MASB-11

390 16 3
                                    


Maritez PoV

Late na naman akong nagising kaya mag isa na naman akong papasok, Hindi ko din nakausap si Leighton kahapon dahil ayoko pa siyang makita, ngayon gusto ko na

"Lalala~ Lalala~"

Kanta ko habang tumatalon talon na naglalakad

5 mins late na ako pero ayos lang yun, sanay naman na sila sakin eh mapapagalitan nga lang ako

"WAAHHHH!!"

Nanlaki ang mata ko at napasigaw ako ng maramdaman kong bigla akong umangat

"Anong oras na tatalon talon ka pa dito"

Napalingon ako kay Papa ng maibaba niya ako

"Wahhh! Papa nakakagulat ka naman eh, akala ko nakakalipad na ako"

Nakanguso kong usal, tumawa si Papa at ginulo ang buhok ko

"Sakay na dito ng makarating ka na ng mabilis sa school"

Nakangiting usal ni Papa kaya umangkas na ako sa harapan ng bike niya

Sira kasi yung kotse ni papa ngayon kaya bike na lang muna ang gamit niya habang hindi pa naayos yung kotse

"Thank you Papa, Love you! Ingat ka po"

Nakangiti kong kaway kay Papa ng maibaba niya ako sa school

"Love you too, Nak!"

Sigaw din ni Papa pabalik kaya napangiti ako

"Oops! Oops! Late ka na naman, absent ka na nga kahapon"

Sita sakin ni Manong guard kaya ngumiti ako ng alinlangan

"May sakit po ako kahapon, ehehe"

Mahinang tawa ko, umiling iling lang si Manong guard at pinapasok na din ako

"Good morning Ma'am, sorry I'm late"

Agad kong usal ng may makita ng teacher na nagtuturo sa unahan

"Late ka na naman, Maritez"

Sita sakin ni Ma'am kaya napakamot ako sa ulo,

Pumunta ako sa deriksyon ni Leighton at uupo na sana ako ng makitang dun na naka upo si Naomi sa upuan ko

"Huy! Alis ako dyan"

Sinipa ko ng mahina ang upuan niya kaya napalingon siya sakin

"H-ha?"

Taka niyang tanong, sipain ko kaya muka neto.Kagigil eh

"Dito ka na sa unahan umupo,Maritez"

Usal ni Ma'am kaya napalingon ako sa kanya

"Po? Dito po ako nakaupo eh"

Pagmamatigas ko at itinuro ang inuupuan ni Naomi

"Binago ko na ang sitting arrangements, dito ka sa unahan"

Seryosong usal ni Mama kaya wala na akong nagawa kundi doon umupo

"Hello, Oceana Maritez Woodfare"

Nginiwian ko si Wallace ng banggitin niya ang buong pangalan ko

"G-A-G-O"

Inisa-isa kong sabihin yun kay Wallace kaya nalukot ang muka niya

Hindi ko mapigilang hindi lingonin sila Leighton at Naomi na nag uusap

Tsk! Pagalitan sana sila ni Ma'am

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon