JE POV
Lumabas ako sa kwarto ng boys after ko i comfort si kuya emman. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. hindi sya kayang tanggapin ng utak at puso ko. bakit ganon? totoo bato???
Hindi kopa kayang bumalik sa kwarto kaya pumunta muna ako sa kusina. Tapos na silang kumaen at si Jean nasa kwarto na. yung mga lalaki naman yung nagliligpit dito sa kusina.
"Kamusta si Emman?" tanong ni Fern
di ako umimik. diko alam ang sasabihin ko. umupo lang ako sa may dining area at saka nangalumbaba. naramdaman ko naman na lumapit sakin si Vien at Fern.
"ok ka lang ba?" tanong ni Vien
"Pwede bang umuwe na tayo bukas?" tanong ko
"bakit naman? di kaba happy sa bakasyon nato?" si Jay
hindi ko pinansin si Jay. diko lang trip na kausapin sya. tumayo ako at umalis sa kusina. pumunta ako sa may pool at doon nag isip isip.
bakit sobrang komplikado ng pag ibig? magmamahal paba ako kung ganito yung nakikita at nalalaman ko?
"sorry." si Carlo. umupo sya sa tabi ko at kita mo sa mukha nya na malungkot talaga sya.
"bakit ganon? bakit sobrang kumplikado ng pag ibig?" naramdaman ko nalang ang pag comfort ni Carlo sakin. alam kong alam nya yung sinasabi ko dahil nakita ko sya na nakikinig samin ni kuya emman. bigla ko syang niyakap at dun nako umiyak.
"ganun talaga. wala namang perfect relationship. Wala ring perfect love Unless Love of Jesus ito, then yun yung perfect." umiiyak parin ako habang nagsasalita sya.
"naaawa ako kay kuya emman :("
"ako rin. pero malakas sya. kaya nya to. basta palagi lang natin iparamdam sa kanya na nandito tayo para sa kanya."
ilang oras din kaming nag usap 2 ni Carlo hanggang sa naisipan na nya akong ihatid kase gabing gabi na. nag wave ako sa kanya at saka pumasok ng kwarto.
nakita ko si Jean na busy sa pag la laptop.
"Kamusta si Emman?" tanong nya
sa totoo lang ay ayoko muna syang kausapin pero ayoko naman na mahalata nya na alam ko na kung anong ginawa nya
"ok naman. gusto nya lang matulog" sabi ko
"May problema ba?" tanong nya
''wala naman". sabay nginitian ko sya ng pilit at saka tumalikod sa kanya at humiga sa kama
-------------------------------
gumising ako na wala si Jean sa higaan nya. hinayaan ko nalang dahil wala naman akong magagawa kung nasaan sya. lumabas ako dahil gutom nako. nagulat ako na 6 am palang pala. ang aga paaa.. haaayss.. panigurado tulog pa yung mga boys. ako nalang magluluto for breakfast. papunt nako ng kusina ng makita ko si Jay at Jean sa may gate na magkayakap...........
"anong ginagawa nyo??" tanong ko. nakita kong gulat na gulat sila dahil nakita ko sila.
"Je.. it's not what you think." si Jean
BINABASA MO ANG
Past Love
Любовные романыif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?