CHAPTER 16

2.2K 91 5
                                    

Chapter 16.

DASMAR SANTILLIAN POV

"Fuvkkk! Dasmar! Come here! Faster!" Galit na sigaw ni Richard habang tinatawag ang pangalan ko, bumuga muna ako ng hangin bago pumasok at salubungin ang matang nag-aalab sa galit ngayon.

"Boss!" Umacting ako na natatakot ako sa harapan nito at kinakabahan para tignan ako nito ng sobrang seryuso, na para bang sinusuri nito ang emosyong pinapakita ko sa kanya.

"What happened!" Madiin nitong saad sa akin habang ang dalawang kamao ay nakakuyom na ngayon, sugatan nadin ang kamay nito dahil sa kakasuntok siguro sa pader, gusto kung matuwa dahil sa nakikita ko pero hindi pa ito ang tamang lugar para matuwa.

Matutuwa pa siguro ako ng bongang-bongga kung mamamatay na ito, pwedi ko naman itong patayin ngayon kung gugustuhin ko pero hindi pwedi dahil hindi kopa nakukuha ang pakay ko sa kanya.

"Boss, dumudugo yung kamay mo" nag-alala kung saad at tinignan lang ako nito ng nakakamatay na tingin.

Bakit? Nakakamatay ba tingin nito? E para nga siyang si drakula kung magalit e.

"I don't care! Nasan ang mga tauhan natin, nakakuha na ba sila ng impormasyon kung ano ng pina-plano ng matandang yun at ni vincent?!" Madiin nitong tanong sa akin, pero bawat bigkas nito ay puno ng Galit.

"My Lord!" Nakakasuka mang sambitin pero kailangang gawin para sa pakay kung matagal kunang gustong malaman at matapos na itong pag papanggap ko.

"Paumanhin pero, Lahat ng mga tauhan natin na pinadala para magpanggap na tauhan nila ay patay na yung iba. kunti nalang ang natitira, hindi ko alam kung ilang nalang ang natitirang nagpapanggap doon, hindi ko alam kung bakit, pero nasisiguro kung nalaman nilang nag papanggap lang ang iba na maging tauhan nila, kaya nahuli at pinatay." Nakayukong saad ko para basagin nito ang hawak-hawak niyang baso na may lamang alak.

"Paano nangyari?! Mga inutil!" Sigaw nito at sinuntok nito muli ang lamesang kaharap nito na naging dahilan para patuloy na dumadaloy ang dugo sa kanyang kamay.

'Pagpatuloy mulang yan! Pwedi ring saksakin mo na ang sarili mo ngayon para matapos na ang kabaliwan mo!'

"May kinalaman kaba sa mga nangyayari Dasmar?!" Makahulugan nitong tanong sa akin para sumeryuso ako.

Hindi pweding makahalata ito dahil paniguradong mapapahamak ako. Kailangan kung maging maingat sa kilos at galaw ko ngayon, lalo nat kunti nalang kami ang nagpapanggap rito na maging tauhan nito, dahil hindi kopa natatawagan si Lord Emilio sa susunod na hakbang na gagawin nito dahil bantay sarado ako sa mga tauhan nito.

Mainit ako sa LAHAT ng tauhan ni Richard at paniguradong pinag-uutos nito na bantayan ako ng maigi at man'manan.

Alam kung pinaghihinalaan nila ako, lalong-lalo na si Richard ngayon, pero sisikapin kung hindi nila malaman ang tunay kung pakay at hindi mabuking.

"My Lord, yung mga utos niyo lang ang sinusunod ko dahil kayo lang ang nasusunod, sinabihan kona sila at pina-alalahan na gawin nila ng maayos ang trabaho nila para hindi mabuking at malaman ang plano na ginagawa ng yung, i mean ni Emilio para sa susunod na hakbang na gagawin nila." Paliwanag ko rito, sinuri parin ako nito at inalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Bumuga muna ako ng hangin bago salubungin ang titig nitong naghihinala.

"Tumawag sa akin si franco, noong nakaraang araw, alam na sana niya ang plano nila Emilio pero----" huminto muna ako at tumingin sa kanya na salubong na ang maninipis nitong kilay. "Pero ano?" Diin nito sa akin.

THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon