Kiel PoV"Hello Kiel"
Good morning Kiel"Napapangiti na lang ako ng maraming bumabati sakin tuwing papasok ako.
"Gago bilisan mo! Nasa likod sila ng Alumni Hall!"
Napahinto ako sa paglalakad ng may tatlong estudyanteng tumatakbo ang dumaan sa likuran ko.
Nakapamulsa akong nag lakad papunta sa likod ng Alumni Hall.
May kumpulan ng mga estudyante kaya nakasingit ako para maki chismis.
May maiikuwento ako kay Maritez na bakbakan para hindi naman siya masyadong malungkot sa break up nila ni Leighton pero di ako sure kung papasok yun baka nag mumukmok pa yun sa kwar—
"K*ng*n* mo! Papatayin kita!"
"Ikaw ang papatayin kong chismosa ka!"
Natigilan ako ng makita si Maritez na hawak ang kwelyo ni Baste na nakaluhod at dugo ang ilong habang si Baste hawak sa buhok si Maritez na namumula ang pisnge.
Kakasabi ko lang na baka malungkot siya at hindi matanggap yung break up nila ni Leighton yun pala nakikipag bardagulan na dito.
"Huy! Tulungan mo akong awatin, baka makapatay si Maritez!"
Sigaw ko dun sa lalaking todo cheer kay Maritez.
Hindi ko inaasahan na hihilahin niha sa leeg si Baste kaya agad na bumitaw si Baste dahil hindi na makahinga.
"Bitiwan mo na nga yang bote! Kumalma ka Maritez!"
Awat ko kay Maritez dahil nag pupumiglas siya sa hawak ko.
"Bitiwan mo nga ako Kiel! Babasagin ko yang bungo mong Bakulaw ka!"
Galit na sigaw ni Maritez kay Baste at ibinato yung bote buti na lang walang tinamaan.
"Hayop ka m-maamatay n-na a-ako!"
Hirap na saad ni Baste dahil hindi pa din siya makaalis na pagkakasakal nung lalaki.
"Awat na Maritez!"
Hinila hila ko na si Maritez paalis dahil ayaw niya talagang mag paawat.
Nang malapit na kami sa room ay tyaka ko lang siya binitawan.
"Aahh! Para san yun?!"
Angil ko ng sipain niya ako sa tuhod.
"G*g* ka! Kaninang kanina pa kita hinihintay ngayon ka lang dumating"
Inis niyang sigaw sakin kaya napakunot ang noo ko.
"Malapit na kaya akong mapatay ng Bakulaw na yun tapos ang tagal mo pang dumating para umawat!"
Inis niya pang sigaw kaya napatawa ako.
"Hahaha! Kanina lang ayaw mong mag paawat ah!"
Tawa kong saad kaya hinampas niya ako sa likod.
Aray! Bwesit tong babae na to ah, kaninang kanina pa ako inuupakan.
"Syempre mema lang yun, para mukha akong astig"
Ngisi niya kaya sinimangutan ko siya.
"Tsk, nag hanap ka lang ng sakit ng katawan eh. Lika sa clinic"
Aya ko sa kanya ng makitang nag baviolet na yung pisnge niya.
Sabay kaming huminto ng makasalubong namin si Leighton at Naomi na magkasabay.
BINABASA MO ANG
My Anti-Social Boyfriend
Ficção AdolescenteCOMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)