Nagising akong tanghali still malungkot ako dahil sa akin nasa hospital sila lola't lolo
"Hay! Tulog pa yun, kaya kumain ka muna ng almusal" narinig ko boses ni mama sa baba parang may kausap si mama
*Bark
*Bark
*Bark
Yung si Barako tumatahol -__- alam nyo naiinis na ako sa asong yun! May tao kapag tumatahol si Barako
Sumilip ako sa hagdan at..
"Hoy! Anita bumaba ka na nga dito" nakita ako ni mama o.o
Akyat akyat akyat! Pasok sa kwarto! Sino yung lalaki? May nakita akong lalaki ayun ata kausap ni mama
Nagsuklay na lang ako ng buhok at nagmumog,hilamos o diba! Araw araw ko ginagawa yun, new hairstyle naman ngayong araw hinahanap ko yung suklay hanggang sa nakita ko sa bathroom -___- paano napunta yun sa bathroom?
"Ikaw kung saan ka pumupunta suklay ka" pinagalitan ko suklay ko pagpasensyahan nyo na ako minsan baliw
Nung papalabas na ako sa CR biglang sumara yung pinto ng CR o.o may kamay akong nakita agad kong kinuha ang pamboba sa bowl at dahandahang binuksan ang pinto
Gawd! Magnanakaw ata nakita ko nakablack at nakaupo sa paborito Kong upuan how dare he! OK be alert Anita
Dahan dahan akong lumapit sa lalaking iyon at...
*pok
*pak
Pinukpok ko sya sa ulo
"Aaaahhhh!! Mamaaaa!! May magnanakaw!!!" I shouted at the top of my lungs
"a-aray!" Sigaw nya
"Nakaupo ka pa tlga sa favorite upuan ko!!"
"Anita!! Stop it!" Si mama na pinigilan akong pukpukin ang magnanakaw na lalaki
"Ah...bkt po?" Tanong KO sabay bitaw ng bomba
"He's your Personal Body Guard" pagkasabi yun ni mama nagulat ako "Siya si Ceryl John Tahn and you can call him CJ"
Agad kong tinignan si C-cj at galit na nakatingin saakin ..oppss!! Mali ang hinala ko sa kanya
"Ah...ehehe!! S-sorry by the way ako si Elivia May Derima my friends called me Anita" sabi ko sabay abot kamay ko sa kanya then tinignan nya lang yung hands ko ,ang ganda pala ng kamay ko "Shakehands ayaw mo?"
Tinignan nya lang ako sabay abot ng kamay nya then nagshakehands kami then may naisip akong kalokohan sinobrahan ko yung pagshakehands sa kanya then nagalit nanaman sya at pilit na inaalis ang pagshakehands namin sa huli bumitaw na rin ako haha!
"He he nasobrahan yung shakehands sorry ulit" sabi ko
"Tsk!" Ngumisi sya
"Ah...ililigpit ko lang yung bomba" sabi ko ..alam nyo sa itsura ni CJ mukhang menopause na sya galit eh hindi man lang ngumiti "excuse lang"
"Hay! Tama nga sinabi ng nanay mo pasaway ka" sabi nya habang binabalik ko ang bomba sa CR
"Opss!! Aalis na ako" sabi ni mama na kaganina pa tumitingin sa wall clock ng kwarto ko magtatanong Sana ako kung saan sya pupunta pero nakaalis na agad eh
Pagkaalis ni mama agad kong hinarap si CJ na parang walang reaction
"Gutom na ako pakainin mo ako" derederetso nyang sabi
"Hindi mo ako utusan at ano ka? BABY!? Kumain ka ng sarili mo! Hindi yung magpapasubo ka pa!"
"Dahil sayo Hindi pa ako nakakakain dahil gumising ka agad..." sabi nya "...at May sinabi ba akong magpapasubo ako?"
"Ganun na rin yun yung pagpapakain parang susubuan o diba!"
Umirap sya...aba!!
"Hoy! Bakla ka ba!? Kung makairap ka daig mo pa babae! At hoy hindi mo ako kilala kung magtataray ka tatarayan din kita!" Medyo naiinis na ako sa kanya ah
"Edi tarayan mo ako wala akong pake" sabi nya sabay labas ng kwarto
"Hoy bastos! Hindi pa tayo tapos magusap! Your fired! Sasabihin ko iyan kay mama" Sigaw ko habang sinusundan sya palabas ng kwarto
Pagkababa ko nandun sya sa Kitchen nagnanakaw! May kinakalikot eh kaya tumakbo ako papalapit sa kanya
"Magnanakaw! Busted!" Sigaw ko with turo pa sa kanya
"Let's bake" sabi nya habang kumukuha ng itlog,flour etc. Then sa sinabi nya may kalokohan o plano nanaman akong naisip
"Game!" Pumayag ako *evil grin
BINABASA MO ANG
Finding Some Happiness (COMPLETED)
MizahAnita,the girl wants to find happiness. What is happiness? how/where do we find happiness?