Chapter 22

1.9K 82 6
                                    

Chapter 22

MARIZ'S POV

Nagising ako ng madaling araw dahil sa malakas na ingay galing sa cellphone na nakapatong sa gilid ng kama. Padabog akung umupo at kinuha ito.

Sobrang daming Misscall at text galing sa unregistered number na hindi kona man kilala dahil wala namang nakalagay na pangalan.

Tumigil na ang tunog, hindi na ako nag-abala pang basahin ang text dahil hindi naman ako interasado.

Kung sino man ang tumawag at sirain ang tulog ko ay Sana hindi masarap ang ulam nila ngayon. Tss!

Sino ba kasi ang tumatawag ng ganitong oras? Tinignan ko ang orasan na naka dikit sa pader. It's already 3 in the morning. Nag inat muna ako ng katawan bago naisipang tumayo at pumasok ng banyo upang maligo.

Matapos kung maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo, nag bihis at lumabas ng kwarto.

Sobrang tahimik ng mansion simula nong nawala si Lolo, hindi kagaya noon na sa ganitong oras ay pino-puntahan niya ako sa kwarto at gigisingin ng maaga upang mag training. Mapakla akung napangiti at nag tuloy-tuloy ng lakad.

Napahinto ako sa labas ng kwarto ni Lolo, hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga Paa ko dito. Isang buwan ng nakakalipas simula ng pumanaw ito ay hindi na ako pumupunta o pumapasok dito sa loob ng kwarto niya na nakasanayan ko noon.

Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang doorknob nito at binuksan ng dahan-dahan. Napa pikit ako dahil sa lamig ng hangin na sumasalubong sa akin.

Pumasok at iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto nito. Napangiti ako ng mapait at umupo sa kama, kinuha ang picture frame sa maliit nitong table at hinaplos bago niyakap.

Mariin akung napapikit at tumingala sa kisame upang pigilan ang luha nagbabadya ng lumabas, ngunit bigo ako dahil tumulo na. "L-lolo." Garalgal kung sambit sa hangin at mas lalong hinigpitan pa ng yakap ang litrato nito

"L-lolo, bakit moko iniwan? B-bakit niyo 'ko iniwan! Huhuhu sobrang m-miss na miss ko na kayo." At tuluyan ng umiyak.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na kaya na isa sa mga malalapit kung kaibigan ang nawala sa 'kin lalong-lalo na si Vincent. b-baka, baka mabaliw na ako ng tuluyan.

Tinignan ko ang litrato nito habang hinahaplos ng marahan at ngumiti ng mapait sa kawalan. Yayakapin kona sana ito ulit ng may biglang nahulog na pape galing sa likod ng litrato.

Bakit hindi ko ito napansin kanina?

Pinahiran ko muna ang luha at maingat na inilapag sa kama ang litrato ni lolo at pinulot ito.

Sulat kamay ito ni lolo kung hindi ako magkakamali. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ito sinimulang basahin na naging dahilan upang tahimik akung maiyak dito sa kama nito. Subalit napatigil din dahil sa huli nitong sinulat.

"Ps: Wag pairalin ang katigasan at init ng ulo mo apo, baka hindi kana makapag-asawa niyan at tatanda ka ng Dalaga. HAHAHAHAHA" May pahabol pa talaga sa dulo e no? Nag da-drama pa nga ako e, alam niya talaga kung paano sisirain ang mood ko.

Matapos kung binasa ang Sinulat nito ay itinupi ko ito at nilapag sa maliit na table. Sa sobrang haba ng isinulat nito ang naiintindihan kulang ay ang dulo nito na may nakalagay na PS. Tsssk! Yung matandang yun talaga sarap kurutin sa singit e.

"Itong matandang ito, nagawa pang inisin ako!." Inis kung sambit at padabog na tumayo. "Arghhhh! Di sana masarap ang ulam mong matanda panot ka!" Inis kung sigaw at pumunta sa sinasabi nito sa sulat na Secret office kuno nito.

THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon