Oceana Maritez PoVHyst ang boring ..sana pala hindi na lang ako pumasok ..
Pahikab hikab ako habang nagtuturo si Sir Larie ng history subject..
Nakaraan naman na yung itinuturo niya at kahit anong gawin namin hindi naman na babalik ang nakaraan tapos turo pa din siya ng turo ng ganon..
"Argh..aray~"
Sinamaan ko ng tingin si Leighton ng pitikin niya ako sa tenga..
"Makinig ka, may quiz mamaya"
Seryoso niyang usal at muling nakinig kay Sir
Gaya nga ng sinabi ni Leighton nag pa-quiz si Sir pero wala akong maisagot..
"Honeypie.. patingin nga ng sagot tignan ko lang kung same tayo"
Usal ko pero ang totoo ay wala pa akong kasagot sagot.. Tinignan niya lang ako at tumayo na..
Wahhhhhhhhhhhhhhh!! Nagpasa na siya ng papel niya hindi manlang ako pinakopya..
"Kiel~~"
Nagpapa-awa kong usal ngumiti siya sakin kaya bigla akong natuwa pero agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ang papel niyang walang kasagot sagot...
"Zoey, tapos ka na?"
Nakangiti kong tanong kay Zoey
"Ehehe, tatlo lang nasagutan ko eh"
Kamot ulo niyang sagot..
"Pakopya"
Usal ko at kinuha yung papel na iniabot niya..
"Si Rizal ang sumulat ng Noli, bakit Albert Einstein ang sagot mo?"
Takang tanong ko kay Zoey
"Ha? Siya ba?"
Taka niyang tanong kaya nasapo ko ang ulo ko... Wahhh wala manlang akong makopyahan ng maayos..
Tinignan ko si Leighton na prenteng umupo sa upuan niya..
"I told you na makinig ka"
Pairap niyang usal ng makitang nakatingin ako sa kanya.. Sinamaan ko siya ng tingin.. Napaka damot niya magbigay ng sagot...
Umalis na lang si Sir ng wala kaming sagot na tatlo nila Zoey.. Time ng Filipino namin at medyo mabait yung teacher namin si Ma'am Jessica
"Good afternoon class, open your books on page 10"
Nakangiting usal ni Ma'am.. May tag-iisa kaming books sa filipino kaya hindi na namin kailngang makishare at hindi din kami nagpapahiram ng libro sa ibang section dahil iwinawala lang nila..
"Kayo na ang bahalang mag-group sa sarili niyo, lima lang ang pwede sa isang grupo"
Paliwanag ni Ma'am..
Groupings ang gagawin at gagawa ng tula para sa minamahal namin..
Naggrupo na kami at si Wallace ang pang lima naming member dahil ayaw siyang isali ng iba..
"Anong subject ang gagamitin natin?"
Tanong ni Leighton.. Subject?
"Filipino"
Mabilis na sagot ni Wallace kaya sinamaan siya ng tingin ni Leighton
"What I mean is kanino natin ididedicate ang tula na gagawin natin"
BINABASA MO ANG
My Anti-Social Boyfriend
Teen FictionCOMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)