MASB-15

312 17 3
                                    


Maritez PoV

"Wahhh! Namiss ko ang amoy dito sa labas"

Nakangiti at nakapikit akong nagpaikot-ikot sa playground.

"Aray! Nahilo ako!"

"Yan tanga ikot kasi ng ikot"

Sinamaan ko ng tingin si Kiel ng sabihin niya sakin yun.

"Ginayagaya ko lang yung sa Kdrama, nakakahilo pala"

Saad ko at naupo sa tabi niya.

Kalalabas ko lang kasi kanina ng hospital at inaya ko siya dito dahil linggo naman ngayon.

"Si Leighton nag-usap na kayo?"

Bigla niyang tanong kaya tumahimik ako.

"Hindi pa, Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong makita"

Malungkot kong saad, simula ng maaksidente ako hindi niya ako pinuntahan at kahit alam niyang naka-uwi na ako wala pa din siyang paramdam sakin.

"Baka dahil pa din dun sa ginawa niyo"

Saad ni Kiel kaya nilingon ko siya.

"Napaka tagal na nun Kiel, at naaksidente na ako hindi niya man lang ako binisita"

Nakanguso kong saad, sa totoo lang ay talagang masama ang loob ko na hindi niya man lang ako binisita pero dahil nga alam ko ang ugali niya, naiintindihan kong baka naiilang pa din siya at nahihiyang makita ako.

"What if ikaw kaya ang pumunta sa kanya"

Suggestion ni Kiel kaya medyo napaisip din ako.

Bakit nga ba hindi ako ang pumunta sa kanya.

"Sige! Haha babye muna Kiel"

Kumaway ako kay Kiel at masayang tumakbo papunta ng bahay nila Leighton.

"Mama Rosette si Leighton po?"

Nakangiti kong tanong, nagulat pa si Mama Rosette ng makita ako.

"Magaling ka na ba?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko, sunod sunod akong tumango ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako.

"Umalis si Leighton, hindi sinabi kung saan ang punta"

Saad ni Mama Rosette kaya bigla akong nalungkot. Lumapit ako sa tabi niya at naupo.

"Ang tagal ko na po siyang hindi nakikita, Hindi niya din ako pinuntahan sa hospital"

Nakanguso kong saad, tumingin sakin si Mama Rosette at bumuntong hininga.

"Pag pasensyahan mo na Nak si Leighton, alam mo naman ang isang yun"

Malumanay na saad ni Mama Rosette, nakanguso kong tumingin sa baba.

"Hindi naman po siguro nakakaubos ng oras niya ang konteng pag-silip sakin sa Hospital"

Nagtatampo kong saad. Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-gagawa niya eh kaya paano ko siya mauunawaan.

"Hayaan mo at sasabihin kong puntahan ka niya mamaya"

Nakangiti saad ni Mama Rosette

"Wag na po Mama, kung talaga pong gusto niya akong kamustahin ay hindi na po siya kailangang pagsabihan"

Pilit ang ngiti kong saad, Hindi sumagot si Mama Rosette at bumuntong hininga lang.

"Aalis na po ako Mama Rosette, hinihintay po ako ni Kiel sa playground eh. Babye po!"

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon