JE POV
1 Week na yung nakakalipas simula nung manyare yung nag reunion kami sa hospital nila kuya emman. Haaays. What a tiring day!
Buti nalang at fully ok nako. Pwede na akong pumasok bukas :)
Sa loob nang isang linggong yun ay palagi akong binibisita nila aldrin at nila Carlo. Sobrang ingay palagi sa bahay namin dahil napaka gulo nilang lahat. Hahaha si kuya emman naman sumasama na ulit sa amin. Ang problema nga lang, hindi nya pinapansin si Jean. Hindi rin sya sumasagot everytime na tinatanong namin sya about kay Jean. Sobrang lungkot lang. Parang binura nya si Jean sa buhay nya. Huhu
"Kamusta kayo ni Carlo?"
Nagulat ako ng tanungin ako ng pinsan ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kamusta ba talaga kami. Dahil simula nung umuwe ako dito sa bahay ay lagi syang dumadalaw at nagdadala nang mga pagkaen. Lagi nyakong kinakamusta at kinekwentuhan tungkol sa maghapon nila nila kuya emman. At kung anong mga kalokohan ang ginagawa ng mga abnorms. Hahaha
Bigla kong nararamdaman unti unti na bumabalik na yung Carlo na nakilala ko noon. Handa naba akong aminin lahat sa kanya? Ayokong maramdaman nya na kasalanan nya ang lahat dahil hindi naman.
"Hoy, ika'y kinakausap ko." Sabi ni ate anne
"Ate anne, tingin moba naaawa lang si Carlo kaya nyato ginagawa? Kase hindi naman sya ganto sakin simula nung maghiwalay kami e."
"Edi itanong mo sa kanya. Sya lang ang makakasagot nan. Pero ang tanong, bat naman sya maaawa sayo??" Sabi nya
May point sya. Bat naman maaawa si Carlo sakin??
"Je?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Carlo.
"Mauna na muna ako" sabay umalis si ate anne.
Naiwan kaming 2 ni Carlo sa terrace namin. Medyo awkward. Narinig nya ba yung usapan namin ni ate anne??
"Ano palang ginagawa mo dito? Bat dimo ata kasama sila kuya emman?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan.
"Hindi sila makakapunta e. Kaya ako nalang yung pumunta. Ayaw moba??"
"Nako! Hindi a. Hahaha ano kaba. Thank you kase pumunta ka :)"
Lumapit sya sakin at iniabot yung mga pagkaen na binili nya sa McDo.
"Thank youu" sabi ko at sabay kaming kumaen.
"Je, ayaw mobang mag break muna kahit 1 week lang?? Pasyal tayo sa lugar na gusto mo :) sama natin sila emman."
" 1 week na ngakong wala sa work e. Ok lang ako promise :)"
Bigla namang lumungkot ang mukha nya. Gusto nya ba talaga na mag out of town kami??
"Sige na nga! Pero, magpapaalam muna ako kay boss kung papayag sya. Ok??"
Bigla namang nagliwanag ang mukha nya.
"Sige! Hahaha kaen na tayo ulit :)"
-----------
Nandito kami ngayon sa Van. 1 week ang bakasyon namin nila Carlo at kuya emman. Kasama din namin si Jean kahit na awkward sila ni kuya emman. Pupunta kami sa rest house nila Vien.
"Pano nalaman ni Boss na magpapa alam ako sa kanya??" Tanong ko
"Sinabi namin kay kuya Ryan. Since kailangan mo nang pahinga at new environment, si kuya Ryan na nagpaalam para sayo." Si Vien
",Pero... Work from rest house tayong lahat. Hahahaha" sabay inilabas ni Fern ang laptop nya.
Tinignan ko naman si Jean na nasa gilid ko. Tahimik lang sya.
BINABASA MO ANG
Past Love
Romanceif you're given a chance to change the past, will you grab the chance?