Pagkadating ko sa kwarto ko, tinignan ko ang phone ko at nagtext si Gray.
From: Gray Tutor
Hey, I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang gawin yun. Kung ninakaw ko first kiss mo, I'm very sorry! Kahit anong gusto mong gawin ko gagawin ko patawarin mo lang ako. Please don't be mad. :(
First kiss?
Hindi kita first kiss Gray.
***
FIRST YR HS
Nagpunta na kami sa session hall dahil magsstart na daw ang retreat namin. Siyempre, tumabi kaagad sa akin si Gray tapos sa kabila ko naman si Bianca.
"O baka aayaw ka pang magkatabi tayo ha." sabi niya nung napatingin ako sa kanya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na sa nagsasalita. Ilang minuto ng nagsisimula yung retreat namin pero parang inaantok ako at hindi ko maabsorb yung mga pinagsasabi ni kuya.
"Lahat tayo ginawa ng Diyos na pantay pantay. Lahat tayo magaganda at gwapo dahil ginawa niya tayo. Kaya kung tingin mo sa sarili mo ay panget, sinasabi ko na sa inyo, you're God's child kaya maganda at perfect ka." sabi nung nagsasalita.
"Sabi sa'yo pogi ako eh." bulong ni Zac sa akin kaya napangiti ako.
Nakinig pa kami sa 30 minute talk ni kuya brads at pagkatapos noon, pinaghanap niya kami ng pair. Siyempre hinatak kaagad ako ni Gray. Nainis tuloy si Bianca kasi ako daw sana ang papartner niya. Inaway siya ni Gray kaya wala na siyang nagawa.
"Gusto kong mag-ikot ikot kayo ng ka-pair niyo sa retreat house na ito. Gusto kong ilista niyo sa papel ang mga 'good things' at 'bad things' ng kapartner niyo. Pwede din kayong magkwentuhan para mas makilala niyo ang isa't isa. Balik na lang kayo dito after 45 minutes."
Hinila kaagad ako ni Zac palabas ng session hall at nagpunta sa labas ng retreat house. Inenjoy niya ang lamig ng hangin. Tinaas niya ang kamay niya.
"Ang sarap ng simoy ng hangin. Dali itaas mo din ang mga kamay mo Ana. Pampatuyo din yan ng baskil." biro niya.
"Wow ha tinulad mo pa ako sa'yo na baskil parati." asar ko sa kanya.
Nagalit ata siya, "Hoy, anong baskil? Afford ko ang deodorant kaya hindi ako baskil. Tignan mo pa oh!" lumapit siya sa akin at nilapit niya ang kili kili niya sa mukha ko.
"Ano ba! Kadiri ka." sabi ko ng tumatawa.
"Kadiri pero nakangiti. Sige, ilalagay ko yan sa bad things sa'yo. Baliw ka." sabi niya.
"Sige, ilalagay ko baskil ka."
Nagtawanan lang kami noon at after ng isang minuto, naghanap kami ng uupuan para makapagkwentuhan. Kung ano anong kinekwento niya sa akin na wala namang kabuluhan sa retreat eh.
BINABASA MO ANG
When A Meets Z
Teen FictionThe story of the beautiful Ana and the not-so-handsome Zac.