MASB-2

601 20 0
                                    


Oceana Maritez PoV

"Hoy!Saan ka galing kanina?"

Masungit na tanong ni Leighton at tumabi sakin, recess na ngayon at andito kami sa canteen, syempre kasama ko ang fake friend ko na si ZOEY, si Kiel naman ewan ko kung saan dinala ni Ms.Gina ,balak yatang pagsamantalahan. HAHAHA CHAR LANG

"Sa likod ng building nakipag seggz kay Ki-ARAY!"

inis kong tinignan si Leighton ng batukan na naman nung ako. Kaya ako nabobobo eh, batok sila ng batok sakin, lumiliit tuloy utak ko.

"Sumagot ka kasi ng maayos, Anong ginawa niyo dun?"

Kunot ang noong tanong niya with matching paglaki ng mata.

"Wala, kumain lang kami"

Usal ko at, tinuloy ang pagkain. Wala na akong baon dahil inubos na nga namin ni Kiel kanina pero nagpalibre ako kay Zoey at binigyan ako ni Ate Karen ng free lugaw with unli langgam at langaw.

"Close ba kayo nun,Maritez?"

Pag-uusisa ni Zoey. Sino naman kaya ang tinutukoy niya bigla bigla na lang nagtatanong.

"Sino ba?"

Takang tanong ko habang tuloy lang sa pagkain.

"Yung transferee,narinig ko kasi, Daddy daw nun may-ari netong school!"

Mahinang bulong ni Zoey. Nice parehas kaming chismosa ni Zoey kaya magkasundo kami lagi kahit FAKE FRIENDS siya.

"Talaga? Wala siyang sinabi eh"

Usal ko at medyo nacurious ako, tagal-tagal ko na dito wala naman akong nababalitaan na may anak yung owner ng school.

"Diba,sabi baog daw yung owner ng school? Paano naging anak nun si Keil?"

Takang tanong ko, yun kasi ang sabi-sabi, baog daw yung owner ng school at medyo malambot daw kumilos.

"Ewan ko lang din, yun kasi ang narinig ko"

Sagot ni Zoey.

"Tanga! Baka anak sa labas yun si Keil or ampon!"

Usal ko, hindi naman malabo yung haka-haka ko kasi nakita ko naman na yung owner ng school at hindi sila magkamuka ni Kiel.

"Hoy!Maritez!"

Napalingon ako dun sa dalawang babae na huminto sa tapat ng table namin at pinagtaasan ako ng kilay kaya naman itinaas ko din ang kilay ko.

"Hoy ka din! Anong kailangan mo?"

Taas kilay kong tanong kaya tinignan niya ako ng may pagka-irita.

"Nilalandi mo daw si Kiel? Tama ba yun?"

Taas kilay na tanong niya, Aba sino namang gago ang nagsabi nun eh may gwapo akong jowa.

"Oh eh ano naman sayo?"

Nakangisi kong tanong, bully kasi tong si Layla kaya masarap asarin.

"Ano? So sinasabi mo bang totoo na nilalandi mo siya? May boyfriend ka na ah! Bakit lumalandi ka pa din?"

Sunod-sunod niyang tanong at may hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang muka.

"Pinanganak akong malandi! Anong magagawa ko?"

Nang-iinis kong sagot, kaya namula ang muka niya sa inis. Tirador kasi ng transferee yan si Layla, cheerleader at matalino kaya feeling angat sa lahat eh ampon naman.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon