Graduation DayLeighton PoV
Maaga akong gumising para lang tumunganga, Ngayon ang graduation day namin at ako Valedictorian.
Nakakuha din ako ng scholar sa International Institute College pero lahat ng iyon ay hindi ko ikinasabik.
Ang sabi ko sa sarili ko magiging masaya ako dahil lahat ng gusto kong ma-achieve ay na natupad ko na pero parang may kulang, may kulang sa pagkatao ko.
"Leighton, gising ka na pala bakit hindi ka nag iintindi?" Takang tanong ni Mommy ng makapasok siya sa kwarto ko.
Naabutan niya akong nakahiga at nakatitig lang sa kisame.
"Mamaya pa naman yun, Masyado pang maaga" Walang gana kong sagot.
"Ha? May sakit ka ba Nak?" Tanong ni Mommy at hinawakan ang noo ko.
"Mommy" Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako at naupo.
"I can't understand my feelings Mom, parang may kulang kahit andami kong achievements ngayong graduating na ako" Nakayuko kong paliwanag.
"Si Oceana ba ang sinasabi mo?" Seryosong tanong ni Mommy,hindi ako sumagot at yumuko.
Akala ko magiging masaya na ako.
"Sinabi ko naman sayo diba, lahat ng desisyon natin may resulta, Pinili mo ang mag focus sa pagiging best mo, Ayan nakuha mo na hindi ba... Pero ang ginive-up mo ay ang relationship niyo ni Oceana" Kalmadong paliwanag ni Mommy.
"I did, but that's for our good" Sagot ko.
"Maganda ba ang kinalabasan sa tingin mo?" Seryosong tanong ni Mommy.
Hindi na naman ako nakasagot at malalim na bumuntong hininga.
"Mag-intindi ka na maya-maya" Saad ni Mommy at lumabas na ng kwarto ko.
Naiwan akong mag-isa at naukupa na naman ng maraming pag-sisi ang utak ko.
Naging maganda ang ginawa ko para sa achievements na hinahangad ko pero nawala naman ang nag-iisang rason kung bakit gusto kong ma-achieve ang pagiging best ko.
Kinuha ko ang painting sa cabinet ko, siguro ito na yung time para ibigay ko sa kanya to.
Binuksan ko ang kurtina ng bintana ko. Hindi ko inaasahan na nakadungaw din si Maritez sa bintana at mukhang naghihintay na mag bukas ako.
Masaya siyang kumaway sakin.
Kumuha siya ballpen at papel."CONGRATULATIONS MR PERFECT"
Unti-unting tumaas ang kilay ko nang mabasa ang nakasulat.
Kukuha din sana ako ng papel at ballpen para sagutin ang sinulat niya ng bigla na lang siyang umalis sa bintana.
BINABASA MO ANG
My Anti-Social Boyfriend
JugendliteraturCOMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)