Emman POV
Umagang kayganda! :) nandito na kami ngayon sa company ng aking kaibigan. dumirestso kami ng tatlong abnoy sa coffee shop. kape is life nga kase. hahaha
"pare, nakapasok na kaya si bunso?" tanong ni vien sa akin
"malay ko. gusto moba tawagan ko?"
"wag na. baka may kasama nanamang intsik yon" si jay
hahaha naiirita kami sa mga yun. di kami bitter kase mas gwapo naman kami sa kanila no! hahaha
pagkabili namin ng kape ay nag stay muna kami sa coffee shop. iniintay kase namin si Carlo.
------------------
Sa office
pumasok kami sa office kasama si Carlo. mga nakangiti naman samin yung mga babae tapos yung mga lalaki ang sama ng tingin. lalong lalo kay Carlo.
"Good morning everyone!" pagbati nung boss nila na iba ang tingin sakin. yuck!
"this is Carlo's friends na makakatulong natin sa ating projects. sana ay maging maayos ang pagtanggap nyo sa kanila." sabi nya pa ulit at tinignan ng masama yung dalawang lalaki sa kabilang lamesa.
pagtapos nun ay bumalik na yung boss sa office nya. nakabukod naman yung table naming apat sa kanila kase nga collab kami. pero malapit lang yung table namin kay Carlo. halos katapatan lang.
"mukhang hindi maganda kutob ko sa lugar nato a" pabulong na sabi ni fern samin
"tumigil ka nga, baka may makarinig sayo, mapapahiya si Carlo nan." sabi ko kay fern
sa totoo lang, parehas kami ng nararamdaman ni fern. hindi ko lang alam kung ganun din yung nararamdaman nung dalawa. inikot ko ang mga mata ko at may mga mata na ang sama ng tingin samin at kay Carlo. ok lang kaya si Carlo sa trabaho nyang to??
agad konang binuksan yung computer na nasa tapat ko. lahat kase sila ay nagtatrabaho na, samantalang ako, nakatunganga lang. hahaha
binuksan ko muna yung facebook ko tapos youtube. nag check muna ako ng messages. nag chat kase si Jean saken e. lalandi muna ako. di naman nila kita ginagawa ko e, hahaha. nag chat ako sa kanya na magtatrabaho muna ako. mag la log out na sana ako kaso nakita kong nag chat bigla si bunso. nag congrats sya samin tapos sabi nya sabay sabay daw kami mag lunch mamaya. nag sure na lang ako. alam kong kasama nanaman yungmga instik na yun. pero ok nako. kagaya nga ng sabi ni Jay, kailangan ko nang tanggapin. kung importante yung mga chengwa na yun kay bunso, dina ako magiging against dun. support nalang ako.
napaka tahimik sa lugar nato. boring na boring ako. samantalang sa office namin ay napaka ingay dahil pwedeng pwede kami mag ingay don. at nangunguna ang bunganga ko dun. hahahaha
"tara, kape tayo." nagulat ako ng biglang lumapit si Carlo samin.
"pwede ba?" tanong ko
"pwede anytime, basta kape. saka hindi ka mag tatagal ng 30 mins. sa labas." sabi nya
tumayo kami at sabay sabay umalis. pagkalabas namin sa office ay sumigaw ako
"waaahhhh!" sabi ko
"problema mo?" tanong ni Vien
"ang tahimik don, hindi ko ata kaya. hahaha" sabi ko
BINABASA MO ANG
Past Love
Romanceif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?