MASB-23

380 20 0
                                    


Leighton PoV

"Bakit late ka ng umuwi?" Napatigil ako ng mag salita si Mommy.

"May trouble lang sa school, bakit di ka pa po tulog?" Tanong ko at lumapit para humalik sa pisnge.

"Si Ceana?" Tanong ni Mommy.

Umupo ako sa tabi niya.

"We're good, still the same" Walang gana kong sagot.

"She's changing" Malungkot na saad ni Mommy.

Napayuko ako at hindi naka imik.

"Nagbabago lang ang isang tao pag sobra nang nasaktan" Dagdag pa ni Mommy.

"Hindi naman nasaktan si Daddy pero bakit nagbago siya?" Seryoso kong tanong kay Mommy.

Siya naman ang natigilan at napaiwas ng tingin.

"I did not intent to hurt Oceana I just want to be a best man for her... I want to grow I want her to relied on me" Mahinahon kong saad.

"Kaya ka nakipag break kasi sa tingin mo iyon ang tama?" Tanong ni Mommy.

Iyon nga ba ang tama? Nung una oo iyon ang tama sa paningin ko pero ngayon....

"Ayoko lang na may iba pa akong magawa sa kanya Mommy, gusto ko siyang respetuhin gaya ng pag respeto ko sa inyo" Sagot ko.

"May iba pa namang solusyon anak, bukod sa pakikipag break" Nilingon ko si Mommy.

"Para naman pong hindi niyo kilala si Maritez" Saad ko, ngumiti si Mommy nang marealize niya din siguro ang ibig kong sabihin.

"Ikaw ang bahala, nag papayo lang ako dahil para sakin si Ceana ang the best na para sayo" Nakangiting saad ni Mommy kaya napangiti na din ako.

"Magtatapos lang naman po ako at babalikan ko din siya, hindi ko din naman kayang mabuhay ng hindi siya ang makakasama sa pagtanda ko" Masaya kong usal.

Napangiti din si Mommy at hinaplos ang buhok ko.

"Huwag mo lang patagalin to the point na mawala na ang nararamdaman niya sayo.... Baka magbago ang ihip ng hangin at bigla wala ka ng babalikan" Saad ni Mommy at tumayo na.

"Sige na aakyat na ako, good night Nak, love you" Malambing na saad ni Mommy ay hinalikan ako sa noo.

"Good night Mommy, love you too" sAad ko din.

Wala na si Mommy ng marealize ko ang huli niyang sinabi....

Paano nga kung sa ginagawa ko lumayo na ang loob sakin ni Maritez? Paano nga kung sa sobrang tagal ko makahanap na siya nang ibang papalit sakin.

"hihintayin kita Honeypie"

Napangiti ako nang maalala ang sinabi niya sakin sa stadium.

She will never broke her promises and im confident na may babalikan pa ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko, binuksan ko ang bintana nang makapagpalit na ako ng damit.

Patay pa din ang ilaw ni Maritez, tulog na kaya siya o hindi pa siya umuuwi?.

"I want to see her" Wala sa sariling saad ko.

Bumababa ako at maingat na pumasok sa gate nila Maritez, May puno naman sa gilid ng bahay nila na pwede kung akyatan para makapasok ako sa bintana niya eh.

Sana nga lang hindi naka lock ang bintana niya.

Inabot ko ang bintana niya para mabuksan at buti na lang talaga hindi naka lock kaya maayos akong nakapasok sa loob.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon