Chapter 18
VINCENT SANTIAGO POV
Walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi makita at masilayan ang mukha ng aking minamahal.
Matapos kung malaman ang lahat-lahat ay gusto kung patayin ang sarili ko sa galit.
Lakad takbo lang ang ginawa ko sa pagmamay-ari kung paaralan dito sa HIGH UNIVERSITY, at hindi pinapansin ang matang nakatingin at nakadungaw sa kanilang mga room upang masilayan at makita ang aking ginagawa.
Alam kung natatangahan sila sa ginagawa kung pagtakbo, pero wala akung paki-alam.
Hingal na hingal akung napahinto malapit sa likod ng Skwelahan. At habol ang hininga.
"Where are you my Lollipop girl?." Usal ko sa hangin na para bang nau'ubusan ng pag-asa.
Pero hindi dapat ako sumuko. Kagaya ng ginawa nito sa akin noon, hindi ito sumuko sa akin kaya hindi kodin ito susukuan dahil simula't sapul ako ang may kasalanan ng lahat.
Pinuntahan ko ito sa kanilang room pero wala akung nadatnan maski anino at presensya nito. Dahil lumabas nalang daw ito bigla-bigla ng hindi nag papa-alam kay Mrs.Cruz na sinundan daw ng mga baguhan nitong studyante na kaibigan nito.
Nagulat pa nga ang lahat ng mga Professor at nagtataka dahil sa biglaan kung pagpakita na hindi nila inaasahan na dadating ako at nagtaka kung bakit ko hinahanap si Azaela Menchavez.
Wala na sila doon, gusto kung magalit sa kanila dahil sa mga nalalaman at nakuha kung impormasyon kung paano nila pinag ka-isahan ang babaeng Mahal ko at sinaktan. Kaya pala palagi itong umuwi ng bahay niya noon na maraming mantsya ang damit kundi may pasa ang mukha na sila ang may gawa.
Pero nasisiguro kung hindi nito ginamit ang kanyang kakayahan upang patulan sila dahil ayaw nitong makasakit at nagtitimpi na lamang ito.
Tumayo ako ng tuwid dahil mukang ayos naman ang pag hinga ko, aalis na sana ako ng may marinig akung munting hilik na siyang dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.
Upang masigurado ko ito ay minabuti ko itong sinilip. Ito nalang ang huling lugar ng University na hindi kopa napuntahan.
May nakita ako sa unahan, isang babaeng mahimbing na natutulog habang nakahiga sa damuhan at ginawang unan ang dalawa nitong kamay para may masandalan ang ulo nito.
Dahilan para mapangiti ako ng wala sa oras, kilala ko ang presensya ng babaeng natutulog sa damuhan dahil minsan kuna itong nakatabi sa pagtulog.
Walang iba kundi ang babaeng minahal ko ng hindi ko namamalayan at inaasahan na sa pagsasama namin ng kunting panahon ay umi-ibig na pala ako rito at hinahanap parati ang presensya nito.
My Lollipop Girl.
Dahan-dahan akung lumapit sa kinaroro-onan nito ng hindi gumagawa ng ingay para hindi ito magising sa kanyang mahimbing na tulog habang malapad ang ngiti na lumalapit sa kanya.
Biglang bumalik ang sigla at lakas ko dahil nasilayan ko muli ang mukha nito.
Mahimbing, sobrang himbing ang tulog nito habang humihilik ng mahina para mahina akung matawa, pinagmasdan ko ito, sinuri ang buong mukha at inaral ng mabuti ang bawat parte ng kanyang mukha dahilan para mapangiti ako ng sobrang lawak dahil hindi nito suot ang peki nitong salamin na siyang sagabal sa kanyang simpleng ganda na hindi ko nakita sa iba at kay Celestial noon.
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)
Mystery / ThrillerTrahedyang makakapag bago sa kanilang buhay. Ng dahil sa inagaw na lollipop ay nagkakilala. Dalawang seryuso noon, malamig sa lahat walang paki-alam, pero nagbago ang isa dahil sa insedenting dahilan para maging dahilan ng pagiging isip-bata nito. A...