MASB-18

331 21 1
                                    


Maritez PoV

"Kayo na ang mag paregistered kung anong gusto niyong booth, pwede namang hindi kayo sumali sa ganon" Paliwanag ni Ma'am bago matapos ang lecture niya.

Bago pa lang kasi sinimulan ang registration para sa gusto sumali sa mga booth, pero
syempre kami ang gagastos dahil kami kami din naman ang mag eenjoy.

"Naka pagpa registered na po kami Ma'am, horror booth po ang napili namin since walang gustong mag register dun" Nakangiting saad ni Naomi kay Ma'am.

Oo, horror booth bagay siya dun mukha siyang bangkay.

"Dapat pumili kayo ng hindi masyadong magastos, pero kayo ang bahala" Saad ni Ma'am kaya nag si tanguan naman ang mga klasmyt namin.

Umalis na si Maam para daw mapag usapan namin ang gagawin, sa isang araw na kasi yung Foundation Day namin.

"46 tayong lahat dito guys! Mabigay kayo nang tig 50" Saad ng treasurer namin kaya nag taas ako ng kamay.

"Nakapa mahal naman, magkano lang naman ang mga props na gagamitin, papayaman ka ba gurl?" Tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo nga Kyle, mahal naman masyado pwede namang 20 pesos lang tapos mag dala na lang ng mga makakapal na kurtina pang takip sa bintana" Suwestyon ni Anna.

"Eh hindi naman kayo lahat mag babayad, kung may matitira naman ibabal—  Sus! Sus! bente na nga lang" Putol ni Wallace kay Kyle.

"Tsk! Kingina niyo bahala kayo!" Galit na sigaw ni Kyle at bumalik sa upuan.

Kurakot na treasurer eh pano pa kaya pag natupad yung pangarap niyang maging president ng bansa.

Tumayo si Lieghton sa harapan kaya tumahimik ang mga klasmyt ko, sumunod sa kanya si Naomi na todo ngiti.

Anak ng kelan pa siya naging buntot ni Leighton.

"Ganito na lang para di na magtalo talo, wala ng perang involved, Magdala na lang kayo ng mga pwedeng gamitin na meron kayo sa bahay niyo" Seryosong saad ni Leighton na sinangayunan ng lahat.

"Sa mga gaganap naman, ilista niyo ang mga pangalan niyo dito kung gusto niyong mag volunteer" Dagdag pa ni Leighton at nag labas ng papel at ballpen.

Unang tumayo si Kiel at kinuha yung papel.

"Tanga, mapapagod ka lang niyan" Saad ko kay Kiel ng makaupo siya sa tabi ko.

"Baliw ,inilista din kita Haha" Tawa niya kaya agad ko siyang sinamaan.

"Gago, ayoko di nga ako aattend eh" pag tanggi ko at pumunta sa unahan para burahin yung pangalan ko.

Tumingin sakin si Leighton at Naomi kaya sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

"Hindi ako kasali, alisin mo name ko diyan" Masungit kong saad.

"Wag na Maritez, bagay ka naman maging zombie o multo eh HAHAHA" Tawa ni Andy kaya pati mga classmate ko tumawa din.

"Kung butasin ko kaya yang mata mo!" Inis kong sigaw kaya natahimik siya.

Hinawakan ko yung ballpen at buburahin na sana ng hawakan ni Kiel ang kamay ko at ngumiti.

"Wag na nga kasi baby, Mag eenjoy tayo promise" Tatawa tawang saad ni Kiel kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Anong sinasabi nitong siraulo na to.

"Baby? Kayo na ba?" Chismosong tanong ni Wallace.

"Hehe! Wag ka ngang maingay!" Kunwari nahihiyang saad ni Kiel kay Wallace.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon