MASB-20

364 24 3
                                    


Maritez PoV

Maaga akong pumasok sa hindi malaman na dahilan. Bakit kailangan ba lahat may dahilan?.

Bukas na ang room ng dumating ako kaya deri-deritso akong umupo sa upuan ako.

Napabuntong hininga ako dahil kami pa lang dalawa ni Leighton ang andito sa room, alam kong nakita niya din akong pumasok.

Kinuha ko ang wallet ko at cellphone tyaka tumayo. Agad akong umiwas ng mapatingin ako kay Leighton na nakatingin din pala sakin.

"H-hey" Napahinto ako at nakagat ang labi ng tawagin ako ni Leighton.

Boung ngiti akong humarap sa kanya.

"Bakit, President?" Nakangiti kong tanong, Naging blangko ulit ang itsura niya at tinalikuran ako.

Napangiti ako bigla at pumunta sa harapan niya.

"Haha, joke lang Leighton. Ano ba yun?" Ngiti kong tanong.

Umaakto akong normal ngayon at siya naman tong parang naiilang.

"W-wala, nalimutan ko na ang sasabihin ko" Saad niya at mahina akong hinawi at muli siyang bumalik sa upuan niya.

Sinimangutan ko na lang siya at lumabas na ng room, Bahala nga siya. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang kumausap sakin.

"Yow! Maritez"

Nahugot ko ang hininga ko ng makaliko ako sa dulo ng hallway ay biglang sumulpot si Baste at inakbayan ako.

"King'na mo Baste" Inis ko siyang tinignan ng hawakan niya ako sa braso kaya hindi ako makaalis.

"May nag hahanap sayo, wag ka ng komontra" Ngiti niya sakin at hinila ako papunta sa likod ng school.

Kumunot ang noo ko ng makita si Dodoy na naninigarilyo at may kasama pang isang lalaki.

Agad siyang ngumisi ng makita ako at itinapon ang sigarilyo ng makalapit na kami.

"Wow! estudyanteng estudyante ah" Malakas niyang saad at inikutan ako.

"Tsk, yan lang naman si Baste ang mukang tatay na nag aaral eh" Bagot kong saad kaya sinamaan ako ni Baste ng tingin.

"Haha! Medyo nga... Kilala mo ba si Andoy?" Tanong niya.

Andoy? Saan ko nga ba narinig yung pangalan na yun.

"Di ko ki- Sus! Wag kang sinungaling, ibigay mo ito dun" putol niya sakin kaya tinignan ko yung inaabot niya.

"Ano yan? shabu?" taka kong tanong pero hindi ko tinanggap yung sobre na iniaabot niya.

"Anong shabu? Ganito kalaking sobre?" Tanong niya ulit at pilit iniaabot sakin yung sobre.

"Aba malay ko kung shabu yan, ikaw ang nag bibigay sakin niyan eh" Walang gana kong saad, napakamot siya sa ulo niya at tinitigan ako.

"Basta, ibigay mo na lang to" Naiinis na niyang usal at iniaabot na naman sakin yung sobre.

"Huy! Hindi mo na ako utusan ngayon ah, Yang pamangkin mo ang utusan mo" Pairap kong saad at tinalikuran sila.

"Tsk, gusto mo ba talaga ng gulo?" Kalmado niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad,

Napalunok ako at pilit tinigasan ang mukha.

"Estudyante na ako ngayon, at kung ano man yung nagawa ko dati kinalimutan ko na lahat yun" Seryoso kong saad at naglakad na ulit.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon