroff.

"Bakit ko naman pagsisihan ang ginawa ko? Kaya nga ginawa ko alam kong hindi ako magsisi" pagtatapang ko kahit kinabahan ako.

"Tignan na lang natin bago ka umalis sa bansang ito" sabi niya "ipaghanda lang kita ng Dinner"

Then umalis na siya.

Ba't ganun? May nararamdaman akong mali...

****

Hindi nagtagal dumating ang Saturday

To:Queenie kulet

Ready na?

Message sent!

From:Queenie kulet

Oo ready na! Alam ni Erick kung saan ta'yo mageentrance sa party ng hindi alam ng mga tao dahil dun daw inengage ang pinsan nya noon.

Okay! Ready na kami! Kaya agad kong tinanggal ang sim sa cellphone ko para hindi mabasa ni Jeroff ang plano namin dahil macocomfiscate daw 'to at ilolock ang pinto para hindi ako makalabas .Rapunzel ang peg haha! Pero teka! Hindi pa namin napaguusapan kung paano ako makakalabas dito patay! Patay!

"Akin na" mas lalo akong nagpanic dahil kukunin na ni Jeroff cellphone ko waaah!!! Noooo!! Aalis na kasi sila eh!

Nangingig ako na iabot ang phone ko kay Jeroff pero sa huli wala akong nagawa waah!!

***

*ding

*dong

"Queenie ka'yo ba 'yan?" tanong ko

"Oo dali buksan mo na!"

"Ah..eh..nilock nila ang pinto eh" sabi ko.

"Huuuwaaat!?" nagulat sila.

"Alam ko na! Bumaba ka sa terrace gamit mga kumot,pundan ng unan o twalya basta kahit ano" nagulat ako sa sinabi ni Queenie.

"Ano?! Eh 4th floor 'to! Masyadong mataas!"

Para na akong baliw dito kasi parang kinakausap ko 'yung pinto.

"Ikaw si Anita !,ang pinakamagaling sa kalokohan diba?"

"Kaya mo 'yan para sa CJ labs mo!" kinikilig na sabi ni Jaja

"Kaya mo 'yan kundi liligawan kita kapag hindi mo nasira ang engegment party nila" sabi naman netong Raul -___-

Napalunok ako dahil parang magpapakamatay ako dahil lang para iligtas si CJ!? Ano 'to? Fairytale ang storya? Ako ang sasagip sa prinsesa este prinsepe .baliktad!

"Okay Sige! Sige! Pero lumabas ka'yo sa hotel para kapag nahulog ako saluhin niyo ako ah?"

"Sige! Sige!"

Gagawin ko ba talaga? Para sa minamahal ko? Ay aish!

Game!

Binuksan ko ang tatlong malaking cabinet at tatlong maliit na cabinet na punong puno ng mga kumot,pundan,twalya tas tinanggal ko ang punda ng unan sa higaan ko then 'yung kumot nito

Binuhol ko ang kumot sa nakakabit na higaan para sure na hindi madadala ang higaan then kinabit ko ang kumot sa isang kumot hanggang sa humaba na ito at ready na akong bumaba.

"Ready ka na?" sigaw ni Raul na nasa baba.

Hindi ako sumagot dahil kinakabahan talaga ako,takot ako sa heights!

Dahan dahan akong bumaba at pinikit ang aking mata.

"Tulungan mo ako superman o batman at bibigyan ko kayo ng candy" para akong baliw na nagsasalita magisa habang ang lakas na humahangin dahil masyadong mataas ang 4th floor noh!

well..siguro wala saaking makakakita habang bumababa dahil ang kwarto ko ay nasa likod ng hotel for sure walang tao sa likod ng hotel.

"Mama please help me! Ayoko tumingin sa baba hindi ako didilat ayoko" sabi ko.

"Malapit ka na!" sabi ni Queenie

"Hoy mga bata! Ano 'yan?"

"Huh?" sabi ko at tumingin sa baba at si manong guard patay! 0.0

"Kuya guard buhok po 'yan ni Rapunzel , wala lang po 'yan!"

"aaaaahhh!!!" napabitaw ako sa tali dahil sa takot! ba't pa kasi ako tumingin sa baba eh!

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon