MASB-24

371 23 0
                                    

Maritez PoV

Gumising ako nang pakiramdam ko nakalutang ako, antok na antok ako pero hindi ako makatulog.

Sinabihan ko na din si Mama tungkol sa pag sakit nang ulo ko. Nagiging madalas na kasi ang pag-kirot nang ulo ko.

"Oh? anyare na naman sayo?" Agad na tanong ni Kuya Jumbo nang makaupo ko sa harapan nang lamesa.

"Hindi ako nakatulog nang maayos, Kuya" Antok kong saad.

"Psh, Pano nanood ka na naman yata nang anime" Saad ni Kuya habang kumakain.

"Ano? Ilang araw na nga akong hindi nakakanood ng anime eh" antok kong reklamo.

"Mama... pwede bang wag muna akong pumasok ngayon? Inaatok po kasi tal— Aray!"

Napasubsob ako sa lamesa nang kumirot ang batok ko.

"Huy! Anong nangyare sayo?" Nag aalalang tanong ni Kuya.

"Nak, anong masakit sayo?" Tanong din ni Mama, lumapit na din si Papa para tanongin ako.

"Ayos lang po ako, Kulang lang po siguro ako sa tulog" Saad ko nang mawala na ang sakit nang batok ko.

"Aba, bakit kasi hindi ka na naman natutulog?" Tanong ni Papa.

Ngumuso ako at hindi sumagot. Kung alam lang nila kung gaano karami ang iniyak ko kagabi.

"Hindi po ako nagpuyat, Hindi ko po alam kung bakit hindi ako makatulog nang maayos" Reklamo ko.

"Naku tigil tigilan mo na nga ang kakanood nang anime na yan ha! Kumain ka na riyan at pumanhik ka na sa taas" Pagalit na saad ni Mama.

Palihim naman akong napangiti at kumain na.

Kiel's PoV

"Zoey, si Maritez?" Agad kong tanong kay Zoey nang makaupo ako.

"Hindi daw siya papasok, masakit daw ang ulo niya" Saad ni Zoey kaya napatango na lang ako.

Maayos naman kaming naghiwalay kagabi eh.

"Pst, Ano umamin ka na?" Nakangising tanong sakin ni Wallace hindi ko siya pinansin kaya kinuhit niya pa ako.

"Ano? tsk... uupakan kita diyan eh" Inambahan ko siya nang suntok kaya agad siyang napatakip nang mukha.

"Basted ka no? HAHAHA sabi sayo si Pareng Leighton lang gusto nun eh" Tawa ni Wallace kaya imbes na hindi ko siya uupakan tinuloy ko na talaga.

"Anak ng... Aray ko!" Reklamo niya matapos kong paulanan nang suntok ang balikat niya.

"Tangina mo kasi eh, dahil sayo iyak ako ng iyak kagabi!" Galit kong saad sa kanya.

Totoong umiyak ako kagabi dahil sa sinabi ni Maritez.

Alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya, Alam ko naman na hindi ko kayang palitan si Leighton sa puso niya.

"So, umamin ka nga? HAHAHA" Tawa ni Wallace kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Gago hindi, Bago pa lang sana kaso bumanat na agad si Maritez na mahal niya pa din si Leighton kaya hindi ko na sinabi gusto kong sabihin" Paliwanag ko sa kanya.

"Teka, bakit pala wala pa ang babaeng yun?" Takang tanong ni Wallace nang mapansin niyang wala si Maritez.

"May sakit daw sabi ni Zoey" Saad ko kaya napatango na lang siya.

Nilingon ko si Leighton na busy magsulat. At kinakausap siya ni Naomi.

Tumayo ako at nilapitan siya.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon