MASB-27

269 17 1
                                    


Leighton PoV

"So here's the instructions guys.. I will group you into five.... " Pinaliwanag samin ni Ma'am ang mga gagawin.

We need to find a ten yellow flags since yellow ang nabunot naming kulay. It's still morning kaya nasa loob ng gubat ang mga hahanapin naming flag.

Within one hour kailangang nahanap na namin at makabalik kami dito sa campsite. Since ilang beses naman na akong nakapunta dito hindi na mahirap ang daan.

Gusto kong mag-request kay Ma'am na ilipat ako sa grupo ni Maritez pero ayoko namang maging mukhang desperado kaya nanahimik na lang ako.

"Timers start now! Paalala hindi kayo pwedeng lumagpas sa white na tali!" Sigaw ni Maam.

Nagsitanguan kami at sabay sabay nang pumasok sa gubat.

We started finding the flags and luckly nauna kaming makahanap ng isa.

Where like eleven groups hindi ako sigurado.

"Guys mas mabilis siguro tayong makakanap kung maghihiwalay tayong or by pair then ako na lang ang solo" Suggest ni Faye classmate namin.

"sige mas maganda siguro yun" Sang-ayon namin.

"Meron naman na tayong isa, apat na lang ang kulang pag may nakuha na kayo balik agad kayo sa campsite dun na tayo magkita-kita" Saad ko na tinanguan lang nila.

Si Naomi ang kasama ko sa paghahanap.

Maritez PoV

"Maghiwa-hiwalay kasi tayo, wala pa tayong nahahanap oh.. Green ba naman kasi eh puro puno dito" Reklamo ko dahil green ang nabunot namin edi mahihirapan kami nun.

"Oo nga, tas pagmay nahanap na kayo balik agad kayo sa campsite" Segunda ni Kiel.

Kaming tatlo nila Wallace ang magkakagrupo, si Zoey napahiwalay samin.

"Sige sige, tara" Yaya ko at nauna na.

Akala ko hindi susunod sakin si Kiel kasi sa ibang deriksyon siya pumunta tapos mayamaya lang kasunod ko na.

"Diba sabi mo nakapunta ka na dito ng ilang beses?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumango.

"Oum kaya kabisado ko na ang lugar na to" Proud kong sabi.

Naghanap kami ng mga flag na kulay green na flag.

Sa kakahanap namin ay napunta kami ni Kiel sa harang na may kulay red na tali.

Nilibot ko ang paningin ko at may nakikita pa naman akong ibang estudyante.

"Woi, Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Kiel ng makita niya akong lumusot sa tali.

"Maghahanap ng flag" Inosenteng sagot ko.

"Sabi diba wag lalagpas sa white na tali?" Taka niyang tanong.

"White ba to Kiel? Wag ka ngang baliw red to oh,  kaya lika na baka dito nila nilagay yung flag natin" Pang-kukumbinse ko sa kanya.

Sumunod naman siya sakin at naghanap kami nang naghanap pero wala naman kaming nakita.

"Maritez bumalik na tayo, parang ang layo layo na natin eh" Yaya sakin ni Kiel kaya sumang-ayon naman ako.

"Sige, tara papadilim na din eh" Saad ko.

Sa hindi malamang dahilan parang paulit ulit na ang dinadaanan namin ni Kiel.

Nagkatinginan kaming dalawa at napatango.

My Anti-Social Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon