MASB-8

336 16 1
                                    

Oceana Maritez PoV

"Magka-away ba kayo ni-Penge nga ako neto"

Agad kong pigil kay Zoey para hindi na niya masabi pa ang pangalan ng bwesit na manlolokong yun

Nagkatinginan na lang si Zoey at Kiel sa inaasta ko

"Bakit pala hindi sumabay satin mag lunch si-Hyst napabusog yata ako.... cr lang ako saglit ha"

Ngiti kong usal sa kanilang dalawa at nagmamadaling umalis ng canteen... Actually natatae talaga ako

"Aish.. Wala pang tubig"

Usal ko ng makitang walang tubig yung gripo, mukang sa toilet flush pa ako kukuha ng pang hugas ko

Habang busy ako sa pagtae sa pinakang dulo ng cubicle ay may marinig akong pumasok

"Hahaha, grabe kinikilig pa din ako"

"Ang swerte mo nga eh"

"Duh, Oo naman no, mas maganda naman ako kay Maritez, kaya talagang mapapansin ako ni Leighton"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ko at pangalan ni Leighton

"True! At bobo din yung babae na yun HAHAHA!"

Aba gago tong mga to ah.. Ako ba sinasabihan nila ng bobo? Teka nga taposin ko lang ang pagtae ko at sasabunutan ko ng malupet ang dalawa na to

"Pero girl, nakita mo ba yung babaeng kausap ni Leighton kanina, I know her eh... Sikat yun sa instagram"

Mas lalo akong napakunot.. Sinabi ko na nga ba eh, manloloko talaga ang hayop na yun

"Oo, nakafollow din ako dun eh... I wish na maghiwalay na si Maritez at Leighton dahil mas bagay yung girl na yun kay Leighton"

Aba-aba talagang mga palakang to.. Teka nga

Mabilis akong naghugas at ready ng makipagsapakan ng paglabas ko ay wala na yung dalawang babaeng nag uusap

Anak ng tokwa bakit ang bilis nilang mawala? Sino ba kasi ang mga yun at bakit ganon ang pinag uusapan nila

Masama ang loob kong lumabas ng cr... At napatigil din ng makasalubong ko si Leighton na nakangiti..

Watdapak!! As in ngiti... Ngiti na labas lahat ng ngipin..

Natigilan din siya ng makita ako, agad bumalik sa dating walang emosyon ang muka niya at nag derideritso papuntang cr .

Biglang kumirot ang puso ko.. Bakit siya nakangiti? Huling kita ko sa kanya ngumiti ng ganon ay yung time na nakilala niya si-

Ay hindi.. Hindi dapat nga mas maging masaya ako dahil masaya siya eh at mukang natutoto na siyang makipag-socialize.. Oo tama dapat maging masaya ako sa kanya

Pinagsawalang bahala ko na lang ang kirot na naramdaman ko at dumeritso na ng classroom

"Bakit?"

Takang tanong ni Kiel sakin kaya kinunutan ko siya ng noo

"Pinagsasabi mo dyan?....Zoey may assignment ka sa history?"

Baling ko kay Zoey na nagbabasa ng notes niya

"Ha? Anong assignment?"

Taka niyang tanong, hindi niya ba alam na may assignment kami

"Sa history, yung mga ancient object daw,.. Bat ka nag rereview?"

Taka ko namang tanong sa kanya

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon