Prologue

1.6K 36 0
                                    

Oceana Maritez PoV

"Maritez! Ano ba.Hindi mo ba bubuksan ang pinto?"

Inis kong kinamot ang ulo ko..

"Ano po ba yun mama? Nanonood po ako eh" Nakasimangot kong tanong ng buksan ang pintuan ng kwarto ko..

"Aber!Baka naman gusto mong lumabas ng kwarto mo, hindi yung nakatutok ka dyan sa pinapanood mo!"
Malakas na sigaw ni Mama sa muka ko habang talsik pa ang laway..

"Ahh~~ yamete sensei~~"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na sinaraduhan ng pinto si Mama...

"Kabastosan mong bata ka!!"
Malakas na sigaw ni Mama sa labas ng pinto kaya napahagikgik ako..

HAHAHA,kanino pa ba ako magmamana?Edi sa pinanggalingan din, HAHAHA

Inoff ko na yung computer at pumasok ng cr...

Balik eskwela na bukas at wala pa akong kagamit gamit para sa school dahil busy nga ako sa panonood ng anime..

Sa tingin ko nga nakakasira ng panonood ko ang pag aaral eh.. HAHAHA CHAR LANG

So btw!Before this story start let me introduce myself to all of you!. "I AM OCEANA MARITEZ WOODFARE" second child ni FERNANDO WOODFARE at ni FELICIA WOODFARE, may kuya akong saksakan ng bilib sa sarili walang iba kundi si ORIVEL JUMBO WOODFARE, At kung nagtatanong kayo kung bakit ganon ang mga pangalan namin, Hindi ko din alam sa mga magulang kong mukang walang maisip na ipangalan samin...

"Maritez! Bumababa ka na nga dito!"

Si kuya naman ang narinig kong tumatawag sakin..
At malakas na kinakatok ang pinto ng kwarto ko...

"Sige, sirain m— (boink) "WAAHHHH! MAMA SI KUYA NAMBABATOK!!"

Tumatakbo akong bumababa para habulin si kuya at magsumbong kay Mama na busy sa pagluluto ng almusal...

"Tumigil na kayong dalawa,Umupo na kayo para kumain,Ikaw Ceana bilisan mong kumain at bumili ka ng mga gamit mo sa school." Seryosong usal ni Papa

Kaya tumango na lang ako at umupo na din para kumain

FAST-FORWARD..........


"Penge pera Pa" Ngiting ngiti kong usal kay Papa na busy sa binabasa niyang pocket book..

"Andun sa pantalon sa likod ng pinto"
Mabilis na sagot ni Papa, at hindi manlang ako pinukawan ng tingin..

Dito sa bahay may kanya-kanya kaming hilig at mundo, Si Papa mahilig sa pocket book tuwing uuwi siya galing trabaho, pocket book agad ang hinahanap niya imbes na magloving-loving sila ni Mama..

Si Mama naman balak yatang mag hall of fame sa games na candy crush! Nasusunog na ang niluluto kakalaro.. Galit pa pagsinabi naming anlakas ng brightness ng cellphone niya, madalas naka todo ang volume ng cellphone eh ang ingay-ingay.

Si kuya naman busy sa online games, larong laro kahit lagi namang talo, may pag-iyak at pagsuntok pa sa pader pag natalo ,ibat-iba din lagi ang girlfriend akala mo nagpapalit lang ng damit eh hindi naman gwapo pero magaganda ang chix na nakukuha.

At ako naman syempre ang pinaka maganda sa lahat, hilig ko ang manood ng hentai—anime pala,matalino din ako pag sinisipag kadalasan lugaw,syempre sexy at maganda din ako at ako na yata ang may pinaka gwapong boyf—

"Lumilipad na naman ang utak mo" Napatingin ako ng masama kay Leighton ang jowa kong ubod ng sungit at allergy sa tao kahit sakin akala mo hindi kami sabay naligo at tumae nung mga bata pa kami..

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon