CHAPTER 20

2.1K 90 3
                                    

Chapter 20

RICARDO'S POV

"Ricardo are you okay?." Bakas sa tono ni Dasmar ang pag-alala.

Humarap ako sa kanya bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga at tinignan ito ng may pagtatanong. "Bakit sa anak pa ni Raymond nangyari ang lahat ng ito Dasmar? Wala namang ibang ginawa ang Pamilyang Fuentello kundi tulungan ako? Bakit sila pa? Bakit kay Mariz pa? Bakit sa kanya pa?." Halo-halong emosyon kung tanong at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina kopa pinipigilan.

Makalipas ang dalawang linggo mula nong nangyaring paghaharap namin ni Richard.

Dahil sa kagustuhan kung maka ganti sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa mga taong mahalaga sa akin ay sinugod ko ito ng hindi nag-iisip ng tama. At may nadamay na naman muli at ang masaklap pa ang mismong ama pa ni Raymond. Yun ay si Don Bloodemer Fuentello.

Na walang ibang ginawa kundi tulungan ako para gumaling. Ng dahil sa padalos-dalos at hindi nag-iisip ng tamang desesyon ay namatay ang lolo ni Mariz sa mismong kamay ko.

Gusto kung patayin ang sarili ko dahil wala kaming ibang nagawa kundi bigyan sila ng problema, madamay sa problema naming mag pamilya at namatay ng dahil din sa amin.

Una ang mag-asawang Fuentello ngayon naman ang lolo nito. Ito lang ba ang ambag namin sa buhay ni Mariz kundi sirain ito?

Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal sa buhay dahil naranasan kudin yun, pero mas malala ang Sakit na nararamdam ngayon ng nag-iisang anak ng mag-asawang Fuentello dahil sa pangalawang pagkatataon pinatay din ito ni Richard sa mismong harapan ko.

Kailan ba matatapos ang lahat ito?

Kailan kaya?

"Ricardo? Walang may gustong mang-----" Hindi ko ito pinatapos at sinuntok ng paulit-ulit ang pader habang patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mata. "WALA NGA! PERO NG DAHIL SA AKIN NAMATAY NA NAMAN MULI ANG MAHALAGANG TAO SA BUHAY NI MARIZ." Iyak kung sigaw at napa-upo sa sahig habang sapo-sapo ang mukha kung dumadaloy na ang dugo sa kamay ko.

"Masakit mamatayan ng taong mahalaga  Dasmar. At ang masaklap, kay Mariz pa ito nangyari, nag-iisa nalang ang lolo nito pero wala nadin, dahil Patay na ito at ang magulang nito, alam mong kami ang dahilan kung Bakit nagdudusa, naghihirap, naging misirable ang buhay nito ng mawala ng sabay ang magulang nito. At ngayon? Pati ang lolo nito! nawala din dahil sa akin, Ng dahil sa Kapatid ko Dasmar! Ng dahil sa kambal ko kung bakit lahat ng mga iniingatan niya ay namamatay ng dahil sa pamilya ko!." Hagulhol ko.

Na-alala kopa, na-alala kopa kung paano sinalo ni Don Bloodemer ang bala na dapat ay sa akin sana pero niligtas ako nito.

Sapong-sapo sa puso nito ang bala, nanginginig ang mga kamay kung nasalo ang katawan niya, pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti, ngiting nagpapahiwatig na ayos lang ito.

kung hindi dahil sa kanya Patay na sana ako, kung hindi dahil sa katangahan ko buhay pa sana ito. At kung hindi dumating ang asawa ni Dasmar na si Leilani at ang mga kasamahan nito ay tuluyan na sana akung namatay.

At ang nakakagalit lang ay nakatakas na naman muli si Richard.

Yun na sana ang pagkakataon upang mapatay ito pero mabilis itong nakatakas.

THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPPED BY THE MAFIA LORD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon