Maritez PoV
"Mama! Sumali po ako sa camping, may babayaran daw po sa linggo na po yun" Paalala ko kay Mama kasi nag bayad na siya nang kuryente, tubig at Wi-Fi kaya dapat may extra pa siyang pera para dun hihihi.
"Ano? Magkano ba yun?" Tanong ni Mama.
"400 daw po, pero need pa din namin mag provide nang pagkain at tent" Paliwanag ko.
"Ang mahal naman niyan, sa Papa mo ka magsabi at wala na akong pera dito" Saad ni Mama na ayaw maistorbo sa paglalaro.
Pumunta naman ako sa labas kung nasan si Papa nag aayos na naman ang sasakyan niya.
"Pa,penge daw 400 sabi ni Mama" Sabi ko kay Papa habang nakasilip din sa ilalim nang sasakyan.
"Naku, wala pa akong sahod, para san ba yun?" Tanong ni Papa at lumabas sa ilalim nang kotse.
"Sa camping po, nagpalista na akong sasama po ako eh, bukas na yun" Nakanguso kong paliwanag kasi baka hindi ako makasama.
"Hindi mo agad sinabi, wala pa akong sweldo nak" Saad ni Papa kaya nalungkot ako.
Huhu. Hindi ako makakasama sa kanila... Lahat pa naman sila kasama.
"Sige po, ayos lang ehehe" Binigyan ko si Papa ng ngiti na ayos lang talaga sakin bago lumabas ng gate.
"Kiel! Kiel!" Sigaw ko sa gate ni Kiel.
Pumasok na ako sa gate kasi hindi siya lumalabas.
"Woi! Keil! Gumising ka na tanghali na!" Sunod sunod kong kinatok ang pinto ni Kiel.
"Aish! Sino ba ka— "HAHAHA...spider man" Tawa ko at itinuro ang boxer na suot ni Kiel.
Dali-dali niya akong sinaraduhan nang pinto.
"Huy! Papasukin mo ako HAHAHA" malakas kong tawa.
Mga ilang saglit pa ay binuksan niya na ang pinto.
Nakabusangot siya sakin kaya lalo akong natawa.
"Haha, ayos lang naman magsuot nang boxer na spiderman eh" natatawa kong sabi at pumasok na sa loob.
"Ewan sayo, ano ba kasing ginagawa mo dito?" Inis niyang tanong.
Hindi ako sumagot at inilibot ko lang ang tingin sa paligid.
"Ba't may lotion at tiss— Akin na nga yan!" Mabilis niyang kinuha sakin yung lotion na kinuha ko sa sofa.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Inis ulit niyang tanong.
"Wala, Hindi ako makakasama bukas" Nakanguso kong sagot.
"Ha? Bakit?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.
"Wala kasing pera" Sagot ko,
Gustong gusto ko talagang sumama pero wala kaming pera.
"Gusto mo, pautangin kita? Tas syempre babayaran mo din ako" Sagot niya kaya napaisip ako.
"Sige, gusto ko kasi talagang sumama eh" Masaya kong sabi.
"Sige, pero may kapalit yun" ngiting ngiti niyang sabi sakin.
Kaya naningkit ang mata ko, base sa ngiti niyang mukhang hindi maganda ang kapalit.
"Ano? Yung maayos ha" Seryoso kong saad.
Inilibot niya ang paningin niya sa paligid kaya tumingin din ako.
"Ehehe, alam mo naman na siguro ang ibig sabihin nun" Taas kilay niyang tanong habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Anti-Social Boyfriend
JugendliteraturCOMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)