CARLO POV
Diko maintindihan ano ba ang mararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya pero paano? baka hindi nya ako maintindihan. Tumigil ako sa may tower dahil diko kayang mag maneho. umupo ako sa may bench kaharap ng tower.
ano bang dapat kong gawen? pwede po bang mag send kayo ng sign Lord?
"Carlo!"
Napalingon ako ng may tumawag sakin.
"Jean?"
"Kamusta?" sambit namin parehas. Tumawa naman kaming parehas.
"Kamusta si Emman?" tanong nya at sabay umupo narin sa tabi ko.
"ok naman. may pagka bossy nga lang. haha. ikaw, kamusta ka? wala na kami masyadong balita sayo a. si Jay nalang ang nagbabalita sa amin tungkol sayo."
"Ok naman ako. gusto ko lang lumayo muna kay Emman para ma- miss naman nya ako. pero parang hindi naman nangyayari. haha"
"Jean."
"Hmmm?"
"Sana, wag mong gamitin ang nararamdaman ng pinsan ko para sayo para makalimutan si Emman. Magkakaibigan parin kami. Hiling ko na hindi yun masira dahil sayo."
Napatigil si Jean sa sinabi ko.
"Carlo..."
"matagal ko nang alam. Nagkikita kayo madalas ni Jay diba?"
"ahhh..."
"Jean, tao rin si Jay, may nararamdaman sya. at higit sa lahat, mabait ang pinsan ko. Alam nya kung saan ang pwesto nya. Pero nandyan parin sya sa tabi mo dahil bukod sa nararamdaman nya sayo, ay kaibigan karin nya."
"Sorry. Hindi yan ang intensyon ko Carlo. Tama ka. Napaka bait ni Jay. Kaya nakokonsensya ako minsan. Kasi alam nya naman na si Emman ang mahal ko e. Pero nandyan parin sya para sa akin para samahan ako. Alam nyang hindi ko kayang suklian yung pagmamahal na meron sya para sa akin. But still, he chose to stay. Maybe we could help him moved on? Like, find other woman?"
"Hindi ko yun gagawen. Hayaan mo nalang sya. Magsasawa rin syang bumuntot sayo :)" sabi ko
"Maiba tayo. Kamusta kayo ni Je? Kayo naba ulit?" Tanong ni Jean
"anong sinasabi mo? hindi no. Magkaibigan lang kami." sabi ko nginitian naman nya ako ng nakakaloko.
"bat ganyan tingin mo?" tanong ko
"very obvious ka kasi. HAHAHA alam mo, kung ako sayo, umaamin nako. bago pako maunahan ng iba." sabi nya
"hahayaan ko na ang iba na alagaan at mahalin sya. Dahil kung ano man naging nakraan namin, hanggang doon nlang yun. hindi na namin para ulitin yun at saktan ulit ang isat isa"
"Saludo ako sayo. :) Pero sana in another time, hayaan ni Lord na mag meet ulit kayo at kayo na ang magkatuluyan. Maybe in 2050? HAHAHA joke." sabi ni Jean
"Hindi naman yun totoo. haha Maybe we're just destined to be friends with memories."
"drama mo naman. hahaha umuwe kana. uuwe narin ako."
"sabay na tayo. ihahatid na kita. delikado ngayon no." sabi ko sa kanya.
Pasakay na kami ng motor ko ng maaninag ko sa di kalayuan si Emman. Nandito sya? Bakit? sinusundan nya ba si Jean?
BINABASA MO ANG
Past Love
Romanceif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?