Chapter 23
THIRD PERSON'S POV
"HAHAHAHA napaka uto-uto talaga ng babaeng yun." Mukang tangang sambit ni Celestial sa kanyang sarili bago nito inayos ang sarili. Tumunog ang cellphone nito hudyat na may tumatawag kaya mabilis niya itong sinagot "How's your plan, my dear?" Deretsong tanong ng nasa kabila.
"Don't worry my Dear Richard, My plan is now work." Malademonyong Sambit nito upang tumawa ang katawag nito ng malakas. "HAHAHAHAHAHA Good job my Dear Celestial, ikaw na ang bahala kay Vincent at ako na ang bahala sa babaeng Mahal nito, dahil isusunod ko ito sa PAMILYA NITO HAAHAHAH." Natutuwa nitong wika upang matuwa si Celestial dahil sa narinig nito.
Ito ang gusto niyang mangyari, ang mawala sa landas at sa piling ni Vincent si Mariz. At wala naring sagabal sa plano nito upang mapadali nitong makuha si Vincent.
"I know My Dear Richard, hintayin mulang ang pasalubong ko mamaya, at ikaw na ang bahala sa kanya, Do whatever you want to that ugly girl and I'll do what I want to vincent." At pinatay na ang tawag.
Hindi mawala sa labi nito ang mga ngiting kanina pa nito ginagawa habang tinatawagan si Mariz. "Tss! Hindi ko hahayaang makuha mo ang pag mamay-ari ko Mariz dahil hindi kapa dumating sa buhay nito! Akin na siya dahil ako ang nauna!." Nangagailiti nitong wika sa sarili at kinuyom ang dalawa nitong kamao.
Parang lumilipad ang motor ni Mariz dahil sa bilis nitong pag papatakbo. Wala siyang paki-alam sa mga nakasalubong nito basta ang nasa-isip lang nito ay si Vincent.
Dali-dali itong bumaba ng nakarating na ito. Iniwan at hindi na naka park ng maayos ang motor nito at mabilis na tumakbo patungong likod ng skwelahan kung saan naghihintay sa kanya si Celestial.
Mabibigat ang mga hakbang at patakbong hinanap si Celestial sa paligid ngunit wala itong makita. "D*mn you Celestial!" Malutong nitong mura at nagpatuloy muli sa paghahanap.
Hindi na ito natutuwa dahil ngayon niya lang napagtanto na nagmumukha na pala itong tangang kakatakbo at kakahanap sa taong hindi naman nagpapakita kanina pa.
Nasisiyahan namang nanonood sa kanya si Celestial bago naisipang lumabas sa kanyang pinagtataguan.
. "M-Mariz!" Hesterical nitong pag tawag sa kanya at umaaktong nanginginig at natatakot ito dahil sa mga nangyayari.Ngunit binalingan lang siya nito ng nakakamatay na tingin.
Mabilis namang kumilos si Mariz sa kanya at patakbong nilapitan ito at mahigpit na hinawakan sa balikat. "Pinag-loloko moba ako babae?!." Galit nitong tanong sa kanya.
"H-hindi kita niloloko Mariz. S-sinabi ko naman sayo sa tawag na kinid--" Nanginig nitong wika ngunit hindi na naman ito pinatapos ni Mariz. "KUNG GANON NASAAN SI VINCENT!." Galit nitong sigaw sa kanya at sinampal ito upang mapasalampak ito sa lupa.
"Sa oras na may mang'yaring masama kay Vincent! At sa oras na sinagad mo ang pasensya ko Celestial, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo sa oras na napuno na 'ko sayo!." Galit nitong banta habang duro-duro ito upang mapa-irap si Celestial sa hangin.
Galit niya itong tinalikuran kaya mabilis namang tumayo si Celestial at kumilos. Ngunit huli ng nakakilos si Mariz dahil mabilis nitong tinurukan ng pam'papatulog ang batok nito.
Nasalo niya ito at ngumisi ng may pang-aasar sa kanya. "Paano ba yan Mariz? Talo ka." Pang-aasar nito sa kanya ngunit ngumiti lang ng nakaloloko si Mariz sa kanya. "M-magsisisi ka." Huli nitong sambit bago nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)
Mystery / ThrillerTrahedyang makakapag bago sa kanilang buhay. Ng dahil sa inagaw na lollipop ay nagkakilala. Dalawang seryuso noon, malamig sa lahat walang paki-alam, pero nagbago ang isa dahil sa insedenting dahilan para maging dahilan ng pagiging isip-bata nito. A...