5 am
yes mamsh! maaga nanaman ako nagising dahil kailangan. bumangon ako at nagpasalamat sa bagong umaga na binigay nya sa amin. paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nakapag luto na si mama
"aga nyo magising mama a?" tanong ko sa kanya
"para hindi ka ma late sa trabaho mo. kamusta naman?" tanong ni mama
"masaya ma, super! thank God kase mababait yung mga naging kaibigan ko dun. pati si boss mabait din. yun nga lang strict. hehehe" sabi ko
"osya sya, kung ganong strikto pala ang boss mo ay lumakad kana. bilisan mo dyan ha. matutulog muna ako at puyat pa ako." si mama
tumango lang ako sa kanya at binilisan ng kumaen. naligo nako at nag ayos syempre. pagtapos ay ginising ko si mama at nagpaalam nako na aalis nako.
7:30 ng makarating ako sa office. wala pa masyadong tao kaya pupunta muna akong canteen para bumili ng milk tea. hehehe. wala pa kase yung tatlo tapos yung dalawang gwapo wala parin. kaya wala akong makausap.
naglalakad ako papuntang canteen ng may mahagip ang dalawa kong mata na sobrang pamilyar na mga itsura.
"hoy mga abnorms! ano ginagawa nyo dito?" tanong ko kila kuya emman and the gang
muntik nang lumuwa ang mga singkit nilang mata ng makita ako, hahaha problema ng mga to?
"bu-bunso?" di makapaniwalang tanong ni kuya emman
"ikaw ang dapat naming tinatanong kung bakit ka nandito." si fern na naka cross arms pa.
"ako?" sabay turo ko sa sarili ko
"oo! sino pa bang kausap namin? ikaw lang naman a" pilosopong vien
"dito ako nagta trabaho" sagot ko
"ANOOOOOO?!!!!" sabay sabay nilang sagot
"chorus?" pang aasar ko sa kanila. "bakit, mukha bakong hindi makakapasa dito?" galit na tanong ko sa kanila.
nakita ko naman na nagtinginan silang apat at ngumiti ng nakakaloko
"so anong ginagawa nyo dito?" tanong ko
"obvious ba? edi nagkakape." si jay
"saka bibili kami ng mga souvenirs. hahaha" si kuya emman habang turo turo yung souvenir shop sa gilid.
diko alam kung maniniwala ako o ano e, haaays
"wala ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko sa kanila
"meron. may i mi meet kame ngayon dito." si fern
"a ok. bibili lang ako ng milk tea a. heheh bye" sabi ko
ilang minuto lang ay bumalik ako sa kanila.
"mamayang 8 pa kase start ng trabaho dito, masyado kayong maaga" sabi ko
"ok lang yan, masarap magkape ng gantong oras." si jay
"san ka dito?" seryosong tanong ni kuya emman
"sa F--- department. researcher ako dun :)" sabi ko
"wow. congrats bunso!" si vien
"sige na, baka ma late kana. lakad na. sasabihan ka nalang namin pag aalis na kami para makapasyal kami sa inyo." si kuya emman
nginitian ko lang sya at akmang tatalikod na sa knila ng..
"Je?" humarap ako at nagulat ako ng makita si Dylan at si Zi. napatingin naman agad ako dun sa apat at hindi maipaliwanag ang mga paghihitsura. hahahah
BINABASA MO ANG
Past Love
Romanceif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?