Chapter 5: Face it

15 0 0
                                    

Nagising ako sa sobrang init NG paligid. Nakita Kong nakatutok Naman Ang electric fan sakin, pero Ang init parin.

"Aba! Alas dos na NG hapon! Wala kanang balak bumangon?! Di kana ba kakaen?!" Rinig Kong sigaw ni mama

Panaginip Lang pala. Napaka habang panaginip. How I wish na totoo nalang Yun. Kaso Hindi. Hindi talaga totoo Ang time machine at time travel. Never kanang makakabalik sa past. At lalong never monang mababago Yun. Kaya Kung ako sa Inyo, gumawa Kayo NG bagay na Hindi nyo pagsisisihan sa Huli. Maibabalik mo Lang Ang lahat sa tulong ng panaginip. Hanggang dun nalang.

Hopeless akong tumayo sa Kama ko at kumaen ng brunch.

"O, buti at nagising kana." Si Nica habang hawak hawak Ang anak nya

"San ka pupunta? Mukhang bihis na bihis ka?" Tanong ko sa kanya.

"Magkikita kami NG tatay neto" turo sa anak nya "magbibigay daw NG sustento"

"Sus! Naniwala ka Naman? Gusto ka Lang Makita non" Sabi ko.
"Wag Kang marupok ha!" Sabi ko agad sa kanya. Tinawanan nya Lang ako at ibinigay Kay mama Ang anak nya

"Tiya, babalik din po ako agad. Pabantay muna po sya." Agad namang ngumiti si mama Kay Nica at saka kinuha Ang bata saka sya umalis.

Sabado ngayon Kaya Wala akong gagawen. Ilang araw nalang graduation na namin. Haaays San Kaya makapunta?

O_____O Tama. Pupunta akong tower. Agad agad akong naligo at nag ayos saka nagpaalam Kay mama na aalis Lang ako saglit. Diko na sinabi kung San ako pupunta. Mabilis Lang Naman ako e. Magmumuni Muni Lang. Hehe

Agad akong sumakay ng pedicab at Dali daling tumakbo papunta sa tower.

0____________0"

Bigla akong napatigil sa paglalakad ko ng Makita Ang pigura NG isang lalaking nakatalikod sakin. Nakaharap sya sa tower at seryosong nakatingin dito. Diko Alam Ang gagawen ko. Aalis bako? O ano?

Bigla syang humarap sakin na ikinagulat ko.

"C-Carlo?" Ok epic Ang itsura ko. E bakit ba? Di ako sanay e. Tsss

Nakita ko Ang gulat sa mukha nya. Tumingin Lang sya saken at umalis.

Great! Napaka galing mo talagang lalaki ka! Dapat itawag sayo Jack Frost! Hmp!

Pagkaalis nya ay umupo ako sa inupuan namin ng past carlo. Nakatitig din ako ngayon sa tower.

"Haaays, past Carlo, diko sya kayang kausapin. Bakit ba kase magkaiba Kayo? Bakit ikaw mabait, tapos sya cold! Nahihirapan tuloy akong isipin na iisa Lang Kayo. Tsss"

"Je?"

'O__________________O'

Agad akong nakaramdam NG hiya ng marinig ko Ang boses nya. Akala koba umalis na sya? Huhuhu Je! Why so stupid. Huhuhu

Lumingon ako sa kanya at NASA likod ko Lang sya. Muntikan pako malaglag sa kinauupuan ko.

"Hi. He-he-he" umayos ka self!!

"Bakit?" Tanong ko

"Ahh. May imi-meet kase ako ngayon. Pasuyo Naman kila emman na male late ako mamaya sa kanila. Salamat. Alis nako." Saka sya umalis

Emman? Mamaya? Anong meron? Wala namang sinabi si kuya Emman na pumunta sa kanila a? O baka nakalimutan ko Lang? Haaays.

Hinabol ko sya nung makitang dipa sya nakakalayo.

"Wait! Wait Lang!" Sigaw ko habang natakbo

Hindi parin sya tumitigil sa paglalakad. Aba! Ang bingi Naman neto!

Past LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon