Chapter 21

1.9K 86 4
                                    

Chapter 21

VINCENT'S POV

Makalipas ang isang buwan ay Madaming nangyayari at nagbago.

At sa wakas nakita at nakilala ko nadin ang totoo kung ama sa mahabang panahon sa tagal naming hindi pagkikita. Masaya ako ng makita ko ito pero parang may kulang. Hindi ko magawang ngumiti, hindi ko magawang tumawa gaya noon dahil sa mga nangyayari.

Sa tuwing sinusubukan kung lumapit kay Mariz ay umaalis ito o iniiwasan ako dahil kay Celestial na palaging dikit ng dikit.

Ilang ulit kuna itong tinaboy palayo sa akin pero mukang wala lang ito sa kanya at patuloy parin akung binubwesit.

Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ay siya na ang unang umiiwas at ibabaling sa mga kaibigan nito ang atensyon at paningin ngunit nanatili itong tahimik.

Tipid magsalita, napa-kaseryuso, at tahimik lang ito simula nong bumalik ito sa pag-aaral.

Yung ngiti nito noon na hindi kuna nasisilayan ngayon.

Yung tawa nitong hindi kuna naririnig.

Yung mahinahon nitong salitang naging diin na.

Yung bawat at galaw nito ay napaka-ingat.

Umaasa akung magseselos ito, magagalit dahil sa pesting katabi ko ngunit baliwala lang ito sa kanya, parang wala lang sa kanyang may Malandi akung kasama. In short wala itong paki-alam sa akin o sa mga nakikita nito.

Naging malapit nadin ang mga kaibigan ko sa kaibigan nito pero wala lang itong paki-alam sa nakapaligid.

Patuloy na nag uusap ang mga kaibigan ko samantalang mukha namang tanga si Celestial sa kanyang ginagawa. Kanina pa ito putak ng putak, kung ano-ano ang sinasabi, wala namang nakikinig at mas lalong wala akung oras pakinggan dahil naka tuon at nakatitig lang ang atensyon at paningin ko mula malayo sa babaeng Mahal ko. "VINCENT!." Galit na sigaw ni Celestial sa 'kin at pinaharap nito ang mukha ko. "What?" Bored na bored kung sagot dito at inalis ang kamay nito na nakahawak sa mukha ko.

Nakarinig pa ako ng malakas na kalabog sa unahan, hinanap ko kung saan nanggaling ang ingay at halatang si Mariz ang may gawa.

Nagseselos ba siya? Nagagalit?

Naglalakad na ito palayo sa mga kaibigan nito at binigyan lang ako ng 'Lagot ka look' ng mga kaibigan nito. Hindi ko matukoy kung ano ang ibig nilang ipinahiwatig sa akin. "Look vincent! Kanina pa ako salita ng salita dito di ka manlang nakikinig!." Sumbat nito sa akin at halata sa boses nito ang pagpipigil ng galit upang tumayo ako. "Hindi ko sinabing magsalita ka ng kung ano-ano celestial! Walang may nag-utos sayo na dumada ka sa harapan ko!". Diin ko rito upang matigilan ito.

Isang buwan na ako nitong kinukulit at hindi nilulubayan. Pinipilit ang sarili nito, hindi ba ito nagsasawa? Dahil kung ako ang tatanungin sawang-sawa na ako.

"But Vincent, gusto kulang naman na----" Paulit-ulit nalang, nakakasawa ng pakinggan.

"Look celestial! Ilang beses kobang kailangang sabihin at ipaintindi sayo na kahit anong gawin mo hindi na ako BABALIK SAYO! Hindi na maibalik ang dati dahil tapos na! Kaya pwedi ba tigilan at tantanan muna ako! Hindi kita kailangan!!." Diin ko rito upang may tumulong butil sa mukha nito.

Alam kung nasaktan ko ito, ngunit sana naman maiintindihan at matanggap niya na hindi kuna ito mahal at iba na ang Mahal ko, yun ay si Mariz.

Huminga muna ito ng malalim bago tumayo at humarap sa akin bago ngumiti ng pilit. "S-sigi kung yan ang gusto mo ay hindi na kita pipilitin pa, g-ginawa ko naman ang lahat upang maayos p-pero tama nga si kurt, H-huli na, dahil hindi kuna maibabalik pa ang lahat." Pinipigilan nitong hindi maiyak sa harapan ko subalit bigo ito. Malapit pa itong natumba mabuti't nakahawak ito sa upuan.

THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon