Chapter 8: Acceptance

17 0 0
                                    

Umuwe ako na mugtong mugto Ang Mata. Dumiretso Lang ako sa kwarto ko at humiga.

Ayoko NG alalahanin lahat. Nilagay ko Yung diary sa ibabaw NG damitan ko.
Masusunog kana bukas.

---------

1 pm

Oo. Ala una nanaman ako ng tanghali nagising. Bumangon ako at nagdasal sa panibagong araw na binigay nya sakin.

Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko don si ate Anne at Nica. Nakatingin sila saken pero Hindi ko sila pinapansin. Nagsandok Lang ako NG pagkaen at saka umupo at kumaen.

"Mag kwento ka Naman NG nangyare kagabi. Yieee" pang aasar ni ate Anne.

Hindi ko parin sila pinapansin. Tuloy Lang ako sa pagkaen.

"Hoy. Bulag kaba? Di kami Kita??" Si Nica.

Tumayo ako sa kinauupuan ko na ikinagulat nila.

"Ano ba problema mo? Kung badtrip ka kagabi wag kana mag kwento. Pero wag mo kami idamay!" Inis na Sabi ni ate Anne.

"Wag idamay?!" Sigaw ko Rin

"Hoy, wag kayong mag away ha." Pag aawat ni Nica

"E ano bang problema mo nga?! Tinatanong ko diba?!" Si ate Anne

"Kayo?!" Tinuro ko silang dalawa ni Nica

"Ano?! Ano namang problema mo samin? Kase inaasar ka namin? Psh. Ang babaw mo!" Si ate Anne

"Hindi Yun!"

"E ano nga?" Pag uulit ni Nica
Kita ko sa mukha nila Ang pagkairita saken. Mas naiirita ako sa kanila. Hindi kami ganto. Hindi kami nag aaway pwera Lang nung mga bata kami.

"Ayoko sa lahat Yung pinapakealaman Yung buhay ko. Lalo na Yung GAMIT ko!" Diniinan ko Yung salitang Yun para maintindihan nila.

"Aba! Ano namang gamit mo Ang pinakealaman namin Aber?!" Sigaw ni ate Anne.

Huminga ako NG malalim.

"Sino Ang nagbigay sa Inyo Kay Carlo ng diary ko? Sino?!" Sigaw ko

"Ha?" Si ate Anne na biglang tumingin Kay Nica

"Ikaw ba Nica?" Tanong ko sa kanya.

"Oo" Sabi nya

"Baket?!" Inis na tanong ko

"Para malaman Mona Kung ano Yung dapat mong gawen. Kung mag mu move on ka o Hindi." Sabi nya

"Hindi nyo ba Alam na galit na galit si Carlo ng mabasa yon?! Napaka tagal na non. Bakit kailangan nya pang Makita at mabasa?!!" Umiiyak nako kase naaalala Kona Naman Yung nangyari kagabi. "Alam nyobang napasama pako sa ginawa nyo?! Nagmukha akong isang babaeng desperada na gusto ulit syang makuha?!! Oo! Hindi ako maka move on, pero hayaan nyona ako sa part na yon! Wag na Kayo makialam. Laban koto. Alam Kong concern kayo saken. Pero please. Tama na. Ako Lang Yung nahihirapan e." Umiyak nalang ako NG umiyak. Narinig ko Naman na umiiyak nadin sila.

"Sorry." Sabi ni Nica

"Mahal ka namin Kaya namin nagawa yon." Si ate Anne.

"Ok Lang. Tapos na e. Sana Hindi na maulit." Tapos nagyakapan kaming apat kasama Yung anak ni Nica

"O baka maipit si Toto" si Nica habang natawa.

"Para tayong mga baliw dito. Mag aaway, iiyak, tapos magbabati." Si ate Anne.

-----------

Bumalik ako sa kwarto pagtapos nun at humiga. Wala ako sa wisyo lumabas NG kwarto. Haaays.

Past LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon