Je POV
Kyaaahhhh! Ang saya ng umaga kooo. Hihihih nakasayaw ko si Carlo. Hihihi saka sila Dylan at Boss omoo!! Hahaha kaya lang, hindi ko naisayaw ang oh so pogi kong kumare na si Aldrin. Aba wag kayo, ang gwapo nya kagabi. Lalaking lalaki. Hahaha pag mga work days kase, lagi naka kilay at lipstick ang lola mo. Baklang bakla! Hahaha pero nagulat ako na ang gwapo pala talaga nya pag naging tunay na lalaki. Hahaha
Andito ako ngayon sa aking kwarto. Nag mumuni muni ng mga bagay. Hahaha masaya ako kase nanalo kami ni Carlo. Saka kinonsider na nya akong kaibigan nya hihihi. Pero moved on naman nako. Promise! Friends nalang talaga kami. Masaya lang talaga ako ngayon. Hihihi
"hoy! bumangon kana dyan at may naghahanap sayo!" narinig kong sigaw ni mama
huh? sino naman kaya yun?? lumabas ako para harapin sya at..
"Jean?" nagulat ako. sa sobrang saya ko niyakap ko sya agad
"jeeean, huhuhuh namiss kita ng superrr!"
"ako rin. kaya nga pinuntahan kita e. ikaw ha madami kang utang sa chismis saken. hahah" sabi nya
"nako. wag kang mag-alala, babayaran ko yan ngayon. hahaha"
"wag dito. mag date tayo" sabi nya
"huh? san?"
"basta. maligo ka at mag ayos. may pupuntahan tayo" sabi nya
agad naman akong sumunod sa sinabi nya. matapos ang isang oras ay ready nako. hahaha
"ang tagal ha" pagrereklamo nya
"sorry pooo" sabi ko sabay nag ala chichay. haha nag palda lang ako at black na damit.
"anyare? para kang kpop sa damit mo" si Jean na natatawa sakin
"pangit ba?" tanong ko
"nope, ang cute mo nga e, hahaha tara?''
nagpaalam na kami kay mama at umalis na. haays, namiss ko talaga ang bestfriend ko, huhuhu
------------------------
Star bucks
"wow! yayamanin ang aking bespren! hahaha libre mo?" tanong ko sa kanya
"nako. ikaw ang bigatin. kaya ikaw ang manlibre! hahah" sabi nya
"hindi pako na sweldo. hahaha" sabi ko " saka bigatin ka dyan, ikaw nga yung accountant e. di hamak na mas bigatin ka hahaha" sabi ko ulit
"joke lang to naman. oo na, libre ko. pero pag sweldo mo libre moko a" sabi nya
"sure! ora mismo! hahaha"
"alam mo Je, kinukulit ako ni emman tungkol sa kasal nayan."
"talagaaa?? magpapakasal na kayo? kala ko mag iipon muna?" tanong ko.
"yun nga e. diko alam kung pano ko sasabihin" nakita ko yung lungkot sa mukha nya. anyare??
"Je, ayoko pa magpakasal." sinabi nya ng deretso sakin
nabigla ako. whaaaat???
"pero ma-mahl mo naman si kuya emman diba?" tanong ko sa kanya. shocks, wae? huhuhuh um-oo ka please
"syempre naman" lumuwag yung pakiramdam ko ng marinig yun kay Jean "pero" sumikip nanaman dahil sa pero nyaa huhhu ano baaa.
"pero" tanong ko
"pero hindi ko pa kayang magpakasal sa kanya"
"edi sabihin mo."
"hindi ko alam kung pano. alam kong excited sya. palagi nya yun sinasabi saken. nag pa plano narin sya para sa future namin. nasasaktan ako tuwing maririnig yun sa kanya. alam kong pag sinabi ko to sa kanya sobra syang masasaktan. at pag nasaktan sya, doble ang sakit sakin non" sabi nya. umiiyak na si Jean, huhuhu ano gagawen ko??
BINABASA MO ANG
Past Love
Romantizmif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?